49
Maaga kaming nagising, pinagtulungan naming linisin ang kwarto nila. Buti nalang at nandoon na sa loob ng kwartong iyon ang malaking kama na pinagpilian ni Smith noon na gagamitin namin sa kwarto. Plano sana nyang iregalo nalang ito kay Tiya ngunit masyadong malaki para sa kwarto ni Tiya kaya natambay rito.
May sofa na sa loob, galing ito sa entertainment room na pinalitan nya dahil pinangigigilan ng dalawang alaga namin ang malambot na texture nito.
"Rose anong kulay ng bed cover ang ilalagay natin?" Nilingon ko si Mika na hawak nya ang mga kobre kama. Maaga ko silang tinawagan ni Camilla para tulungan akong maghanda at maglinis.
"what do you think?" kinakabahan ako, ang sabi kasi ni Smith metikuloso ang kuya nya, malinis raw ito sa mga gamit nya.
"relax Rose, makikitira sila pansamantala, hindi titira dito habang buhay" umirap si Camilla.
Ngumiti ako, ganito lang talaga ako kabado kapag napepressure.
"Aqua green and blue green comforter nalang teh" si Camilla ang pumili. Pinatulungan naming tatlo na maayos ang kama habang si Manang Luz naman ay nasa kusina at naghahanda ng pagkain.
Matapos naming linisin ang kwarto, pinaandar ko narin ang aircon para malamig na pagdating nila.
Bumusina ang kotse ni Smith sa labas, napatayo ako ng tuwid at huminga ng malalim."relax girl" si Mika.
Pumikit muna ako ng mga mata ko at huminga ng malalim bago lumabas ng bahay. Sinalubong ako ng halik ni Smith sa pisngi, "beh si Kuya and si Ate Vienna" pinakilala nya ang lalaking kasing tangkad nya ng kaunti, mestizo at namumula ang pisngi.
Ngumiti sya ng lumapit ako para batiin sya at nakibeso-beso sa kanya.
Nasa tabi nya ang asawa nyang morena na kamukha ni Bangs Garcia. May malalim na mga dimples ito, hurmado ang hubog ng katawan at mas matangkad ako sa kanya. Singkit ang dulo ng mga mata nya at matangos rin ang ilong.
"Congratulation pala" bati nya sa akin. Niyakap ko sya at nakipagpalitan ako ng ngiti sa kanya. Napayuko rin ako sa batang nasa tabi nila, maliit at chinita rin.
"Kuya si Camilla, kapatid ni Rose at asawa ni Klitz, si Mika naman asawa ni Fred" ngumiti ang dalawa sa kanila.
Sabay kaming pumasok sa loob ng bahay. Napatingin sila sa malaking painting na gawa ko. Simply lang naman ito na pinasobrahan lang ni Smith ang ang boarder nagmukha tuloy mamahalin.
"you like painting?" tanong ng kuya nya.
Nahihiya akong tumango, "libangan lang"
"ako rin, mahilig ako sa paintings pero hindi ako marunong magpaint" sabi nya. "maganda, abstract impressionism" dagdag nya.
"i told you, maganda"kumindat si Smith sa akin habang ang isang kamay nya nakabalot sa beywang ko. "thank you for this" bulong nya sa akin.
Pabiro ko syang siniko at ngumiti.
Sabay kaming kumain, nagkwentuhan muna at maya-maya sabay na umalis ang magkapatid habang naiwan naman ang asawa at anak ng kuya nya. Nagpahinga sila sa kwarto nila habang kaming tatlo nina Mika at Camilla ay naggrocery muna.
Gabi na nang dumating ang magkapatid, kumain lang sila at nagpahinga na agad.
"how's your day?" pagod akong niyakap ni Smith pagkatapos nyang isuot ang damit pantulog nya.
"okay lang naman beh, nag-enjoy akong maggrocery kasama ang dalawang makukulit" sagot ko habang inaayos ko ang damit nya. "ikaw? How's the meeting?"
BINABASA MO ANG
Elite 3: Mr. ABSolutely Makulit
Aktuelle LiteraturNaging: #1 sweetheart Miller's try and try love story! "nandito ka na naman?" nagulat ako sa presensya ng lalaking ito. Matibay ang pagkamakulit. Kahit araw-araw mong pagtabuyan, maaga pa sa araw kung bumalik. "yeah! hanggang nandito ka pa baba...