Chapter 12
"Eca vs. Mira""Ang God ng Ace card, si Eca."
Namamangha na lumingon ulit ako kay Winona. Kung gayon ay hindi na siya ang may control ngayon sa katawan niya. It's now Eca, the god of Ace cards.
Tumayo si Mira at tinawag ang atensyon ni Winona. "Eca! Lumabas ka sa katawan ni Winona! Maaaring mapahamak ang katawan niya!"
Dahan dahan na lumingon si Winona sa amin. Ngumiti ito ng makita si Mira. Ngiting may halong pagkamangha.
"Anong ginagawa ng isang Pixie sa mundo ng mga tao?"
Umigting ang panga ni Mira. Muli kong nakita ang napakatalim at nakakatakot niya na aura. Pinilit kong tumayo sa kabila ng sakit na nararamdaman.
"May kasama ka pala binibining Mira. Bakit hindi mo siya ipakilala ng sa gayon ay maibalita ko ito kila Kama, Arthos, Dharma at Moksha?"
"Nasaan ang ibang god Eca?"
Tumawa ito na tila nababaliw. "Bakit ko sasabihin sa iyo binibini?"
"Dahil kailangan ko ng tulong mo. Kailangan kong maipon ang lahat para maibalik ang kapangyarihan ko."
Maloko na ngumiti ito. "Paano kung ayoko?"
Tumalim ang mata ni Mira. "Kung gayon ay kailangan kitang kalabanin."
Tumawa ito. "Paano mo ko kakalabanin kung wala kang kapangyarihan binibini?"
Ngumiti si Mira.
"Bakit hindi mo ako subukan Eca?"
Pinatulog ni Eca si Noreen na ngayon ay nakahiga na sa sahig. Pinalayo ako ni Mira sa gilid.
Pumunit ako sa damit ko at itinali sa paa at balikat ko. Idiniin ko ito para matigil ang pag labas ng mga dugo sa akin. Muli ito dumugo at kung hindi mapipigilan ay baka maubos ang dugo ko.
Napalingon ako kay Mira na sumigaw ng matamaan ng bala ang balikat niya. Patuloy pa din ang pagbibigay ng mga bala ni Eca dito. Mga bala na pilit niya napaparami dahil sa kanyang kapangyarihan.
Napapikit ako ng marinig muli ang sigaw ni Mira. Sigaw na puno ng sakit. Nakita ko kung paano paglaruan ni Eca ang katawan ni Mira ngayon.
Mortal ang katawan ni Mira kaya masasaktan talaga siya. How could she win this game?
Pero nagulat ako ng biglang tumawa ng malakas si Eca. Kumunot ang noo ko at nagtataka na tumingin sa kanya. Gumapang ako papalapit kay Mira na ngayon ay hinang hina ang katawan. Hawak nito ang braso na tiyak kong nagdudugo dahil sa paraan ng pag ngiwi niya.
Hinawakan ko ang magkibalang braso niya at isinadal sa katawan ko. Hindi ito umangal kaya alam kong okay lang.
Tumindi ang kaba sa dibdib ko ng makitang papalapit si Eca. Nakangiti ito at tila nasisisyahan sa nakikitang paghihirap sa mukha ni Mira.
"Hindi naman ako ganun kasama binibini. Hindi kita kakalabanin ngayon pero may isa akong hihilingin."
Nag angat ng tingin si Mira dito. Nagtataka ang mukha na nakatingin kay Eca.
"Ano yun Eca?"
"Alam kong masasaktan ang katawan ng batang ito kapag nakipaglaban ako lalo na't naiisip ko ang gusto mong paraan ng pakikipaglaban.. Lalo na't alam kong matatalo rin ako sayo ngayon.." Ngumisi ito at nagpapalit palit ang tingin sa amin dalawa.
"Gusto kong gawin niyong kaibigan si Winona pagkatapos nito."
Kumunot ang noo ko. Anong ibig niyang sabihin?
BINABASA MO ANG
MIRA : The Pixie
Fantasy"What is your wish?" "Just stay, Mira. Please." "You know I can't Yugin. I do not belong here. Think of something else." "But that is my only wish."