Kim
"ANIMO LA SALLE!"
Yan ang naging ending chant sa Araneta ng natalo namin dito sa first round of eliminations ang arch rival namin na Ateneo Lady Eagles. Siyempre it was a hard fought battle. We did not do any extra or special training just because sila ang kalaban namin. We did exactly what we do for all of our games pero siguro for this game eh talagang naging aggressive kami because we really wanted to have this win. Naging key player nga namin si Kianna who has never started for our team this season. First time nga niyang nag start kaya naman hindi niya pinalampas itong opportunity na ito para ipakita kay coach yung kaya niyang maicocontribute sa team. But of course we wouldn't have done this without the individual excellence of all the members of the team. Wala talaga akong masabi sakanila. I am one very proud Captain.
Pagkatapos ng celebratory team dinner, we went straight home sa dorm. Almost 11 na rin kami nakauwi dahil masyadong maraming celebration ang naganap kahit doon palang sa loob ng araneta. Sinamahan pa ng team dinner with our family kaya naman talagang pagod na pagod na kami. But it was all worth it. A win is a win and it must be celebrated. As a routine for us, after every game eh maguusap usap kaming teammates about sa performance namin sa game. Kaya naman pag uwi namin eh dumiretso kami lahat sa living room at umupo sa mga usual spots namin. As a captain syempre ako yung unang magsasalita.
"PANALO TAYO!"
I shouted with so much energy and volume na nadala narin yung buong team. Siyempre celebrate ulit ang buong team. Yung iba nga eh sumaysayaw pa sa tuwa. Talaga namang isa ito sa pinaka magandang win namin for the season kaya naman ganito kami kasaya.
"KKD, make libre naman jan!" hirit ni Dawn with her very small voice trying to over power the celebration. "POG eh."
"Ay grabe!" Kianna laughed. "Oh sige asan niyo gusto?"
"Sa Katips!" asar ni Joy.
With this, tawa nanaman ang buong team. Minsan talaga lumalabas yung pagka childish at pag kabully namin eh. Pero minsan lang naman.
"Wait.." Ara broke the celebration at tumayo siya sa isang upuan. "Since maraming rookies this year, and alam naman natin na ito yung unang ateneo-la salle match nila, Julia, Tin, Mayang and Cj, kamusta naman experience niyo?"
Nung una ay pangiti-ngiti lang ang mga rookies. Nag tuturuan pa nga kung sino ang unang sasagot kala mo naman may grade kaming ibibigay sakanila.
Si Tin na ang naunang sumagot. "Well for me it was actually fun naman." sagot niya. "Pero what struck me the most is yung crowd."
Agad namang ang agree ang ibang rookies.
"Oo nga ate ang daming tao." idinagdag ni Mayang. "Halos hindi narin magkarinigan sa court pati sa benches eh. Buti nalang malakas yung sigaw ni Kaf."
At dahil naman dito ay napaisip rin ang ibang Lady Spikers tungkol sa kani-kanilang first experience ng ateneo-la salle game. Naging maingay muli ang grupo hanggang sa tumayo si Carol at lumapit kay Ye.
"Single block by Mika Reyes!" she shouted with matching commentator's voice pa. Clearly pinapaalala niya kay Ye kung paano niya blinock single handedly ang spike ni Alyssa Valdez.
Ngumiti lang si Ye na may swag at kinindatan si Carol. "Oh ano idol mo nanaman ako dwoysa Carol."
"Iba ka talaga Ye." sinabi ni Cyd. "Easyhan mo day sa susunod, kaloka yung ganap na yun eh."
"Bat niya eeasyhan eh nasaktan siya." bigla ko namang singit.
"Ooooohhhhhhh." agad na reaksyon ng ladies.
BINABASA MO ANG
Closing Time
Fanficread at your own risk. a story that could either make you or break you #char