11
Hindi ko mapigilan ang sarili kong kiligin pagkatapos nyang tumawag, antok na antok na sya at pagod pa pero hindi raw sya mapakali at makatulog hanggat hindi kami nag-uusap.
Maayos ang naging takbo ng usapan namin, hindi na sya nang-inis pa at puro paglalambing ang ginawa nya. Kahit na sandali lang ang tawag nya, hindi ko maikakailang napasaya nya ako don.
"Sinong tumawag?" si Bill, kalalabas lang ng banyo at amoy bagong ligo.
"si kuya" tipid kong sagot.
"ah ganun ba?" napangiti lang ako at tumango sa kanya. Tapos sumunod nang naligo.
Dahil naninibago at hindi makatulog. Naisipan ko nalang simulan ang journal report ko sa subject naming ito. Kinuha ko ang backpack na pinahiram nya kanina. Binuksan ko ito at napangiti dahil may key chain pa itong rose ang desenyo. Parang bakla lang?
Pagbukas ko, laptop, digicam at tatlong usb and laman nito. Napangiti pa ako dahil kulay purple ang laptop at may nakadikit na mga letra na ROSIE MARIE.
Binuksan ko ito at nakalock, kailangan ng password. Hinaloglog ko ang bag baka may nakaipit papel na may sulat na password. Pero wala. Ibabalik ko na sana nang maalala ko na hindi pala lahat ng text nya naopen ko.
Binuksan ko ang messages at binuksan ang lahat ng text nya,
MISBEH:
Beh ang password ng laptop: ROSIEMARIESINGSONNalaglag ang panga ko sa nabasa ko, sinubukan ko ito nagloading. Pero mas napanganga ako nang makita ang desktop background nya. Picture kong nakangiti.
Halatang bago ang laptop dahil wala pa masyadong documents. Inisa-isa ko lahat ng laman ng nito, bahala magalit sya hidni nya naman malalaman na inopen ko eh.
Napangiti ako nang makita ang halos lahat ng stolen shots na mga kuha sa akin. May naglalakad, nakatambay sa canteen, nasa hallway at nakatayo, sa cafeteria at nagbabasa, sa library, sa clinic at sa hospital.
Hindi ko alam kung paano nya lahat ito nakuha pero nakaramdam ako ng pag-init ng pisngi ko sa dami ng mga pictures ko.
Hinayaan ko nalang ang lahat ng mga litrato kong nasa isang folder lang na may nakasulat na 'BehBeh Girl' at nagsimula na akong magtype ng tungkol sa naging travel namin.
Ikinuwento ko ang lahat ng nadaanan at nagawa namin ngayong araw, kung pwede ko lang isala ang nangyari kaninang early morning nagawa ko na.
Lumipas ang isang linggo na lagi kaming pagod araw-araw sa duty. Halos kami na ang gumagawa ng lahat sa mga barangay clinic. Dapat ay tutulong lang pero nauwi sa kami na talaga ang pinapatrabaho nila at pinapaduty.
MISBEH:
Busy? Miss u beh.Ako:
Sort of, kape tayo?Nilapag ko ang kape sa harapan ko at nagsimula na naman mag-encode ng daily journal ko at mga reports ko. Sinisingit ko ang paggawa nito kapag wala kaming trabaho para hindi ako mahirapan. Para pag-uwi namin, mag-aaral nalang ako para sa finals.
MISBEH:
Miss u beh! D mo ako namiss? :(Napangiti ako sa message nya. Nagreply ako na nakapikit dahil ayaw kong makita ang mga daliri kong sumasagot sa tanong nya.
Ako:
Busy kasi ako, next time na pagmay time na mamimiss kita. :pMISBEH:
Sure! 86 days to go beh. Cant wait!Ako:
Bakit may abs kana?Natawa ako sa sarili kong reply. Excited na akong mabasa ang reply nya.
MISBEH:
Dapat may abs lang pwede magcount down? Grabe ka naman behbeh ko!Ako:
Oo, yung may abs at may taba lang ang pwedeng makamiss at magtext sa akin.Napakagat ako sa labi ko, excited na ako sa ganitong set-up namin.
MISBEH:
Kung alam mo lang!Ako:
Ang ano? ;JMISBEH:
Wala!MISBEH:
Ano gawa ng behbeh girl ko?Ako:
Encode ng journal. u?MISBEH:
Nasa bahay kami nina Fred, inaaliw namin sya para hindi mamiss si Mika.Ako:
Good, cge text u later.MISBEH:
I'll call u later beh.Ako:
Kahit hindi na. Busy nga ako diba?MISBEH:
Mamaya pa na man DIBA? Ui excited!Ako:
Duh? Kanino?MISBEH:
Deny pa more! If i know, hinahalikan mo na picture ko dyan ngayon sa laptop mo.Napailing ako sa tibay ng kayabangan ng lalaking ito.
Ako:
In your dreams Smith! Duh?!!!!!MISBEH:
Tulak ng bibig pero higpit ng kapit sa dibdib! Imposibleng hindi mo ako namiss.Ako:
Kapal ng mukha mo ha?MISBEH:
Oo matibay pa nga eh! Gusto mo halikan?Ako:
Hahahah.... Sira ulo! Thank u nalang!Matagal syang hindi nakareply, nagulat nalang ako nang tumawag sya bigla.
"bakit?" bungad ko na kinatawa sya.
[di ba pwedeng hello muna?] natatawa nyang sabi.
"busy ako, bakit nga?" katahimikan ang sumunod na nangyari.
[i miss you beh] napapaos nyang sabi.
Lihim akong napangiti sa sinabi nya.hindi ko man aminin sa sarili kong nahuhulog na ako sa mga kakulitan nya, kusa naman itong pinaparamdam ng puso ko sa akin.
[namiss mo rin ako noh?] natatawa nyang sabi.
[aminin mo na kasing MU tayo?] nangunot ang noo ko sa pagka-over conceited nang taong ito.
Hindi na ako nagsalita, pinakinggan ko nalang ang tawanan sa paligid nya. Parang masaya at maraming tao.
[beh-beh ko!] napailing ako.
[beh-beh kong sobrang namimiss ako, nagtatampo na yan kasi nahuli na sya!]
[beh-beh kong kong maganda!] para syang iniipit sa saya nya.
"huh? Sin--"
[Miller Boy sino na naman yang behbeh girl na yan huh? Kala ko ba loyal ka sa Dr. Heart mo?]
Nanindig ang mga balahibo ko, boses ni Camilla yun!
Ibababa ko na sana nang may narinig pa akong nagsalita.
[Miller, pag malaman ni Mika na nangbababae ka na naman hindi kana tutulungan non na makalapit kay Rosie]
[pakausap nga kung totoong may kausap ka baka nasisiraan kalang ng ulo at kung ano na naman ang naglalaro dyan sa isip mo]
[Umasa ka Miller, wala kanang pag-asa don sa doktora na yun!] nagtawanan silang lahat.
[talaga?] boses ni Smith. [hindi ko na man kailangang ipagkalat pa ang meron kami. Sekreto nalang namin kung anong meron kami] dagdag nya.
Napailing ako habang nakikinig sa kanilang usapan.
[beh still there?] biglang tumahimik ang paligid.
"kung may palano kang gawin akong panakip butas sa Doktora mo, Smith wala akong panahon para sakyan ka" - ako
[hind-----]
Hindi ko na pinatapos, tuluyan ko nang binaba ang tawag nya at agad na inoff ang phone ko at nilagay sa ilalim ng bag ko.
Hanggang ngayon, hindi ko parin matanto kong seryoso sya o naghahanap lang ng libangan.
BINABASA MO ANG
Elite 3: Mr. ABSolutely Makulit
Ficción GeneralNaging: #1 sweetheart Miller's try and try love story! "nandito ka na naman?" nagulat ako sa presensya ng lalaking ito. Matibay ang pagkamakulit. Kahit araw-araw mong pagtabuyan, maaga pa sa araw kung bumalik. "yeah! hanggang nandito ka pa baba...