Chapter 31
"New sets of officers"Nagtataka na lumingon ako sa paligid. Halos lahat kasi ay nagmamadali na pumunta sa auditorium. Sakto naman na nakita ko si Winona kaya nilapitan namin siya ni Mira.
"Winona.."
Nag angat ito ng tingin sa akin at ngumiti. "Kuya Yugin, Mira." Pagbati niya.
Muli akong lumingon sa mga nagmamadali na mga estudyante. "Bakit nagmamadali sila? Anong meron?"
Inipit nito ang buhok sa likod ng tenga. Nagsalubong ang kilay nito at nagkibit balikat. "Narinig ko kanina sa locker room na may sagutan daw na nangyari kanina sa corridor. If I am not mistaken, si Moris at Valeen daw ang involve."
Nagkatinginan kami ni Mira. Pero tila wala itong pakialam dahil busy ulit ito sa pagkain ng lollipop. Nagmumukha tuloy siyang bata.
"Si Moris? May inaaway na naman siya?"Sumabay kami sa paglakad ni Winona patungo sa auditorium. "Hindi na bago 'yun. Kumukulo talaga yung dugo nun kay Valeen."
Tumango ako. Sabagay, hindi na bago 'yun para kay Moris. Sumabay kami sa agos ng mga student na patungo sa auditorium. Pagkarating namin doon ay punong puno na ang loob ng auditorium. Sa itaas ay nakita namin si Yohance na nakikipag usap sa Chairman ng school.
Lumingon ako sa paligid at naririnig ko ang iba't ibang kuro kuro. Marahil katulad namin ay pareho rin na nagtataka kung para saan ang meeting na ito. Hindi naman siguro nila i-expelled si Yohance diba? Napatunayan na wala na siyang kaso.
Kinalabit ako ni Mira kaya nabaling ang atensyon ko sa kanya. Itinuro nito ang pwesto sa tabi ni Winona at Wyllian. Nagtungo kami dun at umupo sa tabi ng magkapatid.
"Do you have any idea about this General Meeting Wyllian?"
Nag angat ito ng tingin sa akin. Itinabi niya ang phone niya at lumingon sa harap. "Actually hindi ko alam. Kanina lang kasi na-announce ang tungkol sa meeting na 'to."
Mas nadagdagan ang kuryosidad ko ng tumahimik ang lahat. Tumingin ako sa harapan at nakita ko ang rason kung bakit sila natahimik. Nakatayo si Moris sa taas ng stage na taas-noo.
Narinig ko ang pagtawa ng mga kasama ko. Kung ang iba ay natatakot sa presensiya niya, kami ay hindi. Ilang linggo na rin ng maging magkasama kami kaya sanay na kami sa ugali niya.
Humikab ako at sumandal sa upuan. Sigurado akong boring ang magiging kahihinatnan ng buong meeting na ito.
Yohance stood up, cleared his throat before he finally speak. "Good Afternoon everyone. In the power vested by the Chairman and due to the problem encountered before, as the President of North Dame Student Government. I will be appointing new sets of officers."
Muling umugong ang iba't ibang reaksyon ukol sa sinabi niya. Nagkatinginan kaming apat at napangiti. So he will really push his plans? Replacing the old officers of new one?
Well, lahat naman ay magugulat. Lalo na't hindi nila alam ang basis kung bakit nila papalitan ang officers. Ang tanging alam lang nila ay walang kasalanan si Yohance.
Muling tumahimik ang lahat ng inagaw ni Moris ang mic kay Yohance. Umiling iling ako, ibang klase talaga ang batang ito. Kaya niyang i-over power ang mas nakakatanda sa kanya.
"Everyone who is against the idea can stand up in the center and voice out there own opinion."
Nagtinginan ang lahat. Sigurado naman ako na kapag siya ang nagsasalita ay walang kokontra. Pwera nalang pala sa babaeng ito.
Valeen stood up from her seat and walk graciously at the center. Dahil wash day ngayon ay malaya niyang nadi-display ang makurba na katawan niya. Narinig ko ang pagpalatak ng ibang babae sa likod ko.
BINABASA MO ANG
MIRA : The Pixie
Fantasy"What is your wish?" "Just stay, Mira. Please." "You know I can't Yugin. I do not belong here. Think of something else." "But that is my only wish."