SALAMAT PO SA SUPPORT NYO PIPZ... MALAPIT NA TALAGA, sana hanggang sa huli susuportahan nyo ako.
69
MILLER'S POV .2
Im her fan for almost 4 years na. Huling taon na namin ngayon at gusto ko nang gumawa ng hakbang habang nandito pa ako sa school, lalo na't may connection na kaming dalawa. Si Camilla na girlfriend na ni Klitz.
"bakit kasi hindi mo nalang gayahin si Klitz, gawin mong mabilisan agad para wala kanang problema" si Alex. "paggising nya kayo na" ngumiti pa ito na parang nang-iinis.
Kahit kelan kung makabigay ng suggestion talaga ang lalaking ito napakawalang kwenta. Gagahasain ko yung mahal ko para lang maging kami? Pano kong kasuhan ako at mas lalong kamunghian?
Napailing akong hinarap sya at inirapan. "bakit hindi mo ginawa yan noon?" tanong ko sa kanya.
"kanino kay Mika?" diretsa nyang tanong. Napaangat naman si Shin ng tingin kay Alex.
"yun ang nakakatakot galawin, baka makasuhan pa akong child abuse at mabogbog ng iba dyan" napatitig sya paredeksyon ni Shin na kinailing lang ni Shin at nagtaas din ng kilay ito sa kanya.
"fuck you Lex!" si Shin.
Naispan kong magpadreadlocks para maiba naman. Naging head turner ako sa lahat dahil sa chuy kong buhok maliban sa kanya.
"gwapo sana kaso may gubat lang sa ulo" napalingon ako sa kanya nang marinig ko yan, "payatot pa akala mo naman kung sobrang gwapo" umirap sya na kinatawa ko. Sobra kana, maghintay kalang babae ka mapapasa akin ka rin. Tsumatsamba lang ako. Kumalma ka muna!
Sa inis ko, nag-isip ako ng plano paano ko sya makuha. By hook or by crook dapat mapapasaakin na sya kasi malapit na akong aalis dito sa IU.
"yuck! Your wearing that cheap shirt again?" si Olga, nandito sya ngayon para icheck ako kung may nabuntis na ba ako, may binabahay at may girlfriend na. Ewan ko ba sa babaeng ito. Takot mawala ako sa buhay nya. Kung hindi ko lang kapatid ko mag-iisip ako na may gusto to sa akin.
Napatingin ako sa suot kong damit. Give aways ito ng Tommy Hilfiger noong nagsponsor sila sa race namin. Limited kasi give aways lang.
"pwede ba? Pati ba naman damit ko kokontrolin mo pa?" inis ko syang iniwan sa mesa. Gutom pa naman sana ako nawalan na tuloy ako ng gana dahil sa mukha nya.
Naglalaro ng paulit-ulit sa isipan ko ang plano ko. Kaya naman pagdating sa school. Niyaya ko kaagad ang barkada na tumambay ng canteen dahil kunwaring gutom ako pero yung totoo, alam kong martes ngayon at nandito basta ganitong oras si Dr. Heart.
Nasunod ang plano ko na ilang araw ko nang pinag-isipan. Natapunan nya ako ng milktea, sayang ulam sana yung gusto ko pero atleast natapunan nya ako.
Nagsorry sya, pero iniwan ako mag-isa kaya ginawa ko na naman ang plan B kong irereport ko sya kunwari sa DSA para mapilitan syang makipagkita sa akin.
"s-sorry" namumutla syang lumapit sa akin. Maputi na nga sya, mas pumuti pa lalo.
Tumalikod ako at kinuha sa loob ng kotse ko yung damit na suot ko kanina. Nilahad ko sa kanya habang sinusulit ang pagkakataong masulyapan ang buong detalye ng mukha nya. Hiyang-hiya naman ang tigyawat kung uulbo sya sa makinis nitong mukha.
"especially made by Tommy Hilfiger, ako lang ang may damit na ganyan ang desenyo sa buong mundo kasi ginawa yan para sa akin lang. Alam mo ba magkano yan?" nagtaas ako ng kilay sa kanya.
Pagod syang umiling at yumuko.
"this can coast your whole medicine course expenses and tuition fees" napaawang sya at kitang-kita ko pa ang paglunok nya, damn! I wanna suck her flawless neck.
![](https://img.wattpad.com/cover/72312912-288-k54447.jpg)
BINABASA MO ANG
Elite 3: Mr. ABSolutely Makulit
Fiction généraleNaging: #1 sweetheart Miller's try and try love story! "nandito ka na naman?" nagulat ako sa presensya ng lalaking ito. Matibay ang pagkamakulit. Kahit araw-araw mong pagtabuyan, maaga pa sa araw kung bumalik. "yeah! hanggang nandito ka pa baba...