Chapter 26
"Revelation of Conspiracy""Order in the court, Silence!"
Malakas na bulungan ang pumuno sa buong court room. Lahat ay hindi makapaniwala sa nakikita. Maging ako at ang mga nakasaksi ng namatay siya ay hindi makapaniwala.
Hinatak ako paupo ni Raven. Maging ito ay punong puno ng gulat. Ano ba ang nangyayari? Lumingon ako sa likod ko at taas noo na nakangiti ang mga babae.
Tumayo si Eric. "Imposible! Bakit buhay ka pa! Patay ka na diba? Patay ka na!"
"Order in the court, Silence!"
Tumahimik ang lahat. Tumikhim ang abogado at nagsimula sa pagtatanong kay Wyllian na kampante na nakaupo.
Itinuro nito si Eric ng tanungin kung sino ang nagplano ng lahat. Nagsimula itong magkwento ng buong nangyari.
"July 27 ng mangyari ang insidente sa loob ng SG Presiden't office. Nagmi meeting kami noon para sa isang group project kasama ang iba pa namin na ka group. Wala pa po noon si Yohance dahil mahuhuli ito dahil may inaasikaso pa siyang importante na gulo sa gym. Pumasok si Eric Sze, ang kakambal ni Yohance at may ibinigay siya sa amin na pagkain. Sabi niya ay meryenda daw ito namin at libre. Pero hindi namin alam na may pampatulog ito na nailagay dahilan para makatulog kami ng magsimula ang putukan makaraan ang pagdating ni Yohance at Yugin na ka grupo rin namin."
Humugot ito ng malalim na paghinga bago nagsalita muli. "Nagising kami na nasa loob na kami ng morge. Lahat kami ay natakot at akmang aalis na ng biglang pumasok si Eric. May mga kasama siyang naka itim na lalaki at isang nakamaskara na puti na lalaki. They offered us a money to be quiet and continue in pretending to be dead. Tinakot nila kami na papatayin kami kasama ng pamilya namin kaya wala kaming nagawa kundi magpakalayo layo. Isinaksipisyo ko ang pag aaral ko para lang protektahan ang pamilya ko. Sinabi ko ito sa Lolo ko at nagalit sila ng malaman ang tungkol dito. Pero pinili namin na huwag ng lumaban dahil natatakot kaming mamatay ng maaga."
Lumingon ako sa isang gawi at nakita ko si Eric na nakakuyom ang palad. Nanggagalaiti ito sa galit base na rin sa mga ugat na naglalabasan sa leeg nito. Napuno ng bulungan ang buong court room at nagsabi ng kanya kanyang punto sa nangyayari.
"Pero ano ang rason mo at nagpakita ka ngayon?"
Lumingon ito sa gawi namin at ngumiti. "Ginagawa ko ito para sabihin na inosente si Yohance. Hindi siya ang leader ng Alpha fraternity at hindi siya ang may pakana ng pagkamatay namin lahat. Nakakatawa man sabihin pero wala naman talagang namatay. Gusto kong sabihin sa inyo na ito ay isa lamang malaking set up na ginawa ng kakambal niya para makulong siya. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit ginagawa ito ni Eric pero ang tanging alam ko lang ay inosente at malinis ang pangalan ni Yohance."
Mayamaya ay bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang mga kasama namin. Lahat sila ay nakangiti at masayang lumapit sa mga magulang nila. Napuno ng iyakan ang buong court room sa pagkikita ng lahat.
Wyllian stand up. "Sa tulong po ng mga kaibigan namin ay natunton namin ang lokasyon ng ibang mga estudyante na nagtatago sa malalayong lugar. Maaari na silang makabalik sa mga pamilya nila ngayong makukulong na si Eric. Wala na rin magbabanta sa mga buhay nila at malaya na silang makakabalik sa North Dame katulad ng ipinangako ni Miss Damian. Maibabalik ang dating sigla ng North Dame dahil maibabalik si Yohance sa posisyon niya bilang SG President."
Matapos ang ilang minuto ay nag desisyon na ang korte. Napatunayan na walang sala si Yohance at ibinabasura na ang reklamo ni Eric.
We all cheered for Yohance's victory. Lumingon siya sa amin at isang umiiyak na Yohance ang nakita namin.
BINABASA MO ANG
MIRA : The Pixie
Fantasy"What is your wish?" "Just stay, Mira. Please." "You know I can't Yugin. I do not belong here. Think of something else." "But that is my only wish."