ABS 15

15.2K 454 8
                                    

15

Pagdating ng bahay, naabutan ko si Tiya sa garden nya at naghaharvest ng mga gulay kasama si Matt, isa rin syang bata na lumaki sa kumbento ngunit pinalabas dahil nakitaan ng mga madre ng kagalingan sa pag-aaral. Binigay sya kay Tiya para mapag-aral at may makasama si Tiya sa bahay lalo na't nasa malayo kaming tatlo.

Pagkatapos ko silang batiin, dumiretso ako sa kwarto ko para magcharge ng phone ko at magbihis ng pambahay.

Sinimulan ko na agad ang paglalaba, may washing machine naman kami. Kaya hindi ako mahihirapan masyado sa paglalaba lalo na ng kumot, kobre kama at mga punda.

Yung mga damit kong panlakad, kinakamay ko nalang para hindi madaling masira.

Nakakalahati na ako nang marinig ko ang busina ng kotse. Naisip ko na kapitbahay namin iyon dahil may kotse sila. Pero nang makita ko si Matt na may mga bitbit na mga malalaking cellophane, naisip ko kaagad na sina Klitz at Camilla ang dumating.

Simula nang ipakilala ni Camilla si Klitz kay Tiya, palagi na silang bumibisita rito sa bahay, nagustuhan raw ni Klitz ang lugar namin, tahimik at malayo sa ingay ng syudad. Nagandahan rin ito sa bahay namin na puno ng halaman.

"Rosie" boses ni Camilla. Sa bahay namin sya lang ang may kakayahang sumigaw at gumawa ng ingay, sya lang kasi ang pilya at makulit sa amin dito.

"nandito ako" sagot ko sa tamang lakas ng boses lamang.

Napangiti ako nang makita ko syang blooming sa suot nyang kulay sky blue na dress at flat shoes. Nakahilig sya sa pintuan at malapad ang ngiti sa akin, ngumiti rin ako lalo na nang makita si Klitz na nakatayo na sa likuran nya, kumaway ito at tumango lang ako.

Nakakahiya naman itong sitwasyon kong nakaupo at napapaligiran ng bula, basang-basa ang damit at pawisan.

"i-washing mo nalang kasi yan para makapagchikahan na tayo?" si Camilla.

"magpahinga ka kaya muna nang matapos ko na rin ito" - ako.

"bilisan mo na, may ikukwento ako sayo" sabi nito at tumalikod na.

"sunod na ako" sagot ko naman.

Halos isang oras pa ang tumagal nang matapos ako. Habang nagsasampay ako ng mga damit ko, nasa terasa naman si Camilla ng kwarto nya at may hawak na phone. Kumaway sya sa akin at napapailing nalang ako dahil sa kung ano-ano na ang naiisip nya.

Sumapit ang tanghali, habang nasa mesa kami at kumakain. Napansin ako ang mga titig ni Klitz sa akin. Tipid naman akong napapangiti sa kanya sa tuwing magtagpo ang mga mata namin. Siguro pinagmamasdan nya ang kulay namin, mukha at mga galaw. Kung pagmamasdan kasi para kaming pinagbiyak na buto no Camilla pero ang totoo hindi kami magkadugo pareho lang kaming ampon ni Tiya.

"Rosie, anong oras ka bukas babalik sa duty mo?" si Tiya, nakaupo sya sa isang narra na single sofa at gumagansilyo habang ako naman ay nakaharap sa purple laptop ni Smith at gumagawa ng observation report ko sa dining table namin, si Matt, Klitz at Camilla naman ay nanonood ng movie sa salas.

"pagkatapos po ng pananghalian Tiya" sagot ko.

"kayo Camilla?" dinungaw nya ang kapatid kong naka hilig sa tabi ni Klitz.

"baka sabay na po kami ni Rosie Tiya" nakangiti nitong sagot.

"mabuti pa nga, idaan nyo na yan para naman makampante rin ako para sa kalagayan nya" nilingon ko sya at nagtama ang mga mata namin, ngumiti ako at napailing siya.

"sana makahanap ka narin ng boypren at nang magakakulay ang buhay mo Rosie puro ka nalang aral baka sa sobrang pagbabasa mo ay pati letra magsawa na sa mga titig mo" seryosong biro ni Tiya.

Elite 3: Mr. ABSolutely MakulitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon