7

951 13 0
                                    

Kim

It's a week before our UAAP Season 78 debut. Kung gaano ka hirap yung training namin before, dumoble o kaya trumiple pa ito. Nakikita ko talaga sa lahat ng members ng team kung gaano namin kagustong mag champion ngayong year. We have been ending our year in a bittersweet manner. 2 years ago, nag graduate si Ate Aby na walang championship which was really heartbreaking not only for her but also for the whole team dahil sa limang taon na pananatili ng isang Aby Maraño sa team, she deserved her last year as a champion more than anyone did. Last year naman eh nagkaroon kami ng injury bug. Pinakamasakit pa doon ay na injure ang aming kapitana na si Ara just before the first game of the finals. Kaya naman as the captain of the Lady Spikers this year, I am working extra hard hindi lang para ma motivate ko ang aking sarili ko but most especially to motivate the whole team to give out the best they can. At sa nakikita ko ngayon eh talaga namang nararamdaman ko na lalaban talaga kami this year.

It started out as regular training for us. Nag start kami ng 9 with warm ups and drills. Ngayon na isang oras nalang ang natitira, match up games na kami at nag grupo grupo kami randomly for every match up. Hindi pa nag sisimula ang unang match up ng biglang may dumating sa gym.

"Cyd, oh ayan may bisita ka!" Ara shouted ng nakita niya yung mga papasok sa gym.

The Green Archers. Isa isa silang nag si datingan sa gym. Hindi naman ito bago sa amin dahil minsan talaga ay nanunuod sila ng training namin especially pag after din ng training nila. Pero ngayon eh wala silang training dahil a month ago ng natapos ang season nila. Nag hello sila sa amin before sila umupo sa bleachers, syempre mag kakakilala naman kami. Napansin ko na meron si Ricci kaya naman na baliw ang paningin ko kay Cyd. First time ko silang makikita sa isang room kaya naman naisip ko na iobserve sila.

"Huy Ara ano yan." medyo bulong ni Cyd.

As usual, inaasar nanaman ng buong team si Cyd, tinatanong parin siya kung sino sa Green Archers ang pinapanuod niya noon.

"Guys let's start!" sinigaw ko before pa mapunta sa iba yung usapan. At kaya naman tumakbo si Cyd sa akin at binigyan niya ako ng quick hug.

"Thanks Kimmy!"

We started the match up game. Ang nasa team ko si Cyd, Carol, Eli, Cj and si Kianna. While the other team is headed by Ara, Ye, Mok, Mayang, Joy and Dawn. Naging dikit yung laban namin kaya naman nag decide yung team to make it a 3-setter game. Siyempre naman nag sama si Ara, Mika at Mok, yang tatlong yan eh super competetive. But of course kami nina Cyd at Carol ay hindi mag papatalo. It's like a battle of the seniors to eh. Last set na at napanalo namin ang first set at napanalo naman nina Ara ang second set.

"Oh guys last set na!" sinabi ko sa team. "Papatalo ba tayo sakanila?"

"Hay nako mga gurls! Isipin lang natin beauty palang panalo na tayo kaya dapat manalo rin tayo sa game." Carol joked. At inapiran naman siya ni Cyd.

"Cristoiyneeee!" Tawag ni Cyd kay Eli. "Mika Bully Reyes yang katapat mo! Di ka pwedeng maging tahimik!" she pushed her. "Gurl alam mo na trash talkan lang katapat niya."

"Ay grabe ate!" nahihiyang sinagot ni Eli.

"Let's go! Let's go!" Kianna motivated the team. "Let's get this one pretty gurls!"

After nito ay bumalik na kami sa court. Siyempre last set kay hanggang 15 lang ang laro. Before nag start yung game bigla kong naalala na andun nga pala ang Green Archers. I quickly glanced at them and to my surprise eh yung magkapatid nalang na Rivero ang natira sa gym. Hindi naman sa nagiisip ako ng iba pero nagulat lang ako na nag paiwan silang dalawa.

"Huy Kim!" sigaw ni Cyd sa akin. "Start na oh! Presence of mind." She reminded me.

At yun nga ang naging problema ko. 'presence of mind'. Kami ang unang naka score pero tinambakan kami at sa huli ay nanalo sina Ara 7-15. I was disappointed. Hindi sa team pero sa sarili ko. Lalo na sa set na ito na parang wala talaga ako sa sarili ko. Kung kani kanino ko nabibigay yung set kaya naman hindi maka palo ng mabuti yung spikers ko. Kaya naman puno nanaman ng pang aasar na galing sa kabilang team.

Closing TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon