42
Matapos ang dalawang linggo na pamamalagi at pagpapagaling ni Mika sa hospital, nakalabas narin sya.
Bumalik na sa dati ang lahat maliban lang sa knilang mag-asawa. Kwento ni Smith sa akin, lagi raw tulala si Mika at walang ganang kumain. Laging umiiyak at hindi nagsasalita. Kahit raw sila hindi pinapansin minsan kapag nandon.
"its okay beh, makakamove on rin si Mika. Alam mo naman kung gaano yun ka excited nng nalamang magkakababy na sya diba?" inaayos ko ang higaan ni Kelly, simula nang matapos naming irenovate nag isang kwarto na katabi namin at ginawang pet room, dito narin sila natutulog. Naiinis kasi si Smith tuwing umaga kapag nasa gitna na namin ang dalawang ito.
Ibinili namin ng crib si Kelly, malikot kasi ito matulog. Habang si Ken naman ay mas malaking basket.
"pagupitan kaya kita Kell?" hindi kasi even ang taas ng balahibo nya.
"hayaan mo na yan, ganyan talaga ang balahibo, hindi yan katulad ng buhok mo na sabay-sabay tumubo." siya ang sumagot sa akin, nasa isang table sya at hawak ang librong binabasa nya habang ako naman ay nasa loob ng kuna at nilalaro si Kelly.
Lumapit siya para kunan ako ng litrato bago kami lilipat sa room namin.
Araw-araw nakasanayan na ni Smith ang maging ng maaga at sa harap ng bintana mag-aral. Takot na takot syang maging lowest dahil plano raw ng barkada nila na mag-out of the country.
At isang milyon ang budget dahil Europe ang napupusuan ng mga ito na puntahan.
Antok akong nagising nang hindi ko sya mahagilap sa kama.
Napangiti naman ako nang makita syang nakaupo sa tabi ng bintana at nagmumuni-muni.
Gabi na sya umuwi kagabi, nagpaparty raw ang manager nya sa pagkapanalo nila sa Guam. Antok akong bumangon at nilapitan sya. Nagpakandong ako sa kanya na parang bata at niyakap sya.
"What's bothering you beh?"
Napatahimik lang sya, inayos nya ang pagkayakap sa akin at ilang besis napalunok.
"malapit na ang surprise wedding ni Klitz para kay Cam" sabi nya.
"tapos?"
"gusto ko nang sabihin sa kanila ang lahat, ang tungkol sa atin, about sa relasyon natin" idinikit nya ang ilong nya sa ulo ko at inamoy ito. Paulit-ulit nyang itong hinahalikan habang yakap-yakap nya ako na parang bata sa kandungan nya.
"ayaw ko nang itago ka. You dont deserve this" hinalikan nya ako sa noo. "mahal kita, mahal na mahal kaya bakit naman kita itatago."
Napanguso ako, iniisip ko kung handa na ba ako? Kung kaya ko na bang harapin ang lahat ng taong humahanga sa kanya, nagtitiwala? Kung handa ko na bang pakibagayan ang mundong ginagalawan nya, ang buhay na meron sya?
Pakiramdam ko ready na ako. Ready narin ako para panagutan ang pagmamahal ko sa kanya. Pagod narin kasi akong magtago at magkunwari. Mahal ko sya. Kailangan kong ipaglaban ang pagmamahal ko sa kanya.
"maiintindihan naman nila ito" sabi nya na kinatango ko.
Napangiti ako, "sino pala sila para husgahan tayo?" tumaas ang isang dako ng kilay ko.
"suplada!" napanguso sya.
"oo naman" umirap ako at tinuro ko ang sarili ko. "ako pa!"
Natawa sya.
"uy, ang babaw ng kaligayahan!" napailinga ako sa saya nya.
Ilang araw pang sumunod na naging busy ako. Malapit na kasi ang semestral break at defense nalang sa study ko ang kulang.
![](https://img.wattpad.com/cover/72312912-288-k54447.jpg)
BINABASA MO ANG
Elite 3: Mr. ABSolutely Makulit
Fiksi UmumNaging: #1 sweetheart Miller's try and try love story! "nandito ka na naman?" nagulat ako sa presensya ng lalaking ito. Matibay ang pagkamakulit. Kahit araw-araw mong pagtabuyan, maaga pa sa araw kung bumalik. "yeah! hanggang nandito ka pa baba...