ABS 68

15.7K 428 21
                                    

Ilang chapters nalang at matatapos na ito... thank u sa suporta pipz!

68

MILLER'S POV .1

"you can stay here Millboy, its not because Amanda dropped you, you'll drop this place too?" napatigil ako sa ginagawa kong pag-iimpake ng mga damit ko. Humugot ako ng malalim na hininga bago ako umangat ng tingin sa kanya.

"i just want to have space and peace, im not running away from this place. Who is she?" umirap ako. Totoo naman ah, sino ba sya? Isang user na ginamit lang ako para maging sikat? Fuck that shit!

"at sa Pilipinas mo planong magrest in peace? Duh? You know how conservative people living in that country, isang pagkakamali mo lang baka mapikot kana agad" napasapo sya sa noo nya.

"relax, ill be fine. Nandoon naman ang mga kaibigan ko eh" pinagpatuloy ko ang pag-iimpake ng mga damit ko.

"sino si Fred? Si Klitz? mga tulad mo ring left behind?" nagtaas sya ng kilay sa akin.

Napaangat ako ulit ng ulo at binagsak ang hawak kong damit. "bakit ba ang mean mo sa kanila?" napailing ako at inis syang tinalikuran sabay labas ng pinto.

Minsan naiinis narin ako sa kanya, masyado nya nang pinapakialaman ang buhay ko. Simula nang naglayas si Kuya, masyado na syang over protective sa akin.

"Millboy, im just trying to protect you!" hinabol nya ako hanggang makababa ako ng hagdan.

"i know, but look at me! Im too old to be taken care of" naiirita na talaga ko. One of my reason why i want to shun away from here is to be free also sa mga possessive acts nila. Nakakasuka na, nakakawalang gana na.

"bahala ka sa buhay mo!" galit nya akong tinapunan ng throw pillow sa likuran ko na kinatigil ko. Humugot ako ng malalim na hininga bago ako nagpatuloy at pumasok sa kitchen.

Lumapit sa akin si Manang Luz, ngumiti sya at tinap ang balikat ko kumindat. "make sure pag nakauwi na tayo magpapakabait ka don ha? Para hindi na tayo makabalik dito, kawawa naman ng mga anak ko, lumaki silang hindi nila ako nakakasama"

Ngumiti ako at napatango sa kanya. She's been my nanny for 15 years. Galing pilipinas, dinala sya namin dito para hindi kami mapabayaan dito since laging wala ang mga magulang namin.

"thanks ya, dont worry ill do my part when we get there" - ako

Ayaw ni Olga na umuwi ako pero wala syang nagawa lalo na't napapayag ko si Dad. Sabi ko gusto kong maglaro para sa Pilipinas at doon nalang ipagpatuloy ang training ko sa karera.

Masaya akong nakauwi ng Pilipinas. Para akong nakalaya sa mga pananakal ng parents ko at ni Olga. Sa mansyon kami tumuloy dahil yun ang isa sa mga kondisyon ni Dad.

"your finally home fucker!" masaya kong niyakap ni Alex. Sya lang ang nandito sa Pilipinas para salubungin ako, nasa London si Klitz at nasa Singapore naman si Fred.

"lets celebrate your freedom tonight bro" bulong nya na mabilis ko agad inilingan.

"nah! Not yet the right time bro" ngumiwi ako sa tabi ko. Si manang Luz.

Napaawang si Alex at napatango. "okay, there a lot next time" kumindat sya pero alam ko na ibig sabihin ng gagong ito, bukas o sa makalawa.

Ilang buwan palang ako, nakilala ko na agad ang kinaaabalahan ni Alex araw-araw si Mikaila Chong, ang future wife ni Fred na secretong minamahal ni Alex.

Isang taon ang nakalipas, umuwi si Shin sa Pilipinas para hawakan ang Han & Co company, meron silang shopping malls at Hotels.

Napag-isipan ko naring mag-aral ulit para may magawa habang naghihintay ng mga karera ko. Sa pinapasukang University ni Alex ako pumasok, kung saan mas lalo kaming naging bonded sa isat-isa. Pareho kaming nahilig sa mga kotse at si Fred ang naging tulay namin para makabili ng mga latest na kotse.

Elite 3: Mr. ABSolutely MakulitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon