Chapter 21

49 3 0
                                    

Chapter 21
"La Vera"

Lahat sila ay nagkakasiyahan habang ako ay hindi maipinta ang mukha. Napag alaman ko na ilang araw kami mananatili dito at hindi ko manlang napaghandaan ang araw na 'to.

Inilibot ko ang tingin sa mga kasama ko. Katabi ng driver ay ang body guard ni Winona na sumama sa amin. Sa likod niya ay nakaupo si Raven na kasalukuyan na natutulog habang may nakakabit na headset sa tenga nito. Sakop nito ang buong unahan kaya sa likod niya naka pwesto si Winona na nakamasid sa bintana habang si Moris ay nakatingin pa rin sa laptop niya.

Katabi ko naman si Ayen na kinaka likot ang phone niya. Hindi ko mapigilan na mapa buntong hininga. Sigurado akong hahanapin ako ni Ate Yuka. Ni hindi nga ako sumipot para sa klase ko sa kanya ngayon. Tiyak na sasabunin ako nito kapag nakarating na ako ng bahay.

Isinandal ko ang likod ko sa upuan kaya napalingon si Ayen sa akin. Kumunot ang noo nito.

"Yugin? Okay ka lang ba?"

Tumango ako at minabuti kong ilabas ang phone ko para maglaro ng kung ano. Pero hindi ko pa rin ma i-divert ang iniisip ko dito. Paano ba naman kasi, iniisip ko kung ano ang ipang papalit ko ng damit dahil wala akong dala na luggage.

Ibig sabihin ay kailangan kong gastusin ang pera ko para bumili ng damit. Iniisip ko pa lang kung magkano ang magagastos ko ay sumasakit na ang ulo ko. Parang nagsisisi na talaga ako't sumama pa ako sa kanila.

Nawala ang iniisip ko ng tumama ang ulo ko sa bintana ng kotse. Kinapa ko ang umusbong na bukol sa noo ko.

Ngunit muli ay naulit ang pagka untog ko at narinig ko ang malakas na tilian ni Winona at Ayen.

"Ma'am! Sir! May sumusunod po sa atin."

Umigting ang panga ko ng lumingon ako sa likod. Nakita ko ang isang itim na kotse na bumabangga sa mga sinasakyan ng bodyguard ni Winona. Lumingon ako dito at nakita ko ang seryoso niyang mukha.

I can sense danger here. Sumigaw ako sa driver at inutusan ito na ipagpatuloy lang ang pagda drive ng kotse.

Napalingon si Raven sa akin ng makita akong naghahanap ng pwede kong ipambato sa mga humahabol sa amin. Saka ko nakita ang mga luggage na nasa likod ng upuan ko.

Pinabuksan ko ang tila maliit na bintana sa taas ng van at mabilis na inilusot ang ulo ko rito. Ngunit nanlaki ang mata ko ng makita ang baril na tumutok sa akin. Agad akong nagtago at inutusan ang driver na paandarin ng pa-zigzag ang kotse.

"Kumapit kayo ng mabuti!" Sigaw ko sa kanilang lahat. Nakita kong nagtago si Raven sa ilalim ng upuan at iniabot sa akin ang itlog.

"Brad! Ibato mo sa harap ng bintana ng kotse!"

Tumango ako at muling inilusot ang ulo ko dito. Kinuha ko ang itlog at agad na ibinato dito. Nagpa zigzag ang naging pag andar nito, malamang ay lalabo agad ang salamin ng kotse nila dahil sa mga itlog na binabato ko.

Napuno ng putukan ang paghahabulan namin ng biglang ilabas ng bodyguard ni Winona ang mga baril nila. Pinaputukan nito ang gulong ng sasakyan ngunit agad rin naiiwasan ng mga ito.

Nawala na ang mga sasakyan ng ibang bodyguard ni Winona kaya magiging delikado ito para sa amin kapag tumigil kami. Nagpalipat lipat ang tingin ko sa mga kasamahan namin. Halos lahat ay mahahalata ang takot na nakapaskil sa mga mukha.

Napatakip ng tenga ang mga babae ng magsimula ulit magpaputok ang mga lalaki sa likod. Hinatak ko ang luggage na naglalaman ng mga damit nila at inihagis sa mga ito.

MIRA : The PixieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon