hi everyone, sorry kung matagal akong nakatulog. heheheheh... ang mahiwagang si lp nagdadrama na naman... thank you sa mga pangungulit. napangiti nyo ako ng sobra! :)
41
Dumaan ako ng dorm para kunin ang ilan sa mga libro ko. Doon narin ako magpapasundo kay Smith tulad ng nakasanayan naming gawin.
Nakahiga ako sa bed ko at nasa kisame ang mga mata ko, iniisip ko kung magpapasundo ako o dito nalang ako matutulog. Sa mga nangyari ngayong araw, parang wala ako sa mood kong makita sya. Ayaw kong magsimula ng gulo, baka kung makaharap ko sya hindi ko mapigilang maglabas ng sama ng loob sa lahat ng masasakit na sinabi ng kapatd nya.
Loka-loka nyang kapatid.
Well, ayaw ko rin naman konsintihin sya at hayaan nalang na magwala at insultuhin ako sa tuwing magtagpo ang mga landas naming dalawa.
Nakaidlip ako sa kakaisip nang biglang may kumatok sa pintuan, bumangon ako at antok na binuksan ito.
"hi ate Rose, pasensya na kung nagising kita. May lalaki kasi sa labas na pinapatawag ka"
Ngumiti ako at tumango. "salamat" inayos ko ang sarili ko at kinuha ang mga gamit kong inihanda kanina.
Napaangat ako ng tingin sa wall clock, napakagat labi ako nang makitang maghahating gabi na pala.
Pagkababa ko naabutan ko syang nakatayo sa labas ng kotse nya, napahaliikipkip ng mga braso nya at halatang nag-aalala.
"your not answering my calls beh, whats wrong?" pagod nya akong niyakap at pinagbuksan ng pintuan sa kotse nya.
"sorry nakatulog ako" kinusot ko ang mga mata ko habang nilalagay nya ang seat belt ko.
Hindi sya sumasagot, tahimik syang nagmaneho habang ako antok na antok na. Halos hindi ko na namalayan na nasa bahay na kami.
Uminat ako nang maramdaman ang lambot at lamig.
Napadilat ang isang mata ko nang makaramdam narin ako ng magaan na pares ng mga kamay na maingat na tinatanggal ang pares kong suot na sapatos.
Inayos nya ang pagkakahiga ko at nagpatiayon din ako sa bawat maingat nyang pag-ayos sa akin.
Dahan-dahan nyang tinanggal ang suot kong polo at bra, sunod nyang sinuot sa akin ang maluwag nyang shirt. Ganun din ang sa pangbaba ko, pinalitan nya ako ng pajama.
Gusto kong magdiwang sa saya dahil kahit nakahubad ako sa harapan nya, hindi ko naramdaman ang kahit anong interes sa mga galaw nya.
"good beh" isang mainit na halik ang dumapo sa noo ko.
Gustuhin ko mang surpresahin sya pero hindi ko na tinuloy. Pinatuloy ko nalang ang antok kong bumalot sa buong katawan ko.
Simula nang makapagfile silang apat, nakasanayan narin ni Smith na magbasa at mag review kahit kaunti tuwing gabi bago sya matutulog. May pustahan raw kasi sila, ang may pinakamaliit na score ang syang gagastos sa bakasyon this december.
Lumipas ang mga araw, nagsimula na narin ang duty ko sa hospital. Kapag nasa night duty ako, sinisikap ni Smith na makadalaw kahit maghatid lang sya ng dinner o midnight snack.
Minsan naman kapag nasa bahay sya nila, pinapadeliver nya nalang ito.
Ala una ng gabi at nasa ER ako. Napahiwalay ang duty hour ko sa dalawa kong kaibigan dahil sa mga schedule namin.
Umalingawngaw ang ambulansyang kadarating lang. Mabilis na sinalubong ng mga nurses ang pasyente at maayos itong pinosisyon sa bakanteng space.
Nagulat ako nang makita si Miller at Klitz na duguan. Mabilis kong sinilip ang pasyente at napaawang ang bibig ko nang makita si Mika na wala nang malay at duguan.
![](https://img.wattpad.com/cover/72312912-288-k54447.jpg)
BINABASA MO ANG
Elite 3: Mr. ABSolutely Makulit
Fiksi UmumNaging: #1 sweetheart Miller's try and try love story! "nandito ka na naman?" nagulat ako sa presensya ng lalaking ito. Matibay ang pagkamakulit. Kahit araw-araw mong pagtabuyan, maaga pa sa araw kung bumalik. "yeah! hanggang nandito ka pa baba...