Chapter 35

15 0 0
                                    

"Chapter 35"
"When the Real Chase starts"

Pinagpag ko ang dumi na dumikit sa pantalon ko matapos tumayo. Inilibot ko ang mata ko at nagtataka na tumingin sa paligid. Nandito pa rin ako sa Centro, ang paligid ay ganun pa rin pero..

Nasaan ang mga tao? Bakit ako lang mag isa? Tapos na ba ang laro? Gaano ba ako katagal nawalan ng malay? Bakit hindi manlang ako ginising ng mga kasama ko? Si Mira?

Nanlaki ang mata ko at biglang tinakbo ang tent kung saan kami naka assign. Nagmamadali kong binuksan ang harang na nagtatakip sa buong lugar. Mabilis na umikot ang mga mata ko pero puro kalat ng mga pinagkainan namin ang siyang naiwan roon.

Huminga ako ng malalim. Pinipilit na pakalmahin ang sarili. Hindi makapaniwala na iniwan nila ako ng ganun kadali. Maski si Ate Yuka? Gaano ba ako naging ganun ka pabigat para iwan nalang ng bigla?

I sighed and stand up. Kinuha ko ang bag ko at minabuti na lumabas. Madali lang naman makabalik sa pamilya nila Winona. Kilala ang pamilya nila rito kaya alam ko na madali lang rin ako makabalik doon.

Ngunit bago pa ako tuluyan makalabas ng Centro ay isang nakakabinging sigaw ang pumukaw sa inaatok ko na diwa. Kumunot ang noo ko at napatingin sa kaliwang direksyon.

Hindi ko na sana papansin muli iyon ngunit muli akong nakarinig ng sigaw.

"Yugin!"

Tinakbo ko ang daan patungo sa Maze Garden. Kung saan ko narinig ang pamilyar na tinig ni Moris. Habang tumatakbo ay patuloy pa rin ang pagsigaw niya. Pagsigaw na tila may kasamang sakit at paghihirap.

Hindi ko alam kung paano nangyari na nakarating ako agad sa gitna pero hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ng makita kong lahat ng mga kasama ko ay naroroon.

Nakahiga sa gitna ng malawak na hardin. Halos duguan at wala ng buhay. Nanginig ang buo kong katawan. Hindi makapaniwala sa nakikita.

Sa gitna ng mga katawan nila ay dalawang babae. Isang nakatayo habang nanginginig na hawak ang kutsilyo. At isang babae na umiiyak na humihingi ng tulong.

It's Mira and Moris.

Nagtama ang mata namin dalawa ni Moris. Sumunod sunod ang pagtulo ng luha niya sa mga mata. Habang patuloy na inuusal ang mga katagang 'tulong'.

Lumingon din sa akin si Mira. Pero imbes na matakot ay ngumiti ito ng kahindik hindik sa akin.

Muling nanlaki ang mata ko ng tinuluyan niyang saksakin si Moris. Hindi ko napigilan ang malakas na pag sigaw at pagtakbo ng tuluyan papunta sa pwesto niya.

Ngunit bago pa ako tuluyan makalapit ay nagulat ako ng bigla siyang lumitaw sa harapan ko. Tuluyan akong hindi nakagalaw. Ngumiti siya at dahan dahan na inilapit ang bibig sa tenga ko.

"Any last words?"

Hindi ko magawang makapagsalita. Tila naumid ang dila ko sa lahat ng dapat sasabihin. Muli niyang inilapit ang buong mukha sa akin at ngumiti ng kay tamis.

"Goodbye Yugin".

****

I woke up again. But this time in different place. Muli kong kinapa ang dibdib ko. Dinadama kung may masakit man doon.

Nakahinga ako ng maluwag ng walang maramdaman na sakit mula roon. What was that dream all about?

Hindi pa man ako nakakahinga ng maayos ay biglang bumukas ang pinto. Pumasok doon si Ate Yuka na may nag aalalang mukha.

"Yugin? Okay ka na ba?"

Biglang kumunot ang noo ko. Saka biglang rumagasa isa isa ang mga nangyari. Gusto ko magtanong kung ano ang nangyari ngunit isa lang ang tanong na nausal ko.

MIRA : The PixieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon