Chapter 4

162 10 1
                                    

Chapter 4
"Apo Olga"

Sabi ko na nga ba. Nasabi na ng instinct ko na dito kami pupunta pero hindi pa rin ako nagpatinag. Sa halip ay sinundan ko lang siya at pinayagan sa lahat ng gusto niya na gawin.

Tinanong ko siya kung saan niya nakuha ang impormasyon na ito. At tama ako sa hinala na si Ate ang nagsabi sa kanya.

Malamang na dito niya kami ituro sa pinaka sikat na lugar sa downtown. Lugar kung saan makikita ang iba't ibang uri ng manghuhula, witchcraft o ano pa man ang gusto nila itawag sa sarili nila.

Hindi ako madalas mag punta rito. Hindi kasi ako nagagawi dito at hindi ko kailangan magpahula. I never believe in whatever they say, fake sila at sino ba kaya manghula ng pwede mangyari in the future?

Halata masyado ang mga ginagawa nila na panloloko para magkapera. Tao nga naman talaga.

I sighed. I looked at her. Masyado seryoso yung mukha niya.

Kanina pa kami palibot libot ni Mira sa downtown pero wala pa rin siyang pinapasukan na kahit anong stall. Lahat naman ay inaalok kami pero magalang itong tumatanggi.

"Ano bang hinahanap mo na stall Mira?" Hindi ko mapigilan na tanong dahil napapagod na din ako.

Tumigil ito sa paghihila sa akin at hinarap ako.

"Basta. Manahimik ka nalang Yugin. Kaya siguro hindi ko mahanap kasi hindi ka nananahimik."

Nanlaki ang mata ko ng makitang may masking tape ito sa kamay at agad inilagay sa bibig ko.

Napangiti ito at kinurot ang pisngi ko.

"Ayan, tama nga ang sinabi ni Ate Yuka, mas tatahimik ka pag ginamit ko 'to. Tara na."

Hindi na ako nakapalag ng bigla niya ulit ako hilain. Wala akong nagawa kundi magpahila nalang sa kanya. Wala rin naman akong magagawa kung tatanggalin ko ang masking tape sa bibig ko.

Napagod na ang paa ko. Ubod lakas ko siyang hinila para matigil sa paglalakad. Itinuro ko ang bench sa may kanan namin.

Laking pasasalamat ko ng maintindihan niya ang sinasabi ko. Umupo kami at nagpahinga ng kaunti.

"Sampung segundo lang."

Muling nanlaki ang mata ko. Kahit gusto kong magreklamo ay hindi ko ginawa. Alam kong hindi ako makakaangal sa kanya.

Mali nga ata ang desisyon kong sumama sa kanya. Tang ina! Napapagod rin ako!

"Tara na."

Kahit ayaw ko pang tumayo ay napatayo ako. Kahit kailan talaga! Ang mga babae nalang lagi ang nasusunod.

Muli namin nilibot ang downtown. Ngunit sa pagkakataon na yun ay natigilan kaming pareho ng makita ang isang tent.

May nakatatak dito na letrang hindi ko mawari kung anong lenggwahe ang ginamit. Ngumiti si Mira, at sigurado ako ito na ang hinahanap niya.

Puno ito ng bulaklak sa labas. Nakapalibot dito ang itim na tela na dinadapuan ng iba't ibang klase ng paro paro.

Alam kong totoo iyon dahil lahat ay gumagalaw. Dahan dahan ang naging paghakbang ni Mira sa loob. Ang pagdadalawang isip ko na pumasok ay hindi natuloy dahil hinila muli ako ni Mira papasok dito.

Itinulak niya ako sa loob dahilan para mapasubsob ako sa sahig. Napapikit ako sa sobrang sakit na naramdaman ko sa buong katawan ko.

Itinayo niya ako. At namangha ako sa nakita ko sa loob ng stall.

MIRA : The PixieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon