Chapter 15
"Power""Sino ba 'yung umaway sayo Yugin? Tapos 'yung dalawang unggoy na pumasok sa eksena? Sayang talaga! Dapat nasuntok ko rin sila e, ayaw mo lang!"
I looked at her and saw how frustrated she was today. Nandito kami sa Cafe shop ni Sir Kyrie. Pagkatapos namin dalhin si Raven ay hindi na ako pinapasok ni Ate Yuka. She wanted me to take some rest but I refuse not to.
Kailangan kong mag trabaho kasi ilang araw rin akong nawala. Baka mamaya ay isipin ni Sir Kyrie na pinagsasamantalahan ko ang kabaitan niya. Kaya nga kahit hindi ko pa shift ay pumasok agad ako, pambawi sa mga araw na wala ako dito sa shop.
"May naka away si Yugin? Aba himala 'yun a!" Sumimangot ako ng makita si Daniel. Nagpapalit na ito ng school uniform niya sa puting Polo shirt na uniform namin dito sa Cafe.
Mira nodded and she acted what happened earlier. Hindi ko mapigilan mapangiti dahil kahit anong gawin niya ay ang cute niya tingnan.
Nanlaki ang mata ko ng ma-realize kung anong sinabi ko. Mabilis kong naihilamos ang mukha ko na ikina ngiwi ko dahil nasagi ko ang pasa sa kanang pisngi ko. Natatawa na umalis si Daniel sa harap namin.
"Tang ina. Ang sakit."
Agad na lumapit sa akin si Mira. Mas lalo pa akong napangiwi ng hawakan niya mismo ang pasa sa pisngi ko. Tinabig ko ang kamay niya at inilayo ang mukha niya sa akin.
"Balak mo ba akong patayin Mira? Ang sadista mo talaga!"
Ngumuso ito at sinundot ang tagiliran ko. Napapiksi ako at hinawakan ang kamay niya.
"Ito naman. Ang suplado mo."
Sumimangot ako at tumayo. I grab my Cafe uniform and went to the men's comfort room to change. Ng makabalik ako ay nakatulalang mukha ni Mira ang naabutan ko.
Nagtataka na lumapit ako sa kanya. Pumitik ako sa harap niya kaya napapitlag ito.
"Problema mo Mira? Hindi ka pa ba magpapalit?" Ininguso ko ang uniform niya. Umiling ito at nagkibit balikat.
"Mamaya nalang."
Kumunot ang noo ko. Hinipo ko ang noo niya. "Wala ka naman sakit ah. Anong problema mo?"
Muli itong ngumuso. "Iniisip ko lang kasi kung saan natin makukuha ang susunod na card."
Gusto niya na bang makabalik sa Ibiza Land? Ayaw niya ng manatili pa rito?
"Ayaw mo na ba akong makasama?"
Biglang nanlaki ang mata ko ng mapagtanto kung ano ang sinabi ko. Nakangiti itong lumingon sa akin.
"Gusto.. "
Biglang nag rigodon ang tunog ng puso ko. Puta. Para saan 'yon?
"Kaya lang namimiss ko na ang mga magulang ko. Kamusta na kaya sila?"
Lumamlam ang mga mata ko. Alam ko kung anong nararamdaman niya. Kahit wala na ang mga magulang namin ni Ate Yuka ay namimiss ko pa rin sila. Pero tanggap ko naman na ang nangyari sa kanila noon.
"Paano mo ba sila makokontak?"
Ngumiti ito ng malungkot. "Mahirap. Teka! Wag na nga natin silang pag usapan! Magpapalit na ako kaya umalis ka na dito."
Kumunot ang noo ko ng tinutulak niya ako palabas ng staff's room. Iniharang ko ang kamay ko ng akma niyang isasara ang pinto.
"Bakit d'yan ka nagbibihis? Doon ka magpalit sa women's CR. Paano kung may pumasok bigla diyan?"
BINABASA MO ANG
MIRA : The Pixie
Fantasy"What is your wish?" "Just stay, Mira. Please." "You know I can't Yugin. I do not belong here. Think of something else." "But that is my only wish."