Chapter 20

48 5 0
                                    

Chapter 20
"Alliance"

Everything is a mess. Halos lahat ng nasa paligid ko ay magulo. Lalo na't biglang kumalat sa school ang pagiging mag on 'daw' namin ni Ayen at break up namin ni Mira na may iba't ibang reason.

You know, I am not really popular in our school. Nagsimula lang 'to ng mapasama ako sa gulo ni Yohance. And I like to blame Mira for this but I can't. Hindi naman tama na ibaling ko ang lahat ng kasalanan sa kanya. Sa isang banda ay pumayag rin ako sa gusto niyang mangyari.

I heaved out a deep sighed. Gusto ko magpahinga ng matagal. Lumingon ako sa nagtatakbuhan na mga tao na papunta sa auditorium ng school. Tumingin ako sa ibaba ng puno ng mangga at nakita si Raven na swabe pa rin naglalakad. Nakakunot rin ang noo nito habang nakatingin sa mga tao na naguunahan na makarating doon.

Pinili kong bumaba at halata ang pagka gulat sa mukha ni Raven ng makita ako. Tumingala pa ito habang nakataas ang dalawang kilay.

"Wow. Upgraded ka na brad. Gusto mo ng saging?" Ngumisi ako at inakbayan siya. Pero inalis niya lang agad ito at hinawakan ang kamay ko.

Nagtataka na lumingon ako sa kanya. "Ano yan?" Tanong ko.

He smiled. "Holding hands tayo while walking. Tutal wala naman girlfriend mo dito."

Nandidiri na binitawan ko ang kamay niya at binatukan siya. Wala talaga maisip na matino ang lalaking ito.

Tumawa ito at muling tumingin sa nagtatakbuhan na mga tao. Sinundan ko ang tingin niya. Hinila nito ang isang estudyante na Grade 12 student dahil sa uniform na suot nito.

"Brad? Anong meron?"

Inayos ng lalaki ang bag na dala nito bago nagsalita. "Yung SG officer kasi, pinapatawag ang lahat ng estudyante."

Binitawan agad ito ni Raven at nagtataka na lumingon sa akin. August na ngayon at dapat may inaasikaso ng project ang SG pero wala pa rin silang ginagawa. Kaya nga pareho kami nagtataka kung para saan ang meeting na ito.

Nagkibit balikat kami dalawa at sumabay sa nagkakagulo na mga estudyante. Nadatnan namin roon ang halos buong estudyante ng North Dame na nagkakagulo makahanap ng magandang pwesto para marinig ang sasabihin ng SG officers.

Sa stage ay makikita mo ang nakatayo na mga SG officers. Lahat sila ay nakatingin sa nagkukumpulan na mga tao sa harap nila.

Tinapik ako ni Raven at iginiya ako paupo sa vacant seat na nakita niya. Narinig ko ang paghagikhik ng mga babae sa likod namin kaya napalingon ako rito. Napailing ako ng makita ang pagkindat ni Raven sa mga ito na ikina kilig ng halos lahat ng babae sa likod.

Ibang klase talaga ang charisma nitong ugok na 'to. Himala nga at wala siyang trip ngayon. Minsan iniisip ko na kung gaano karami ang pera nito para makapag travel ng sobra sobra.

Natahimik ang lahat ng magsalita ang Vice President ng SG. If I am not mistaken, she is Valeen Amore. Namangha ako ng malaman na kinse palang ito pero parte na siya ng SG.

"Good Morning guys!" Masayang bati nito na sinabayan ng boring na pag sagot ng mga estudyante. Tumingin sa akin si Raven na nagpipigil ng tawa. Hindi ko mapigilan na mapa iling, alam ko naiisip niya din ang naiisip ko. Wala ito kumpara sa awtoridad ng boses ni Yohance.

Ibang iba kasi kapag si Yohance ang nagsasalita sa harapan. He have this authority that makes you scared for his whole speech. Siguro nga ito ang sinasabi nila na man power.

Hindi naka ligtas ang pagtaas nito ng kilay sa lahat kaya nagkaroon ng bulong bulungan. Umiling iling ako at tatayo na sana ng marinig ang sunod niya na sinabi.

MIRA : The PixieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon