thank you po sa lahat ng sumuporta nitong kwento. sa lahat ng nag-antay at nagbasa. hehehehehe... maraming-maraming-maraming salamat po. Sana suportahan nyo rin sina Alex at Irah.....
WAKAS
Dahil ako ang pinapili kung saan kami maghahoneymoon, pinili ko ang Thailand. Mas malapit, relaxing at gusto kong mapuntahan ang mga temples doon.
"beh, marami pang mas magandang lugar kesa sa Thailand, mas maganda sa Singapore o kaya sa Korea, Malaysia or Hongkong. Temples lang meron thailand" napapakamot sya ng ulo habang kaharap ang laptop nya.
"sige wag nalang, matutulog nalang ako for five days" inis kong sabi at lumipat sa nasa harapan nya.
Huminga siya ng malalim, inis na napakamot ng ulo nya at napahilamos ng palad nya.
After ng kasal lagi na akong bugnutin, pero hindi sya makaangal kasi anak nya ang bitbit ko sa tiyan ko. Pinagtatawanan narin sya ng mga kaibigan namin dahil lagi kaming nag-aaway. Ang mga gusto ko ayaw nya, ang mga ayaw ko ang iniinsist nya.
Hindi sya umimik, napailing lang sya at inis na isinara ang laptop nya. "delikado sa Thailand beh, i cant risk you both there. Of all the place in the world, sa iba nalang please?"
"sa panaginip ko nalang ako magbabakasyon, mag-iisang buwan na tayong kasal hanggang ngayon wala parin tayong napiling lugar. Hindi ba pwedeng sa Singapore ka at naman sa Thailand? Nakakainis na!" tinalikuran ko sya at inis na umakyat sa kwarto.
"beh!" pahabol nya.
Hindi ko sya nilingon. Patuloy ako at hindi na sya pinansin. Nilock ko ang pintuan ng kwarto at sa sofa nagpahinga. Nanood ako ng TV at sinikap na mawala ang stress ko habang kumakain ako ng cashew peanuts.
MISBEH:
Please open the door beh, ayan kana naman... :(
Tinapon ko ang phone ko at nagpatuloy ako sa pagkain at panonood ng TV.
Naririnig ko syang kumakatok pero binalewala ko. Bahala sya sa buhay nya. Ako pa ang kakalabanin nya.
IRAH:
Bebang matutuloy ba tayo this afternoon?
Excited kong tinabi ang kinakain ko at masayang nireplayan si Irah habang papuntang banyo para maligo.
Pagdaan ko ng pintuan, naririnig ko parin syang kumakatok kaya binuksan ko nalang kahit ayaw ko sana.
"finally!" pagod syang ngumiti.
Nagtaas lang ako ng kilay sa kanya at hindi sya pinansin. Kala nito close kami? Kapal!
"where ka pupunta?" tanong nya habang sinusundan ako hanggang banyo. Hinubad ko ang pares na pambahay ko at pumasok sa shower room.
Sumandal sya sa pintuan at pinagmasdan akong naliligo. Ilang araw na syang napapagod sa kakaintindi sa akin pero, napapagod narin ako sa kanya. Ako ang buntis pero parang sya ang naglilihi.
"saan ka beh?" sinundan nya parin ako kahit nagbibihis na ako. Pero hindi ko parin sya sinasagot.
"beh, please?" umupo sya sa harapan ko habang naglalagay ako ng lotion sa paa ko.
"beh?" napapikit sya sa inis nang hindi ko parin sya sinagot at lumipat ako sa ibang upuan.
Hanggang sa natapos na akong maghanda, hanggang sa nakababa na ako at hanggang sa naka labas na ako ng bahay. Sunod-sunuran lang sya pero hindi ko parin sya sinasagot at pinapansin.
Nang nasa gate na ako at binuksan ang payong ko, lalabas na sana ako at tatawag nalang ng taxi pero inunahan nya ako sa gate.
"okay na thailand na tayo!" sabay yakap sa akin.

BINABASA MO ANG
Elite 3: Mr. ABSolutely Makulit
Ficção GeralNaging: #1 sweetheart Miller's try and try love story! "nandito ka na naman?" nagulat ako sa presensya ng lalaking ito. Matibay ang pagkamakulit. Kahit araw-araw mong pagtabuyan, maaga pa sa araw kung bumalik. "yeah! hanggang nandito ka pa baba...