Chapter 10
"Attempt"Agad akong sumigaw ng makita ang pula sa ulo ni Winona. Nanlaki ang mata ko at mabilis siyang hinatak para yumuko. Sunod ay narinig namin ang malalakas na putok ng baril sa paligid.
Inilibot ko ang paningin ko at hinanap sila Mira at Noreen. Nasaan nagtago ang mga iyon? I looked everywhere but they are nowhere to find.
Inakay ko si Winona na nanginginig sa takot habang nakapikit. Hinawakan ko ang kamay niya at pagapang na lumipat ng pwesto papasok sa bahay. Natigil ang putukan kasabay nito ay ang pagwasak ng mga salamin sa paligid.
Nanlaki ang mata ko ng makita ang isang lalaki na pasugod sa direction namin. Kumuha ako ng bwelo at agad ng sinipa ang paa niya. Napadaing ito sa sakit. Kinuha ko ang pagkakataon na iyon para itayo si Winona at tumakbo paakyat sa itaas.
Nakakarinig ako ng yabag ng mga paa doon kaya marahil ay naroroon sila Mira at Noreen.
Napalingon ako sa ibaba ng biglang sumigaw si Winona. Nakahawak sa paa nito ang lalaki na sinipa ko kanina.
"Yugin! Tulungan mo ako!"
Hinatak ko ng buong pwersa si Winona. Bumitaw ang lalaki rito. Kinuha ko ang pagkakataon na iyon para tadyakan siya diretso sa mukha.
Ate will probably kill me for this! Ilang beses akong nag cross sign at humingi ng tawad kay Lord. I never thought I could be this strong.
I grab Winona's hands and we run our way upstairs. Bago pa kami tuluyan maka akyat ay biglang may lumabas na dalawang lalaking may hawak na baril. Nasa magkabilaan na gilid namin sila. Hinawakan ko ng mahigpit ang nanginginig na kamay ni Winona.
Nanlaki ang mata ko ng bigla itong magpaputok. Dumapa kami at nagtago sa likod ng pader. Napapikit ako sa tunog ng malakas na putukan ng baril. Kasabay nito ang malakas na tili ni Winona sa likod ko.
Puta. Why do girls need to be loud Inayos ko ang salamin na suot ko at tumingin sa bumagsak na katawan ng lalaki sa harapan namin.
Umubo ito at bumulwak ang malapot na dugo mula sa bibig niya. Winona acted like she wanted to vomit. Tumayo ako ay mabilis kaming tumakbo sa kabilang pader para magtago.
"Ilabas mo ang anak ng pangulo!"
Hinihingal ako habang si Winona naman ay nanginginig pa rin sa takot. Fuck! Kapag nasugatan ako isusumbong ko sila sa amazona kong ate!
Nagulat ako ng biglang sumulpot ang lalaki sa harapan ko. Nasuntok ko ito diretso sa mukha dahil sa gulat. Napangiwi ako sa sobrang sakit. Hinipan hipan ko ang nagalusan ko na kamay. Humalo ang dugo nito sa kamay ko.
Ng makarinig ako ng ingay sa kabilang kwarto ay mabilis namin iyong tinakbo ni Winona. Gusto nito magpaiwan pero hindi ako pumayag. Tanga ba siya? Siya ang hinahabol ng mga iyon kaya hindi siya pwedeng iwanan mag isa.
Sinipa ko ang pintuan at naabutan ko sila Mira at Noreen na nakatingin ng diretso sa lalaking nakamaskara. Nakapalibot sa kanila ang ilang mga lalaki na pawang nakahiga na. Did they kill those men barehanded? Wala ito ni kahit anong armas na hawak.
Ng lumingon ito sa akin ay agad ko itong sinugod. Nakipag laban ito ng suntok sa akin at ilang beses ako natamaan.
"I am not a kidnapper if that is what you think." He told me while holding his mask firmly.
Tumigil ako at nilingon ang mga nakabulagta na tao sa paligid.
"Yugin! He is asking where is Winona. Do not believe him! Kunin mo ang mask!"
BINABASA MO ANG
MIRA : The Pixie
Fantasy"What is your wish?" "Just stay, Mira. Please." "You know I can't Yugin. I do not belong here. Think of something else." "But that is my only wish."