Chapter 34.3
"The Mind Games III""Bakit ba kasi d'yan pa siya natulog? I can understand that he's tired but can't he find some decent place to sleep? Gaaad!"
Unti unti akong napamulat ng mata. Bumungad sa akin ang mga mukha ng mga kasama ko. Mula sa gilid ko ay si Ate Yuka na nakahawak ng mahigpit sa kamay ko.
Nasa likod nito si Sir Kyrie na hawak hawak ang balikat ni Ate. Katabi nito si Winona na may karga karga na malaking teddy bear. Sa kanan ko naman ay si Mira na naka kunot ang noo at sa likod niya ay si Moris na naka halukipkip at si Angelo na mataman na nakatingin sa amin.
Lahat sila ay tumigil sa pagsasalita ng makita akong nagmulat ng mata. Teka? Ano ba'ng nangyari sa akin?
Uupo sana ako ng bigla akong pahigain ulit ni Mira.
"Humiga ka nga muna! Ang kulit mo talaga!" Naiinis na sigaw nito. Hindi ko maiwasan na mapangiwi sa sakit. Feeling ko ay may nabali na buto mula sa likuran ko.
Ate caressed my cheeks. "Are you okay Yugin? Ano bang nangyari sa'yo at natagpuan ka nalang na nakahiga sa damuhan? Pinag alala mo ko."
Natigilan ako sa sinabi niya. What does she mean by that? Pilit kong inaalala kung ano'ng nangyari sa akin pero wala akong matandaan.
Mira stared at me intently. "Wag mo sabihin wala kang matandaan sa nangyari dahil napaka gasgas na dahilan na 'yan."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Pero wala akong matandaan. Ni hindi ko nga alam kung paano ako napadpad sa damuhan."
I heard them sighed. Lumapit sa akin si Winona. "Kuya? I saw you running earlier. May nakita ka ba na kakaiba kaya tumakbo ka agad or what?"
Moris rolled her eyes. "Ano'ng ibig mong sabihin? May supernatural power si Yugin para makita ang mga hindi natin nakikita na tao?"
Imbes na pansinin si Moris ay umupo si Winona sa tabi ko. Lumayo si Ate sa akin at siya ang pumalit dito.
"Just try to remember everything Kuya."
Nangungusap ang mata nito. Ng tumingin ako kay Mira ay magkasalubong pa rin ang kilay nito. Titig na titig pa rin ito sa mukha ko.
Pinilit kong alalahanin ang lahat pero wala talaga akong maalala na nangyari. What I remember awhile ago is how we won the game we played. 'Yun lang at wala ng iba.
Ng wala silang makuha na sagot ay bumuntong hininga si Winona. Ate also sighed, pero hindi ko 'yun pinansin. Bumangon ako dahil wala naman akong maramdaman na kahit ano'ng masakit sa katawan ko. Nakatulog lang siguro talaga ako.
"It would be better if we leave Yugin. Hindi ka na sasali sa susunod na game. You guys need to quit before something bad could happen. And as your guardian, I am asking you to pack up your things and we'll leave the Centro in five minutes.
Moris groaned and sat down. "Ma'am Adalia, it's too early for us to go back. How can we get the price we work hard for?"
Winona also stood up. "Kaya nga po Ma'am. Sayang ang lahat ng pinaghirapan namin!"
But Ate didn't listen on them. I sighed and I was about to talk when Sir Kyrie tapped her back. "Cerise, let them grow independently. Look at how persistent they are to win. Parang hindi ka dumaan sa pagkabata no'n."
Masama ang tingin na ipinukol ni Ate sa kanya. "Tumigil ka nga Kyrie! I am just worried at my brother! Sagot ko ang mga 'to kaya hindi sila pwede mapahamak."
I sighed and pulled myself up. "Ate, I'm okay".
Ako naman ngayon ang nakatanggap ng masama na tingin. "Tumigil ka nga Yugin! Ni hindi nga natin alam ang tunay na nangyari sayo!"
BINABASA MO ANG
MIRA : The Pixie
Fantasy"What is your wish?" "Just stay, Mira. Please." "You know I can't Yugin. I do not belong here. Think of something else." "But that is my only wish."