ABS 62

13.5K 466 96
                                    

grabe na talaga ang mga comments nyo... salamat po talaga sa suporta nito. 


62

Halos isang taon na ang nakalipas, unti-unti na akong nakabangon sa pagkadapa ko sa pag-ibig.

"alam mo Rose dito sa Japan may paniniwala sila na makakalimutan mo lang ang nakaraan mong minahal kong may papapasukin kang bago sa puso mo" si Cristy. Isa rin syang pinoy na katrabaho ko.

"Cristy kahit wala tayo sa Japan, ganun naman talaga ang pattern ng buhay noh" sagot ko.

"alm mo naman pala eh, bakit hindi mo subukang buksan ulit ang puso mo?" tanong nya.

"hindi pa siguro ako handa para dyan, ayaw ko ring manggamit ng tao para lang makalimot sa nakaraan o kalimutan ang sino mang nanakit sa akin" napangiti akong sinipsip ang kape ko.

"naku Rose, huwag kang maniwala dyan kay Cristy" sigaw ni Irah mula sa mesa nya. "sya nga walang buhay pag-ibig eh!" pahabol pa nito.

"ang sakit ha?" sagot ni Cristy. "wala akong lovelife pero at least may naitutulong para sa kaibigan hindi tulad sayo. Tinatakbuhan ang damdamin!" parinig niya kay Irah.

"wow naman!" lumapit si Irah sa mesa namin hawak ang kape nya. "wala akong tinatakbuhan, swerte nya naman kung ganon noh?" umirap sya sa harapan ni Cristy.

"maniniwala lang ako na hindi mo sya tinatakbuhan kong kaya mo na syang harapin at palayasin sa harapan mo" si Cristy.

"anong ibig mong sabihin ha? Na patutubuan ko ng kabute ang mukha ko para lang kumapal at gawin yang gusto mong mangyari?" inis syang sinagot ni Irah.

Kung pagmamasdan, parang nag-aaway pero ang totoo ganito lang talaga sila mag-usap kaya tuloy para lang akong nanonood ng debate minsan.

"artista sya teh, eh ako?" tinuro ni Irah ang sarili nya. "dakilang tangang umaasa na seryosohin nya naman sana?"

Napanguso ako, is he talking about Alex? Si Irah?

"artista nga hindi ko naman kilala, duh? Kaya ako ang pag-asa mong magkaroon ka ng lakas ng loob na harapin sya" nakangiting sabi ni Cristy. "ang haba kaya ng hair mo para gastusan ka ng modelong yun makita kalang pero ikaw naman tong pakipot na nagtatago"

"si Alex ba yan?" nangunot ang noo ko.

"hindi ha?" agad na sagot ni Irah.

"kita mo na teh? Naku! ganyang-ganyan ang mukha ni Lola Teodora ng tinanong sya kung napadaan ba sina Bonifacio sa bahay nya" kumaway pa ito sa harapan ni Irah.

Tawa namin ni Irah ang sumunod na umalingawngaw sa harapan ng mesa ko. Minsan talaga ang mga hirit nila ang nagpapatawa sa akin, nagpapasaya at panandalian kong nakakalimutan ang problema ko sa puso.

Pakiramdam ko bumabalik na sa dati ang lahat. Binisita ako nina Bill at Sam. Gaya ng dati, shopping at gala ang ginawa namin. Buti nalang at nakapag-ipon na ako ng kaunti. Kahit libre nilang pareho ang gala namin, hindi parin maiwasan ang makapaglabas ako ng pera galing sa bulsa ko.

"Rosie, Han will be here later. If ever im inside the meeting please attend him while waiting for me." si Madam.

Mabait sya sa akin. Sabi nya kasi nakikita nya ang sarili nya sa akin. Nagsikap syang magtapos at maging sikat na japanese designer kahit mahirap lang sila.

Nagbow ako bilang respeto sa kanya.

Nasa mesa ko lang ako. Nakilala ko na si Han, lagi rin kasi syang bumebisita rito. Tinutukso nga ako ni Cristy sa kanya pero hindi pa talaga ako handa, hindi ko pa ata kaya magkagusto, kahit nga crush hindi rin.

Elite 3: Mr. ABSolutely MakulitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon