14

848 17 13
                                    

Cydthealee

It's a great win for us today following our game 1 loss for the semis last Sunday. Kudos to FEU for giving us the best match possible before the finals. It's true the past loss was a huge heartbreak for the team but this heart break just made us stronger and more determined to really bring the crown back to Taft.

Like after every of our games may team dinner kami kasama ng families ng buong team. Ngayon naman eh wala yung family ko kasi next week pa sila makakapunta dito sa Manila for the finals.

"Can I pick you up na?"

Nag flash yung text ni Ricci sa screen ng phone ko. I told him na I'll try to have dinner with him today kung nanalo kami, and we did. Kaso hindi pa ako nakaka paalam sa team kung pwede kong i-skip yung team dinner. Syempre dapat alam nila kung sino ang kasama ko but I don't feel like introducing Ricci to the team yet. Actually sinabi ko sakanya na gagawin ko ito pagkatapos na pagkatapos ng season. And it's only a week away so I think okay lang na hindi ko muna sabihin. Kumuha ako ng magandang tiempo para magpaalam kay coach. Hinintay ko na magisa siya para wala masyadong makarinig sa ipapaalam ko.

"Coach!" I approached him habang nag sesettle na lahat sa restaurant na napili nilang kaninan for tonight.

"Oh Cyd, good job today." sinabi niya sa akin with a big smile na kita pa yung poging dimples niya.

"Ay, thank you coach!" medyo nahihiya kong sinabi. "Um coach pwede bang umalis muna ako saglit? I made plans kasi with my friend for tonight pero maaga naman akong uuwi sa dorm. Dinner lang po."

Syempre kinabahan ako kung anong magiging reaction ni coach. Sa isipan ko eh gumagawa na ako ng possible scenarios na pwede mangyare at nag iisip narin ako kung sino ang pwede kong isagot sa kanya kung tatanongin niya kung sino ito. But he didn't.

"Oh sige sige. Basta uwi ng maaga ha." he replied to me. "May training tayo bukas."

YES!

"And sabihan mo yung teammates mo at baka hanapin ka nila sa akin." pahabol ni coach.

"Sige po! Thank you coach!" I told him as I hugged him.

I was scanning the whole room. Kalat yung teammates ko dahil halos lahat sila ay kasama yung families nila. I know for a fact na hindi ako makakapaalam sa lahat ng teammates ko. Baka kung gawin ko iyon eh hindi na ako tuluyan makalabas. So I decided na kay Kim nalang ako mag paalama total eh siya naman yung team captain. Hinahanap ko palang yung table niya eh biglang may humawak sa balikat ko.

"Cydthealee."

Napatingin ako sa likod ko at nakita ko si Ate Rossan, yung ate ni Kimmy, pa approach sa akin. Siyempre hindi ko pinalampas na hinug ko siya dahil medyo matagal ko narin siyang hindi nakita.

"Hi ate!" napalakas kong nasabi dahil na excite talaga akong makita siya. "Long time no see!"

"Mukhang gumaganda tayo ngayon Thea ha." biniro niya sa akin. "Nag dadalaga na talaga."

"Hala si ate ohh. Parehas lang tayong maganda." sabi ko naman. "Di ko alam na nandito ka hindi man lang sinabi ni Kimmy sa akin. I miss you."

"Alam mo naman yun, pero namiss rin kita Cyd!" sagot ng ate ni Kim. "Actually di ko naabutan yung buong game, galing din kasi ako sa training eh. But wow ang galing niyo kanina. Congrats ha!"

Gusto ko pa sanang mapahaba ang usapan namin pero alam kong tumatakbo ang oras. Naramdaman ko na nag vibrate ulit yung phone ko and for sure si Ricci ang nag text.

"Sorry Ate San but I need to go na." I said apologetically. "May lakad kasi ako eh, di ko pa nasabihan si Kimmy na aalis na ako."

Ate Rossan gave me a teasing look.

Closing TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon