ABS 7

15.4K 469 11
                                    

7

Matagal kaming nagtitigan.

"kung hindi ka pa handa okay lang, sorry kung ---"

"Diba may usapan tayo?" napatawa ako, nagtaas ako ng isang kilay sa kanya.

Napailing sya, "yeah!" at walang ganang bumalik sa pagkakasandal. "3 months huh?"napatingin sya sa akin.

"ikaw nagbigay ng time frame diba?" sabi ko na kinatawa nya ng bahagya.

"okay, 3 months of shits!" sabi nya at napalo ko sya sa braso.

"pagbalik ko, kapag hindi mo nagawa yung sinabi ko huwag ka nalang magpakita sa akin" nagtaas ako ng kilay sa kanya na kinaangas ng mukha nya.

"hey---"

"bahala ka, ikaw may gustong gawin yan diba? You challenge me, so take mine!" napangiti ako sa sinabi ko.

"kung magawa ko Rosie Marie, Magiging girlfriend na kita at mapapasaakin ka?" inulit nya na naman ang nakakatakot nyang kondisyunes.

Matagal akong sumagot, iniisip ko kasi kung kasali ba ang pagkatao ko, i mean pagkababae ko sa mga aangkinin nya.

"hey--"

"okay!" inunahan ko na. Impossible naman diba? Sa busy nyang life? Hahahah.
Uminat sya, parang may naglalaro sa isipan nya ngayon.

"sorry pala sa ---"

"its okay, i understand. Nainis lang ako na hindi ka manlang naghintay sa pagbalik ko." sabi nya. "well, hindi pa naman kita pagmamay-ari ngayon kaya magagawa mo pa yan, kung akin kana, sa akin na iikot ang buhay mo" nagtaas sya ng kilay at parang hinahamon ako. "sa akin ka narin titira" at matama nya akong tinitigan. "para mabantayan kita at masigurado kong wala nang gagambala pa sayong iba kundi ako lang, only Miller Smith alone" natatawa nyang sabi.

"uwi na tayo" pag-iba ko ng usapan. Inayos ko ang pagkakaupo ko at binaling sa bintana ang atensyon ko.

"see? Bakit ba kung seryoso na ako tsaka mo naman iibahin ang usapan?" para syang batang nagrereklamo sa harapan ko.

"hindi kaya, gabi na oh!" pinalo ko sya sa braso at tinuro ang paligid naming nababaloy na ng dilim.

"Gusto mo bang maligo?" tanong nyang nakakaluka. Hinarap ko sya at mataray na umiling.

"come'on Rose. Malamig ang tubig, malamig ang hangin, malamig ang paligi--"

Hinarapa ko sya at hindi na pinatapos, "oo kasing lamig ng utak mo!" inis kong sabi, "okay ka lang?" galit kong sabi. "may pupuntahan akong community service, tutulong manggamot hindi magkalat ng lagnat doon Smith!"

Napanguso sya, nagulat siguro sa sinabi ko.

"okay lang naman yan, yayakapin naman kita para hindi ka lamigin" napangiti sya. Parang bata na nang-aasar.

"duh? Payatot ka kaya, kung sarili mo nga hindi mo maprotektahan sa lamig, ako pa?" gulat syang natawa, "what the Fuhh Beh!" mura nya.
"magpatubo ka muna ng abs dyan oh!" tinuro ko ang tiyan nya. "para naman mainspire akong yakapin ka Smith" seryoso kong biro sa kanya. "alam mo yun, yung feeling na matibay ang kinakapitan mo" napailing ako habang sya nanatiling nakanganga.

"nakakatakot kang yakapin, pinakamababa kong sakit na makukuha sayo, tetano sa mga buto mo" umiling ako, humugot ng malalim na hininga at pinigilan ko ang sarili kong huwag matawa para maging seryoso ang lahat.

Umiling sya, napapikit pa at kagat ang ibabang labi nya, "talagang hinahamon mo ako noh?" seryoso din ang mukha nya. "Ang galing mo rin behbeh ko noh?" sarkastiko syang napangiti sya sa akin, "galing mo ring mang-insulto noh?" nagtaas sya ng isang bahagi ng kilay nya.

Elite 3: Mr. ABSolutely MakulitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon