Last Chapter

21.6K 598 43
                                    

 WAKAS nalang ang kulang. Salamat po ng marami sa lahat ng sumuporta sa kwento nilang dalawa. 

LAST CHAPTER 

Nasa duty ako at hating gabi nang sinugod si Mika sa hospital, manganganak na sya at kabado si Fred. Nakangiti akong pinuntahan ang nanginginig na si Fred na halos hindi makafill-up ng form.

"relax Fred, everything will be alright" sabay tapik ng balikat nya.

"your bao and baby bao is safe, just relax!" si Klitz.

Sabay na dumating sina Irah and Alex, nasa beywang ni Irah ang kamay ni Alex. Lately naging super close sila dahil sa lagi na silang magkasama. Nagiging possessive narin si Alex kay Irah lalo na't nalaman nyang pursigido parin ang chinese na manliligaw ni Irah sa kanya kahit alam na nitong may asawa na ito.

Napatingon ako sa lalaking nakasunod sa kanila. Napangiti nang makita syang antok na dumating. Naka cargo shorts ito, hoody na jacket at crocs na tsinelas. Halatang nagmadali dahil magulo rin ang buhok nya.

Sinalubong ko sya ng ngiti at kumaway ako sa kanya na kinabuhay nya agad at ngumiti sa akin.

"doc okay na po" agaw atesyon ng nurse sa akin. Tumango ako at kumaway sa kanila. Pero bago ako pumasok ng OR napalingon ako nang tinawag ako ni Aaron. Sya kasi ang kinuha kong anesthesiologist na tuturok kay Mika.

"sorry im late" kumaway itong nakangiti, at lumapit sa akin.

"hindi naman, your just in time" ako, kumuha ako ng papel at sinulat ang mga kailangan ko para sa cesarean operation para kay Mika.inabot ko ito sa Nurse on duty na aalalay sa akin. "pakiset up narin nyan sa loob" utos ko.

"anong oras ang off mo?" si Aaron.

"1 pero mag-extend ako. Nasa davao pa kasi si yam, sya kasi ang kaexchange ko" sabi ko.

"good, kasi 11 ang duty ko mamaya invite kitang maglunch may itatanong ako sayong condition" sabi nya.

"sure" malapad ang ngiti ko. About na naman ito sa kapatid nyang may myoma.

Isang malutong na TSK! ang nagpalingon sa akin sa direksyon ng mga kaibigan ko. Naabutan kong galit ang mga titig ni Smith sa akin. Habang si Irah naman ay nakangiti lang.

Ngumiti ako sa kanya at umirap bago ako pumasok ng operating room.

Halos isang oras ang operasyon ko kay Mika, maselan kasi ang kondisyon ng matres nya kaya kailangan na maingat ang bawat galaw namin.

Nang mailabas ko na nag baby nya, halos maluha rin ako sa saya. I dont know why pero nasaksihan ko rin kasi paano nya dinibdib ang pagkawala ng unang baby nya dati.

Nakisuyo ako sa isang nurse na kunan ng litrato ang bawat detalye lalo na ang paglabas ng baby, pag-iyak nito at paglapat ko sa kanya sa dibdib ni Mika. Kahit tuloy sya at least may remembrance sya. Tinulungan rin ako ng assistant ko na mapaapak ang baby sa telang niready ko para sa first step nya sa mundo. Inalala ko ng mabuti ang palatandaan nito sa beywang para masigurong tamang baby ang maiuwi ni Mika.

Matapos ang naging successful operation ni Mika, nilipat na ito agad sa labor room at doon muna pinahinga hanggang magising sya habang ang baby inilipat narin sa NICU.

Nang lumabas akong nakangiti, halos mahimatay si Fred. Nakahinga narin sya ng maayos.

Inabot ko sa kanya ang camerang dala ko kanina sa loob. "after two hours pa pwedeng makita ang baby kasi may new born screening pa yun at other test. Hospital rules" kinindatan ko sya para mabawasan ang kaba nya.

"si Mika naman mamaya din after three hours pa, kung magising sya at makapadede sa baby" masaya syang tumango.

"thank you Rose" sabi nya

Elite 3: Mr. ABSolutely MakulitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon