Chapter 11

59 4 0
                                    

Chapter 11
"The traitor"

As expected biglang sumigaw si Winona.

"What? Yugin! What are you saying? You know it can't be happen! Hindi ko gagawin ang iniisip niyong iyan! How could you say that!"

Inilabas ko ang tali sa likod na binili ko kanina. Naka ready na rin ang van na gagamitin namin para sa pag alis.

Noreen who was still in shock startled when I gave the rope on her. "Tie her hands and feet Noreen." Utos ko.

Hinawakan namin ni Mira si Winona na pilit nagpupumiglas sa pagkakahawak namin.

"Don't you dare to do that Noreen! I am your bestfriend! Wag kang maniwala sa mga kabaliwan nila!"

Tumulo ang luha ni Noreen at sinunod agad ang pinag uutos ko. Natigilan si Winona na tila hindi makapaniwala na ginagawa ito sa kanya ni Noreen.

Naging tahimik ang naging sunod namin na kilos. Maingat namin na isinakay si Winona sa loob ng itim na van.

Alam na nila Lola Isang na ngayon ang gagawin namin na pag alis kaya pinaghanda nila ang van na ito. Wala rin sila ng umalis kami kaya malaya namin nagawa ito kay Winona.

Buong byahe ay naging tahimik lang si Winona sa likod. Tila ito ay hindi pa rin makapaniwala ng gagawin sa kanya ng kaibigan niya ito.

Napailing ako sa kanila. Friends can hurt you too. That's part of the reality that we need to deal with.

I looked at Mira na kanina pa nakakunot ang noo sa akin. Siguro ay nagtataka ito sa mga pinaggagawa ko. Ngumisi ako na mas lalong nagpakunot ng noo niya.

"Okay! This is enough! Ayoko na ng laro mo Yugin! Pakawalan niyo na ako dito!"

Kunot noo kong tiningnan ang batang babae. Inutusan kong higpitan ni Noreen ang pagkakatali ni Winona na hinigpitan rin nito.

"Iniisip mo ba na binibiro ka lang namin Winona? You are the traitor so why would we do that? Baka patayin mo lang kaming lahat."

Napahinto ang driver sa pagda drive sa malakas na sigaw ni Winona.

"Pinapainit niyo talaga ang ulo ko! Yugin! Ano ba!"

Binuksan ko ang pinto at pinalipat si Noreen ng pwesto. The driver also went out para tulungan si Noreen sa paglipat.

But Noreen insisted to drive the van.

"Kuya Yugin? Pwede po ba ako nalang ang mag drive?"

Ng tumingin ang driver sa akin ay pumayag ako. Ngumiti ako ng nagsimula ng umandar ang kotse.

Tinakpan ko ang tenga ko ng sumigaw ulit si Winona. Tang ina. Masisira talaga ang eardrums ko sa kanya.

Lumingon sa akin si Mira ng may halong pagtataka. Nagtataka marahil kung bakit hinayaan kong mag drive si Noreen na menor de edad pa lang. Pero mas lalong kumunot ang noo ni Mira ng tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang malaking bodega.

"Kuya? Nandito na po tayo." Wika ni Noreen pagkatapos ay diretsong lumabas. Sumunod na nagsilabasan ang lahat.

Tinulungan ako ng driver na ibaba si Winona na sigaw pa rin ng sigaw. Buti nalang at hindi lang ako ang nakaramdam ng pagka rindi dahil kinuha ni Mira ang tape at inilagay ito sa bibig ni Winona. Mas lalong nanlisik ang mga mata nito sa pagkakatingin sa amin.

Itinulak ni Noreen ang wheelchair kung saan nakaupo si Winona. Ng hindi ko na sila makita ay lumingon ako sa driver na nakakunot ang noo sa akin.

Kumuha ako ng ballpen at isinulat ang isang number. "Here. Pakitawag sila at sabihin mong nandito kami. Sabihin mo na dapat nandito na sila after thirty minutes okay?"

MIRA : The PixieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon