Chapter 7 √

75 7 0
                                    

Chapter 7
"Winona, the brat"

Cafe Libro, 3 o' clock pm.
- Winona.

Lumingon lingon ako sa paligid, hinihintay ang pagdating ng dalawang bata. Ito ang pinadala nilang mensahe sa amin na ipinaabot lang sa security guard ng makapasok kami kanina sa school.

Si Mira naman ay kinakausap pa ni Sir Kyrie na ngayon ay binibigyan ng instruction sa lahat.

Magsisimula siya sa susunod na Monday. At laking pasasalamat ko nito dahil mababawasan na rin ang gastos ko sa kanya. Hindi ko pa rin nga alam kung bakit naniniwala si Ate na may relasyon kaming dalawa.

I think its because of her magic before. Hinding hindi kasi basta basta maniniwala lang si Ate kapag wala pang patunay ang lahat pero isang pagkakasabi lang ni Mira ay alam na agad nito.

Napalingon ako sa pinto ng may pumasok. Pero lalaki ang pumasok. Si Yohance, school government president.

Tumango ito sa akin bago dumiretso sa counter. Magkaibigan kami nito pero hindi ganun ka close katulad ng kay Raven. Iwas kasi ang lahat dito, walang pinapatos kapag may nakita siyang hindi sumusunod sa mga batas na ipinatupad niya sa school.

Itinuon ko ang tingin ko sa frappe na inorder ni Mira. Hindi pa nito ito nagagalaw dahil nakipag usap pa siya kay Sir Kyrie. Ako naman ay walang duty ngayon kaya okay lang na hindi muna makapag trabaho ngayon.

Mayamaya ay nag angat ako ng tingin ng makita si Noreen at Winona. Napatayo ako para makita agad nila. Pero hindi ito dumiretso sa akin, pumasok si Winona sa loob ng opisina ni Sir Kyrie.

Maya maya ay nagkakamot ng batok na lumabas si Sir Kyrie. Inutusan ang mga tao at maya maya ay nagsilabasan ang lahat ng tao.

Nagtataka na tumingin ako sa kanila. Saka ko nakita ang bodyguard niya na nakabantay sa labas ng Cafe.

I smirked. She's using her power and popularity to get whatever she wants. Kaya pina vacant niya ang buong Cafe. Marahil ay nahihiya siya sa maaaring marinig ng lahat sa pag uusapan namin.

"Thank you Kuya Kyrie!"

"Malulugi ako sayo Winona, ilang minuto lang at umalis ka na agad. Ayokong pag-pyestahan ang buong Cafe."

Ngayon ko lang naalala na pinsan nga pala ito ni Sir Kyrie. Magkapatid ang nanay ni Winona at nanay ni Sir Kyrie.

Mayamaya ay lumapit si Winona sa akin. Sa likod nito nakasunod si Mira at Noreen na nakangiti na nagki-kwentuhan.

Inilapag nito ang envelope sa harap ko.

"Here. Where is my shoes?" Mataray nitong tanong sa akin.

Napangiti ako at napa iling iling habang inilalabas sa likod ko ang box ng sapatos. Kung saan nakalagay ang test paper ko noon at sapatos. May tatak pa itong NKS.

Binuksan nito ang box at napangiti ng makita ang sapatos. Ibinigay nito ang box kay Noreen at hinarap ako.

"Wag kang magkakamali na ikalat ang deal natin na ito. Kung hindi ay si-siguraduhin ko na magugulo at matatanggal ang Ate mo sa North Dame."

Kumunot ang noo ko. Ito naman ang ngumiti ngayon.

"Oo nga pala, hindi lang ikaw ang gumawa ng research. I would admit that you are really smart but sad to say you can't outsmart me,commoner. I hope after this conversation you will stop pestering me na. Ciao!"

Napanganga ako sa sunod sunod na sinabi nito. Namalayan ko nalang na nakalabas ito sa loob at nagsisipasukan na ang mga student na naghintay sa labas.

MIRA : The PixieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon