Andaming mga makukulit... hehehehhe... pasensya ito lang nagawa ko. Pagpasensyahan nyo na muna...
24
Madilim na nang matapos ang exam namin at makalabas ng room, pasado narin alas syete.
Napaangat ang tingin ko sa banner na nakasabit sa pintuan ng hall namin. IU Grand SLAM!
Nanalo ang school namin para sa huling match ng soccer team para sa taong ito. Mostly of the players are graduating, maganda at nasungkit nila ang huling championship bago nila iiwan ang school.
"punta tayo ng Bounce bar, nandoon raw ang victory party ng school ngayon" si Sam habang hawak ang phone nya, "at least manlang makita ko si Papa Smith" dagdag nya.
"ang galing noh? Napagrand slam nila ang school bago sila aalis." si Bill. "ang swerte ng kapatid mo noh? Ang gwapo talaga ni Klitz kanina, si Kovda kaya kelan ako mapapansin?" nakanguso ito.
Natawa si Sam sa sinabi ni Bill. "dream on Bill, ni hindi mo nga sya mapalingon kung dadaan ka mapapansin pa kaya? Ikaw na talaga friend!" sabi nito
"hindi ka masyadong harmful magsalita friend, para bang si Smith napapalingon mo ha?" natawa rin sya.
"so hinahamon mo ako?" sabi nito.
Habang busy silang dalawa sa kakahamunan, ako na man busy sa kakapray na sana matawagan ako ni Smith. Gusto ko syang batiin pero wala kasi akong load. You know naman pobre!
"dito nalang ako" sabi ko. Ayaw kong makisakay sa kanila hindi kasi nila madadaanan ang papuntang dorm kaya gagastos lang sila ng gasolina kung makikisakay pa ako.
"hatid na kita Rose" si Bill.
"huwag na Bill, dyan lang man din ako kakain sa Mcdo sa labas" - ako.
"sure ka?" napahinto pa sila para hintayin ang sagot ko.
"oo, malapit lang naman" nakangiti kong sabi at tsaka ako kumaway sa knilang dalawa.
Habang naglalakad ako sa covered walk, napadaan sila. "kita nalang tayo bukas ulit!" kumaway sila at ganun din ang ginawa ko.
Umatras ang kotse ni Bill at bumaba ang bintana. Napayuko ako para tingnan silang dalawa.
"Rosie, baka naman makikipagkita kalang kay Misbeh mo? " si Sam.
"hindi mo ba kami ipapakilala?" may naglalarong kapilyuhan sa mga mata ni Bill.
Natawa ako, kalingang hindi nila mahalata na may katotohanan ang mga hinala nila.
"bumalik kayo para lang dun? naniwala naman kayo?" sabi ko.
Sabay silang umiling. "alam ko namang ipapakilala mo rin yan sa akin" si Bill.
Natawa ulit ako, "pinsan ko lang yun, kinukulet ako!" sabi ko at napatayo na ng maayos.
"pinsan sa puso!" sabay nilang sabi.
Napailing ako. Natawa silang pareho bago tuluyang umalis. Pinagmasdan ko ang kotse nilang makalayo at makalabas ng gate.
Napatigil ako sandali, nagbabakasakaling nagtext si Smith sa akin. Napanguso ako nang wala akong makiang bagong mensahe nya.
Nakayuko akong naglalakad, nakasling bag ako at nakasabit ang white coat ko.
Nakayuko ako at nagbabakasakaling makita sya kahit sandali lang para magreet ko sya. Malay mo diba?
PPPEEEEEeeeeeeeeepppppp!!!!
Nagulantang ako nang biglang may huminto sa gilid ko na kotse, natakot ako pero nang makita ko ang mukha nyang natatawa sa loob ng kotse nya, para akong nabunutan ng tinik at natawa rin.
BINABASA MO ANG
Elite 3: Mr. ABSolutely Makulit
General FictionNaging: #1 sweetheart Miller's try and try love story! "nandito ka na naman?" nagulat ako sa presensya ng lalaking ito. Matibay ang pagkamakulit. Kahit araw-araw mong pagtabuyan, maaga pa sa araw kung bumalik. "yeah! hanggang nandito ka pa baba...