2
CAMILLA:
Rosie girl, kay Klitz ako mgslip 2nyt. My dinner kc sa house nina Mika.Napangiti ako, masaya ang kapatid ko sa piling ni Klitz. Lahat ng hindi nya naranasan sa mahirap naming buhay ay ipinaranas sa kanya ni Klitz. Kahit may mali sa pagmamahalan nila, hindi ko sya kayang pintasan dahil masaya sya, masaya syang nagmamahal sa taong alam kong mahal din sya ng mas higit pa sa alam kong pinapakita ni Klitz sa kanya.
AKO:
okiez cookies! my duty din ako mamaya kaya okz lang. Tc sistur.Mag-isa akong umuwi galing ng school, usually kasi magkasabay kami ni Camilla pumapasok at umuuwi everyday, maliban lang kung on duty ako at may date sila ni Klitz. Simula kasi naging sila napahinto narin ito sa pagtatrabaho sa purple plate.
Napayakap ako sa sarili ko nang umihip ang mahinang hangin at nilipad ang mahaba kong shirt. Napangiti rin ako nang maramdaman ko ang mga balahibo kong tumatayo.
Nasa bukana na ako ng gate nang biglang may himila sa akin, hindi na ako nagtataka kung sino iyon dahil alam ko nang si Smith iyon dahil sa magara nyang kotse na nakaparada sa harap ng gate.
Nagpatiayon ako sa paghila nya para hindi kami makagawa ng eskandalo. Nang papasukin nya ako sa loob ng kotse nya at pinaupo hindi na ako umarte pa lalo na't may bagong pinalayas lang sa dorm dahil sa nagwala ito ito dito sa labas ng dormitory.
Pagkaupo nya, tinitigan nya ako agad pero ako nanatiling nasa harapan ang mga mata ko.
"sor---"
"its okay, nakalimutan ko na yun" nasa harapan parin ang mga mata ko.
Yumuko sya ng bahagya nang siguro mapansing wala akong planong kausapin pa sya.
"kung wala kanang sasabihin, aalis na ako" napaangat ulit sya ng tingin sa akin.
"Rose, about doon sa damit. Forget about it and thank you sa breakfast kanina umaga"
Nanatili akong nakatitig sa harapan, kung hindi lang kabastusan ang umalis dito at iwan syang nagsasalita ay ginawa ko na.
"dont worry hindi na kita eestorbuhin pa" tumango ako at tipid na ngumiti.
"sorry about sa damit, hindi ko naman sinasadya yun hindi mo kasi sinabi na bawal pala sa powder at ordinary soap ang tela non" napailing ako.
"its okay, damit lang yun" nagkatitigan pa kami.
Sa mahabang pagtitig ko sa mukha nya, ngayon ko lang narealize na may ikakabuga din pala itong taong gubat na ito. Maganda ang kanyang mga mata at manipis ang kanyang mga labi. Makinis ang pisngi at matangos ang ilong. Hindi nga lang talaga sya tulad ni Klitz na scene stealer dahil sa angas nitong mukha, si Kovda na head turner at boyfriend material ang dating ,pag sya ang boyfriend mo lahat ng babae maiinggit sayo dahil sa mapang-akit nitong ngiti, si Fred na chinitong gwapo, na bawat babae gustuhin syang maging asawa at ama ng mga anak nila. Suplado kasi at seryoso ang aura kaya level up ang mga naiisip mo kung makasalubong mo sya. Iba din pala ang aura ng isang ito. Sa bagay kung ito ang makakasama ko habang buhay, hindi ako magsasawa, hindi nakakasawa ang mukha nya. Cute, nakakaaliw parang bata. Batang hindi napagupitan at hindi napaliguan ang buhok.
Lumapad ang ngiti nya sa akin na syang pumukaw sa pagkalulong ko sa kakatitig sa kanya.
"gwapo ako noh?" nakangiti nyang sabi.
Para akong nabibingi sa sinabi nya. Kapal din ng mukha nya huh?
Mapait akong ngumiti at napailing, na kinatawa nya.
"alam kong gwapo ako at crush mo ako noh!" natakot ako sa sinabi nya. Tumaas ang isang daku ng labi ko at tinarayan sya.
"kung siguro tumaba kalang ng kaunti, tanggalin mo yang gubat ng kuto dyan sa ulo mo at magkamuscles ka, naku siguradong ako pa ang maghahabol sayo" natatawa kong sabi, "pero dahil impossibleng mangyari yan, imposible ring magkagusto ako sayo. Tama?"
Ngumiti ako ng maayos sa harapan nya.
"masyado ka na ngang mayabang, masyado din palang makapal ang mukha mo?" sabi ko at napailing ako.
"hinahamon mo ba ako Rosie Marie?" seryoso nya akong tinititigan.
"hindi ah, klaro na kayang hindi mangyayari yun so bakit pa kita hahamunin?" nakataas ang isang bahagi ng kilay ko.
Napatawa sya, napailing at tinuro pa ako.
"Tsk!" inis ko syang tinitigan. "wala kanang pag-asa, salamat sa breakfast at anyway sorry ulit" lalabas na sana ako nang bigla nya akong hinawakan sa braso ko para mapigilan ako.
"sige, bigyan mo ako ng tatlong buwan, kapag nagpagupit ako, tumaba at nagkamuscle anong kapalit?" seryoso ang mukha niya at may naglalarong kapilyuhan sa mga titig nya.
Nilingon ko sya. Napatawa ako sa seryoso nyang pagkagat sa sinabi ko. "seriously Smith? Are you okay?" nangunot ang noo ko.
"well, matagal narin akong nabobored dahil walang challenge ang life ko. Maybe i can take your suggestion as a challenge" sabi nito.
Natawa ako, "bahala ka!" babawiin ko na sana ang kamay ko nang bigla nya akong hinila palapit sa kanya at mabilis nyang nahawakan ang mga pisngi ko, hinalikan nya ako.
Ito ang unang halik kong natanggap na kakaiba sa pakiramdam, para itong halik na naglalambing, ang kaninang umaga kasi ay pilit at nakakadiri. Pero ito para akong nahulog sa bitag nya lalo na nang maramdaman ko ang dila nyang masuyo akong inaalok nitong pasukin.
"kung magagawa ko ang challenge na yan sa loob ng tatlong buwan, magiging akin ka Rosie Marie Singson at tandaan mo, akin lang" at pilyang ngumiti.
Kabado akong napatitig sa kanya, tinulak ko sya at inayos ang suot ko. "nasisiraan ka na talaga ng ulo!" inis akong lumabas sa sasakyan nya at mabilis na pumasok ng dorm.
Pagdating sa kwarto namin ni Cam, mabilis na nanghina ang mga tuhod ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito, nagagayuma na siguro ako.
Kabado ngunit kinikilig ako, ilang besis akong pumikit at pinilit na iwala sa isipan ko ang nangyari bago lang pero napamulat nalang ako at nabigla nang madatnan ang sarili na nakahawak na sa labi ko ang mga kamay ko.
Ginulo ko ang buhok ko at ilang besis na sinabunutan para mahimasmasan pero bwesit nakangiting mukha ni Smith ang naiisip ko.
Maaga akong naghanda para sa duty ko. Sa tuwing may duti kami, required kaming magsuot ng uniporme naming puti na may logo ng school, para lang itong blazer na kulay puti, ID at presentableng damit sa loob, bawal kaming magsuot ng maong at shirt.
Alas nuebe na ng gabi, nakaisang round na ako, eleven to twelve ang next kong round. Pumasok ako sa quarter namin para makapagsimula na agad magsulat ng data sa observation ko.
"uy blooming!" tukso ni Bill. Napanguso ako at napailing.
"anong trip mo?" tanong ko sa kanya.
"echus! Pakunwari ka!" bulyaw nya. "kayo na ni Smith noh?" tanong nya bigla kinalaki ng mga mata ko.
"hoy Billinda anong nakain mo at naisip mo yan?" nagulata ko sa sinabi nya.
"oo na ideny mo pa Rose, kahit pinahatiran ka na nya ng midnight snack oh!" tinuro nya ang J.Co na box ng donuts at hot swiss coffee.
"uy, ako na naman ang pagbibintangan nya kahit galing yan sa pasyente nya?" natatawa kong sabi, gawain nya kasi ito para hindi sya maitukso sa mga matatandang nagkakagusto sa kanya na mga pasyente nya.
Natawa sya, "totoo na to gaga!" natatawa nyang sabi.
"Pinahatid nya rito, ang sabi pa nga ng naghatid na sigaraduhing makarating sayo." binuhat nya ito at inabot sa akin. Tinanggap ko naman.
"nakarating na diba?" sabi nya at kinuha agad. "kainin na natin!" natatawa nyang sabi.
"Paano mo nasabi na Kay Smith ito galing?" Nagtataka ako sa kanya, ayaw kaya nitong maniwala kaninang umaga sa sinabi ko tapos ngayon nanghula pa ng taong sender ng kinakain nya ngayon.
Kumakain na ito nang tinuro nya sa akin ang resibo na may pangalan ni Miller as sender.
Hindi pa ako nakaupo, umilaw na ang phone kong nasa harapan ng monitor ko.
Unknown Number:
Dear Future WIFE,
please eat and rest.
Love,
your future HUSBAND! :pNapailing ako, sira ulo talaga ang lalaking ito.
Nunka kung replayan kita! Duh? Manigas ka!
![](https://img.wattpad.com/cover/72312912-288-k54447.jpg)
BINABASA MO ANG
Elite 3: Mr. ABSolutely Makulit
Ficción GeneralNaging: #1 sweetheart Miller's try and try love story! "nandito ka na naman?" nagulat ako sa presensya ng lalaking ito. Matibay ang pagkamakulit. Kahit araw-araw mong pagtabuyan, maaga pa sa araw kung bumalik. "yeah! hanggang nandito ka pa baba...