Chapter 18

68 3 0
                                    

Chapter 18
"Assistance"

Maingay. Magulo.

Ito ang nadatnan ko ng makalabas ako ng hospital dalawang araw na ang nakakaraan. It's Monday again and I can't believe that the peaceful place before is now changed into a drastic place. Isang linggo lang akong nawala pero ganito na agad ang sitwasyon dito?

Nagkakalat ang basura sa paligid. Ang mga estudyante ay hindi na gaanong nag u-uniform katulad dati. May nakikita rin akong walang suot na Id at may naghahabulan sa corridor.

May namimingwit sa pond at lahat ng bulaklak sa garden ay pawang napitas. Marahil ay napag trip-an 'tong kunin ng mga nanliligaw para ibigay sa mga nililigawan nila.

Hindi ko mapigilan na mapa iling. Ng tumapak ako sa loob ng gate ay may ilang mga mata ang nakatingin sa akin. Ng lumingon ako sa kanila ay agad silang nag iwas ng tingin.

Kumunot ang noo ko sa ginawa nila. Ano ba talaga ang nangyayari sa North Dame? Nawala lang ang SG president ay nawala na sa ayos ang lahat.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Tinatahak ko ang daan patungo sa building namin ng makita ko ang bulletin board na puno ng paper. May nakatingin rito na isang babae na nakasuot ng mamahalin na damit, mataas na takong at itim na salamin.

Ng mapansin niya ako ay ngumiti ito na pinalitan ko agad ng isang tipid na ngiti.

"You are Yugin, right?"

Nagtataka na lumingon ako sa kanya. Paano niya ako nakilala? Nasagot ang tanong ko ng makita ang pangalan ko sa official school paper ng North Dame. Nakalagay roon ang larawan ko, larawan na kuha noong nasa loob kami ng SG office.

Kumunot ang noo ko. Sino ang kumuha ng larawan na yon? Nahagip ng mata ko ang tungkol sa ibang write-ups tungkol sa SG president na leader daw ng Alpha Fraternity. Mas lalo akong nagulat ng makitang ito ay anak rin ng Mafia boss na gusto siyang gawin successor kapag tumuntong sa tamang edad.

Yohance is nineteen, the same age as mine. Two years from now, he will be the Mafia boss. Hindi ko maiwasan na mapa iling. Paano nila nakukuha ang ganito ka-private na information? At alam kong hindi ito basta basta lalabas kung walang malapit sa kanya na nagbubunyag ng mga ganitong information.

"Strange."

Napalingon ako sa babae sa tabi ko. Nakakunot ang makinis nito na noo. Lumingon ito sa akin at ngumiti. Saka ko napagtanto kung sino ang babaeng ito.

Heart Andres. Isang sikat na model.

Hinubad nito ang salamin at mahinhin na tumawa. "I know that look. Hindi mo ba ini-expect na dito ako mag aaral?"

Nagkibit balikat ako. "Hindi naman. Sikat na school ang North Dame, hindi lang ikaw ang nakikita kong artista na nag aaral dito."

Hindi ito sumagot bagkus ay mataman muling tiningnan ang write-ups kay Yohance. Halos lahat ng sulat ay tungkol sa kanya. Na masama 'tong impluwensiya bilang SG president, masama na bata at hindi dapat tinutularan.

Hindi makapaniwalang napa iling ako. Bakit ganito ang mga tao? Hindi naman nila kilala ng lubusan si Yohance pero kung makapag sulat sila ay tila siya na ang pinaka masama na tao sa mundo.

"Hindi ka rin ba naniniwala na masama si Yohance?"

Napalingon ako sa babae. Nakatingin pa rin ito sa bulletin board.

Tumango ako. "Kahit hindi ko siya lubos na kilala ay naniniwala akong mabait siya. Alam kong may paliwanag siya sa lahat ng ito."

Naramdaman ko ang pag tingin ng babae sa akin. "Kung ganun bakit siya nagtatago?"

MIRA : The PixieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon