Napaiyak naman ako sa mga reaksyon nyo at maraming comments. hindi ko po inexpect na ganun ka dami ang nagcomment... huhuhu... kinabahan tuloy ako sa update ko kung tatanggapin nyo naman kaya ito? sana lang.... hi yana!
60
Tamad akong nagising. Pakiramdam ko wala na akong lakas ngayon na harapin ang mundo. Wala na ngang lakas ng loob, wala naring lakas sa katawan.
Instead na tumayo, napaupo ako sa sahig at napasandal sa kama ko. Parang lahat na ata ng parte ng katawan ko ay iniwan narin ako.
"Rose, nagtext si bebang. Dadaanan raw nila tayo ni Fred ng alas ot--" natigil sya nang magtagpo ang mga mata namin. Pagod akong ngumiti sa kanya.
"God, what happened to you?" mabilis syang lumapit sa akin at umupo sa tabi ko. "Rose, are you sick?" dumapo ang likod ng palad nya sa noo ko.
Umiling ako at sinandal ang ulo ko sa kama. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang mga luha ko. "im fine dear, antok lang ako" palusot ko.
"Rose, are you okay?" napalingon ako kay Irah at ngumiti.
"Im fine, maliligo na ako" - ako.
"Rose, no! Your not okay!" napahawak sya sa braso ko para pigilan ako.
Ngumiti ako at hinalikan sya sa noo. "thanks for the concern pero, okay lang ako" tsaka ako tumayo at mabilis na tinahak ang banyo para maligo.
Im crying under the shower, under the the cold shower. Kahit nanginginig na ako sa lamig tiniis ko parin hanggang maging manhid na ang katawan ko at mawalan na ako ng pakiramdam. Nasasaktan ako dahil mahal ko sya, minahal ko sya at sya lang ang tanging minahal ko ng tulad nito.
Sumama ako kahit alam kong mas mahihirapan lang ako, magkukunwaring okay lang at ngingiti kahit dapat iiyak ako.
Umikot kami sa buong Okinawa, namitas kami ng mga bas at pumasok sa ilang historical places. Pinilit ko ang sarili kong ienjoy ang lahat ng maganda at nakakalibang na mga lugar pero kahit anong pagpeke ko ng ngiti nauwi parin ang lahat sa ganitong sitwasyon.
"Rose you can tell us" si Mika.
Niyakap nya ako na kinagulat ko, hindi pa ako handang magsalita.
Napangiti ako, "im fine, bakit pala? Anong meron sa mukha ko? Do i look pale?" pakonwari kong sagot.
Umiling si Mika, nakikita ko ang eagerness nyang macomfort ako pero, hindi pa talaga ako handa. Hindi ko pa kayang sabihin. Pakiramdam ko kasi awa lang ang mararamdaman nila sa akin. Ayoko ng kaawaan ako ng ibang tao.
Nilibot namin ang isang open park at doon kami nagtagal. Hinintay lang namin na dumilim bago kami nagkasundong umuwi na.
Dalawang araw ang nakalipas, ginugol ko lahat sa pag-aaral ang mga oras ko. Kahit masakit, gumigising ako tuwing umaga na may mga luha sa mga mata ko. Natuyong mga luha at panibagong luha ang naghalo na sa pisngi ko.
"ang payat mo na, i wonder how would Camilla react if ever she'll see you like that" nakangusong sabi ni Irah. Nasa harap sya ng oatmeal nya at nakabihis na. May byahe raw sya ngayon papuntang tokyo para sa unang ramp show ng among designer nya.
"malapit na kasi ang exam ko kaya ako nagpapagod lately" ngumiti ako at nagtimpla na ng gatas ko.
"please behave and be strong, tatlong gabi lang akong mawawala. Sana naman bebang pagkabalik ko buhay ka pa?" matulis ang mga mata nya.
Napangiti ako at napailing.
"promise me Rose?" nakanguso na ito.
Tumango lang ako at nagtaas ng kamay. Broken hearted ako hindi broken minded. Ayos pa naman ang turnilyo ng mga utak ko kahit ang puso ko marami nang band aid at kakahilot lang ng bale nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/72312912-288-k54447.jpg)
BINABASA MO ANG
Elite 3: Mr. ABSolutely Makulit
Fiksi UmumNaging: #1 sweetheart Miller's try and try love story! "nandito ka na naman?" nagulat ako sa presensya ng lalaking ito. Matibay ang pagkamakulit. Kahit araw-araw mong pagtabuyan, maaga pa sa araw kung bumalik. "yeah! hanggang nandito ka pa baba...