Chapter 34.1
"The Mind Games"Isang malakas na tunog ang nagpa gising sa akin ng araw na 'yon. Nagmulat ako ng mata at biglang kinabahan ng makita ang hindi pamilyar na paligid. Ngunit kumalma din ng matandaan na nandito kami sa La Trinidad ngayon.
Humikab ako at kinuha ang phone ko sa ilalim ng unan. Narinig ko ang pag ungot ni Raven sa kabilang kama. Marahil ay naiingayan sa tunog na cellphone ko.
Naningkit ang mata ko para aninagin kung sino ang nag text. Muli akong humikab ng makita ang oras. Alas singko palang pero may naririnig ka na agad na ingay mula sa ibaba ng mansion. Mayroon ding maririnig na ingay ng manok na tumitilaok at tunog ng malalakas na banda. Nakaka relax sa feeling ang paligid.
Kinusot ko ang mata. May nag text kasi na unknown number na blank message. Bumuntong hininga ako at ibinalik ulit ang phone sa ilalim ng unan. Ang aga aga pa pero may nang ti-trip na agad.
Pinilit kong matulog ulit pero tuluyan ng nawala ang antok ko. Minabuti kong maligo ng maaga para na rin tumulong sa ibaba ng kung ano man na maitutulong ko.
Ilang minuto lang ang tinagal ko bago tuluyan matapos sa pagliligo at pagbibihis. Muling tumunog ang phone ko kaya nagmadali akong tumakbo papunta ng kama ko.
Kumunot ang noo ko ng makita na unknown number ulit ang tumatawag sa akin. Kahit nagtataka ay agad ko itong sinagot.
"Hello?"
Nakarinig ako ng mahihinang disturbances sa linya. Mayamaya ay nawala ito at biglang may tumikhim.
"Are you Yugin?"
Inilayo ko ang phone ko sa tenga at muling ibinalik rito. Unknown number? Sino ba 'to?
"Sino ba 'to?" Tanong ko.
Humalakhak ito. "I know you're looking for Carreaux card."
Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Paano niya nalaman ang tungkol rito?
"Sino ka? Ano'ng kailangan mo?" I hissed.
"Importante pa ba na malaman mo ang pangalan ko? Ang alam ko kasing kailangan mo ngayon ay makuha ang Carreaux card. Tama ba ako Yugin?"
Tinakpan ko ang phone ko at pumasok sa loob ng banyo. I saw Raven moved and I might awaken him on the noise I am making.
"Paano mo nalaman ang tungkol r'on?"
Humalakhak ito. "Sabihin nalang natin na may alam akong makakatulong sa inyo."
Hindi ako sumagot. Nagpatuloy ito sa pagsasalita. "Alam ko kung sino ang Carreaux card bearer at ituturo ko siya sa inyo kapag malalagpasan niyo ang mga task na ipapagawa ko. This is a mind game and you need to play as a team. And for your first task.."
Humigpit ang pagkakahawak ko sa phone ko. Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko. Kailangan kong tulungan si Mira sa card kaya nararapat lang na gawin ko ang lahat pero paano si Ate? She doesn't know anything about this card hunting that we're doing.
"Ngayong tanghali ay may magaganap na palarong pambayan ang centro ng La Trinidad. Gusto kong sumali kayo doon at siguraduhin na mananalo kayo para makuha ang mga sobre na naglalaman ng next clue ng sunod niyong gagawin."
Hindi ko mapigilan na mapalatak sa sinabi niya. Win the game? Paano naman kami makakasigurado na mananalo kaming lahat?
"Nababaliw ka na ba? Gusto mo makipaglaro kami sa laro mo?"
Tila baliw na tumawa ito. Yung klase ng pagtawa na manginginig ka sa sobrang takot.
"Time is running Yugin. You only have twenty four hours left. Goodbye."
BINABASA MO ANG
MIRA : The Pixie
Fantasi"What is your wish?" "Just stay, Mira. Please." "You know I can't Yugin. I do not belong here. Think of something else." "But that is my only wish."