Maraming salamat po sa mga nag-antay... Sana po magustuhan ninyo ito.
63
Nasa loob ako ng kwarto at pumipili kong ano ang susuotin para mamayang gabi. Ang text ni Han, casual and comfortable raw. Kaya nilabas ko lahat ng casual dress ko at ilang casual dress rin ni Irah na pwede kong masuot.
"nakapili ka na ba ng susuotin mo?" si Irah, may dala syang paper bag.
"hindi pa nga eh. Gusto ko sana yung simple lang pero elegante" nahihiya kong sabi.
"sexy kamo para maglaway si Smith noh?" umirap sya at binaba ang paper bag nyang hawak.
"garabe ka naman, hindi ha?" kinuha ko ang bag nya at sinilip. May isang green na damit roon na bagong bili. Tube type at fitted sa katawan ko. "kanino to?"
"pinabibigay ni Cristy. Hindi nya pa raw yan nagamit. At tsaka may jewelries narin dyan para magamit mo." nakangiti nyang sabi.
"ang gara ng babaeng na yun" napanganga ako ng makita ang mga jewelries na pinadala nya.
"ambisyusa yun kaya nag-iipon ng mga bato!" mataray nyang sabi.
Kinuha ko ang isang round shape na diamond ring at pinakita sa kanya. "ano to? Kasali ba to?" naglalaro kasi sa isipan ko na parang engagement ring ang singsing na yun.
"ay oo pala" umupo sya sa tabi ko. Malapad ang ngiti at kinuha ang singsing. "kinausap namin si Han kahapon at may pinapagawa kami sa kanya" excited nyang sabi.
Nangunot ang noo ko. Close talaga si Han sa kanilang dalawa dahil mas matagal na nilang nakasama ito pero ano na man kaya ang naglalaro sa isipan ng mga ito. "anong sabi nyo?"
"may binigay kaming task, dapat magpretend syang boyfriend mo o fiancee mo para hindi si Smith makalapit sayo at maninigas sya sa inggit." mataray nyang sabi. "malay mo kasama nya yung babae nya, anong mangyayari sayo magpatutunaw ka nalang ba sa awa?" inis nyang sabi.
Natawa ako sa naisip nilang dalawa.
"nakakahiya naman kay Han" nahihiya ako. Baka sabihin nyang inimbita na ngalang kita may kung ano kapang dramang alam.
"alam mo okay lang yan kay Han, go yan. Mabait yun kaya dapat sakay ka lang!" kumindat sya.
"at ito?" itinaas ko ang singsing sa ere para makita nya.
Natawa sya, "sabi namin dapat magkunwari kayong engage para masabi ng Smith na yun na move ka na teh, hindi ka na stranded sa traffic ng pagluluksa at kasawian" kinuha nya ang singsing na hawak ko at isinuot ito sa kamay ko. "bagay noh? Bruhita talaga kasi si Cristy ang daming alam na paubra!" pumalakpak sya sa ere.
"parang hi--"
"tanga ka kapag hindi mo sasakyan itong naisip naming paraan para sayo. Pasalamat ka at mabait si Han, hindi lang magaling gumawa ng mga games, magaling din yun maglaro at magkunwari. Kaya dapat ayusin mo ang pagdadrama mo para hindi ka magmukang kaawa-awa" pagtataray nya.
Napangiti nalang ako at napatango. Sabagay may point sila. Kung revenge naman talaga ang plano kong ibigay kay Smith dapat gagalingan ko para hindi ako ang kawawa sa huli.
Lalabas na sana sya nang may naisip akong itanong. "nagkita na ba kayo ni Alex? Pupunta rin sya diba?"
Nagtaas sya ng kilay sa akin. "pakialam ko? Close ba kami?" umiling sya at lumabas. Maldita talaga.
Nagsimula na akong magligpit ng mga kinalat kong mga damit at naligo na agad.
Alas syete ang sinabi ni Han na susunduin ako. Walang tigil ang tilian at panunukso ng dalawa nang dumating si Han na may dala pang bulaklak.
![](https://img.wattpad.com/cover/72312912-288-k54447.jpg)
BINABASA MO ANG
Elite 3: Mr. ABSolutely Makulit
Ficção GeralNaging: #1 sweetheart Miller's try and try love story! "nandito ka na naman?" nagulat ako sa presensya ng lalaking ito. Matibay ang pagkamakulit. Kahit araw-araw mong pagtabuyan, maaga pa sa araw kung bumalik. "yeah! hanggang nandito ka pa baba...