Cydthealee
Nang nagising ako eh nasa hospital bed na ako. I could not remember everything that happened before this. Ang naalala ko lang eh umiiyak ako habang pinahiga ako sa stretcher. I remember the pain and the fear that this might be my last game for my UAAP career. After nun eh pinatulog na ata nila ako and now I'm here. I scanned the room kaso medyo malabo pa yung paningin ko. Hindi ko alam kung dahil kakagising ko lang or dahil wala yung glasses ko kaya di ako makakita ng mabuti. I could see some figures and I am assuming na teammates ko yung nasa tabi ko. Magsasalita na sana ako ng biglang may humawak sa left foot ko.
"Cyd." sabi ng lalakeng boses. I am pretty sure si Coach Ramil ito. "Cyd naririnig mo ba ako?"
"Yes coach." I barely spoke the words. Naramdaman ko naman parang nang hihina pa ako. Sinubukan kong i angat ang katawan ko pero pinigilan ako ni coach.
"Tahan muna." he told me. "Mag stay ka muna dito sa hospital hanggang bukas ng umaga Cyd ha. Masyadong na pressure yang right knee mo kaya naman medyo na sprain ka, mas okay na yun kesa kung napunta sa kabila yung pressure eh baka mag crack ulit yung shin mo."
Ang haba ng explanation ni coach pero honestly hindi ko siya masyadong naintindihan. Inassume ko nalang na it's about my knee again. This damn knee. Ipapahamak pa ata ulit ako nitong tuhod na ito at hindi ako pag lalaruin sa remaining games for my last season.
"Dito ka muna Cyd ha?" bilin ni coach. "Andito naman yung mga PT natin, si Lace andito rin sa hospital."
"Sige po coach." I replied to him. "Makakalaro pa po ba ako?" and I really needed to hear the answer to this. I badly needed a yes.
"Oo naman."
Thank God.
"Oh Kim, Mok, Carol, Ye at Ara alagaan niyo yang ate Cyd niyo." narinig kong bilin ni coach sa mga girls na nakaupo at my bed side. "Maiwan muna kayo dito sabay sabay na kayo umuwi bukas ng umaga. Magpahinga ka Cyd"
"Yes coach." sabay sabay nilang sinabi habang papalabas si coach sa room.
"Kimmy?" I called out her name. I dont know why I had to say her name. I knew my other teammates were there but she was the one whom I thought of first. It feels like a habit.
At this point medyo luminaw na yung paningin ko. I scanned the room once again and this time nakita ko na nga yung mga girls sa tabi ko. Si Mok, Ara at Ye ay magkatabi sa couch beside my bed. Si carol naman eh nasa far right ng room nakaupo sa isang massage chair. And si Kim, well of course si Kim yung nasa tabi ko.
"Im here." she immediately responded to my call. "Kamusta pakiramdam mo?" tanong agad niya sa akin. "May masakit pa ba?"
I gave her a quick smile before answering her. I felt more at ease being beside her.
"Wala naman ng masakit." I replied to Kim. "Medyo nabigla lang siguro yung katawan ko kaya I feel kinda weak. But I think I can manage naman na."
"Nagagalaw mo ba yang right knee mo?" Ara asked habang lumapit siya sa akin at inobserve yung leg ko. "Hindi na daw kasi linagyan ng cast kase its not necessary na daw."
"Yeah nagagalaw ko naman." sagot ko sakanya. "Teka ano nga bang nangyare? Parang nag pass out nalang ata ako nung nasa stretcher ako kasi super sakit talaga di ko alam kung bakit."
BINABASA MO ANG
Closing Time
Fanfictionread at your own risk. a story that could either make you or break you #char