Chapter 13

59 4 0
                                    

Chapter 13
"Winona, the Ace card bearer"

"Hoy bata! Ang putla ng kutis mo! Ang pangit pangit mo talaga!"

Mabilis kong hinarang ang payong ko ng madaanan ko ang mga bully. Binato nila ako ng itlog at kung ano ano pa man na pinaghalong mga liquid substances.

Kinagat ko ang labi ko at pinigilan ang sarili na mapaiyak. At the age of 7, habit na nila akong i bully.

Maputi at maputla ang balat ko. Wala akong kaibigan na matatawag kong best friend dahil lahat sila nilalayuan ako.

Siguro dahil na rin sa pagiging isang anak at lagi akong naiiwan sa puder ng Lolo at Lola ko. Dito ako nag aaral sa La Trinidad, ang hometown ng Mommy ko. Hindi kami mayaman o mahirap, tama lang ang kinikita ng Daddy ko bilang lawyer at si Mommy bilang bank teller.

Dahil nasa syudad ang trabaho nila, kada weekends lang sila nakakauwi. Kaya madalas walang nagtatanggol sa akin sa mga nang aapi kong mga kaklase. Hindi rin nila alam ang mga dinadanas ko sa murang edad.

I was labeled as nerd hanggang nag graduate ako ng elementary. I graduate as the class valedictorian pero hindi ko maramdaman iyon dahil sa pangungutya na sinasabi ng mga kaklase ko.

Na kesyo daw binayaran ng magulang ko ang mga teacher para maging valedictorian. Beatrice Fernando, who is also my classmate was the class salutatorian. She's pretty, nice and kind. Halos lahat ng sympathy ay napupunta sa kanya kapag nakukuha ko ang top scores sa exam.

Ang hindi nila alam, ako ang inaapi nito kapag nangunguna ako sa mga exams.

Lagi kaming pinag aaway ng mga classmate ko na hindi ko naman pinapatulan. My Mom once told me na dapat hindi ako pumapatol sa mga taong gusto akong pabagsakin. Wag kong hahayaan na apihin ako ng lahat, na kailangan ay lumaban ako sa mga karapatan ko.

Middle school was already started. Doon ako pinag aral nila Mommy sa North Dame, kung saan isang sikat na eskwelahan para sa mga estudyanteng naghahangad ng magandang buhay sa future.

I topped the entrance examination kaya nakakuha ako ng scholarships. Halos sunod sunod ang naging kasiyahan ko dahil sa mga pangyayari sa buhay ko.

Araw araw ko na makakasama sila Mommy at Daddy. Alam kong mabibigyan na nila ako ng sapat na atensyon. Lahat naman ng gusto ko ay nakuha ko. Pero may isang hindi.

Naging high school ako pero hindi pa rin nawala ang pambu bully sa akin. I thought its because of how I look. I wear big glasses and braces.

Then nalaman ko na dito rin nag enrol si Beatrice. Katulad pa rin ng dati ang naging nangyari.

Ako bully pa rin siya campus sweetheart pa rin. Kung may isang nananatili sa trono ko ay ito ang pagiging top student. Pero alam kong hindi sapat yun dahil lahat sila ay binu bully pa rin ako.

May mga times na may lalapit sa akin akala ko ay makikipagkaibigan pero pagkatapos kong gawin ang assignment nila ay biglang hindi na nila ako makikilala.

At dito nagsimula ang lahat. I learned how to fight back and made a revenge to those people who bullied me. Nakilala ako bilang si Winona Albert Avancena, the top student. Hindi na bilang Winona the nerd.

Pero lahat ng achievement ko ay parang balewala dahil busy pa rin sila Mommy at Daddy. Parang natural na sa kanila na balewalain ako. Halos hindi ko na sila abutan sa umaga dahil maaga silang umaalis sa bahay. Hindi kami nagkakasabay sa pagkain at hindi kami nagkaka kwentuhan.

Ng mapadaan ako sa isang store. Napansin ko kung gaano ako kaawa awa tingnan. Wala akong friends katulad ni Beatrice.

Si Beatrice, kahit wala ng awards na nakukuha ay marami pa ring friends. Ako na top student ay walang kaibigan na masasandalan ko sa lahat.

MIRA : The PixieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon