Chapter 30

47 6 2
                                    

Chapter 30
"Bestfriend"

Ininom ko ang mainit na kape sa mug ko, inilapag ko ito sa damuhan at tumingala. Napangiti ako ng makita ang maraming bituin na nagkalat sa paligid.

Nandito ako sa likod ng bahay namin. Kakauwi lang namin mula sa hospital, pagkatapos i-release ni Yohance ay umuwi na kami ni Mira rito. Pinapatawag rin kasi kami ni Ate Yuka at kailangan namin makauwi agad dahil may kakatagpuin si Ate sa labas.

Kahit nagtataka ay hindi na ako nagtanong. Matanda na si Ate at alam niya na ang ginagawa niya. Kaya susuportahan ko nalang siya sa kung anuman ang gagawin niya.

Inubos ko ang laman ng kape ko. Tuluyan ako humiga sa damuhan at pinagmasdan ang langit. Sana ganito nalang palagi, yung pa-relax relax lang at walang problema.

"Pwede ka ba makausap?"

Lumingon ako sa likuran ko. Pero agad rin akong nag iwas ng tingin dahil nakapalda lang si Mira. Ito talagang babae na 'to, hindi marunong magtago ng dapat itago. Tumango ako bilang pag sang ayon.

Maayos naman ang pakikitungo namin sa isa't isa nitong mga nakaraan na araw na nasa hospital pa si Yohance. Pero alam kong may dapat pa kaming pag usapan. At tingin ko ito ang tamang pagkakataon para pag usapan namin ang dapat pag usapan.

Naramdaman ko ang pag-higa nito sa tabi ko. Lumingon ako sa kanya at nakita kong nakatitig siya sa kalangitan. Ng ngumiti siya ay agad kong inilipat ang tingin sa maliwanag na gabi.

"Ang ganda ng mga kumikislap sa langit. Bituin ba ang tawag d'yan?" Tinuro nito ang kalangitan.

Mahina akong tumawa. Minsan hindi mo talaga maisip kung anong tumatakbo sa isip niya. "Oo, wala ba 'yan sa lugar niyo?"

Umiling ito. "Meron, pero hindi ko alam na 'yun pala ang tawag 'dyan. Sinabi lang sa akin ni Wyllian ng magkasama kami."

Pumikit ako ng makarinig ng kanta sa kabilang bahay. Kahit gabi na ay malakas pa rin silang magpatugtog. Pero hindi naman ito nakakagambala kasi acoustic song ang tumutugtog. Nakaka antok at tila hinihele ako sa pagtulog.

Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Tila ninanamnam ang ganda ng katahimikan sa paligid. Ang sarap sa pakiramdam ng ganito, yung tahimik lang at walang gulo. Nakaka relax at nakakawala ng pagod. Sana talaga ganito nalang kami palagi.

"Sorry.. "

Bigla akong napamulat at napatingin sa kanya. Pero nakapikit pa rin ito. Ako ba ang kinakausap niya?

Ngunit ng tumingin ito at ngumiti sa akin ay dun ko napagtanto na ako nga ang sinasabihan niya ng sorry.

Humugot ako ng malalim na paghinga. "Para saan?" tanong ko kahit alam ko na kung saan patungo ang usapin na 'to.

She sat down. Pero hindi pa rin ako nililingon. Nakatingin pa rin ito sa langit. "Kasi ako lang ang kumilos mag isa. Pinilit kita na sumali sa fraternity ni Eric. Nagalit ka sa akin at naging dahilan ng pag aaway natin. Sorry."

Bumangon ako at umupo. Nagsalita ako habang hindi pa rin siya tinatapunan ng tingin. "Ako dapat ang mag sorry sayo. Hindi kasi kita pinagkatiwalaan ng sabihin mong magtiwala lang ako sayo. Ako ang dapat mag sorry kasi naging makitid ang utak ko. Sorry kasi hindi ako nakinig sa mga sinabi mo. Kaya patawarin mo sana ako Mira."

Sa pagkakataon na ito lumingon siya sa akin. Nabigla ako ng makita na nanunubig na ang mga mata niya. Hindi agad ako naka kilos.

"Ako dapat ang patawarin mo Yugin. Maraming tao ang nadadamay dahil sa kagustuhan kong makuha ang lahat ng cards. Marami ang namamatayan at nawawalan ng mahal sa buhay nila. Ako ang may kasalanan ng lahat ng gulo na nangyayari sa buhay mo."

MIRA : The PixieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon