Chapter 9
"Change is coming""Nandito ka rin ba para pangaralan ako? Para sabihin sa akin na mali ako?"
Ngumiti ako ng makita si Winona na nakaupo sa labas ng bahay. Gabi na at kanina pa siya kinakagat ng lamok. Palagay ko ay hindi rin siya makatulog.
"Sino bang nagsabi na ikaw ang pinunta ko dito?"
Umirap ito sa akin at bumuntong hininga. Humikab ako at itinaas ang braso para ilagay sa likod ng ulo. Sumandal ako sa dingding at tumingin sa kanya.
Nakayuko ito. Pilit itinatago ang luha sa mga mata niya.
"Tumingala ka para hindi labas ng labas yung mga luha mo. Kala ko ba hindi ka na bata. Bakit ka iyak ng iyak?"
Umismid ito.
"Sino bang nagsabi na umiiyak ako?" Nakayuko pa rin na wika nito.
Tumawa ako ng malakas. Tumingala ito sa akin at naguguluhan na tumingin.
"What are you laughing at? Natutuwa ka bang makita na nagiging miserable ang buhay ko?"
Umiling ako. Judgemental 'to.
"Namimiss mo na ba mag aral? Ilang araw na rin tayong absent."
"Yeah. Sigurado akong tuwang tuwa na si Beatrice na nangunguna siya. Fame whore."
"Famewhore."
"Excuse me?"
"Bakit? Dadaan ka?"
"Are you saying na I am also a fame whore?" She rolled her eyes.
"No."
"Then why did you said it?"
"Ang pangit lang pakinggan." I chuckled.
"Really? Wala naman siya pake kung tawagin ko siyang ganon. She will take that as a compliment not an insult."
"Sigurado ka ba diyan?"
"W-what? Of course I am."
"What if I say that you are also a fame whore? What will you do?"
"Then I'll stab you! You don't have the right to insult me!"
"That would probably the reaction of Beatrice. Hindi niya lang masabi directly kasi iginagalang ka."
"Of course! They must! Anak ako ng presidente. Kailangan bigyan ng importansiya."
"Paano kung hindi ka naging anak ng presidente? Ganun pa rin ba ang magiging trato nila sa iyo?"
"Of course. I already gained a number of friends."
"Pero alam mong hindi lahat ay kaibigan mo. It's the reality that we must face. Hindi lahat ng nakangiti ay totoong nasisiyahan. Katulad ng mga kaibigan mo, hindi lahat ng mabait sayo ay totoo ang ipinapakita. Minsan, akala mo kaibigan mo sila pero hindi pala."
Natigilan ito. Nagiwas ito ng tingin.
"Sa oras ng kagipitan, hindi lahat ng kaibigan mo ay matatawag mong kaibigan. May iba na hindi ka makikilala at iba na ituturing kang dumi sa paligid. Aminin man natin o hindi, lahat sila ay kumakapit lang sa kasikatan at pangalan na dinadala mo. Admit it or not but you are a nobody without your father's name."
Ayos ah. Mukha tinamaan na siya sa sinabi ko. Inayos ko ang salamin ko at ipinasok ang mga kamay sa bulsa ng shorts ko.
Winona is indeed a smart kid. Sigurado ako doon at walang duda. Pero anong saysay ng katalinuhan mo kung hindi mo kayang patunguhan ng maayos ang mga tao? Na kung ang tingin mo ay isa lang sila sa mga alagad mo.
BINABASA MO ANG
MIRA : The Pixie
Fantasy"What is your wish?" "Just stay, Mira. Please." "You know I can't Yugin. I do not belong here. Think of something else." "But that is my only wish."