ABS 10

15.1K 392 5
                                    

Hi Yana...read pa more! XNotYours_YanaX

10

Hindi ko naisip na sobrang sampung oras pala ang layo ng pupuntahan namin. Akala ko ay may tatlo hanggang apat na oras lang. Ang lugar na ito ay isa sa mga beneficiary ng school namin.

Sa dating monasteryo na ginawang convention lodge kami titira sa loob ng labin-limang araw, tapos lilipat kami para sa natitirang kalahati sa hospital quarter para mag-assist sa hospital nila ng full time. Isang paupahan ang pinareserve ng college namin para sa mga estudyanteng tulad namin.

Nalowbat ako dahil hindi kinaya ng phone ko ang haba ng byahe lalo na't sira narin ito.

Pagkacharge ko ng ilang sandali, binuhay ko agad ito para matext si Tiya at Camilla. Pero nagulat ako na puro galing kay Smith ang mga text na dumating.

Unknown Number:
Beh, i cant reach u. Wats hapening?????

Napangiti ako, nakaramdam ako ng kaunting ginhawa mula sa nakakapagod na byahe. Hindi ko alam kong anong tawag dito pero masaya ako.

Pinalitan ko ang pangalan nya sa phonebook ko para naman hindi na ako magtaka kung sino ang gumegyera sa akin ng mga text at miscalls.

MISBEH:
Text me soon. Im worried.

MISBEH:
Beh? Nakarating na b kau?

MISBEH:
I cant sleep, im thinking about u!

MISBEH:
R u fine?

MISBEH:
Please dont skip your meals!

MISBEH:
I cant reach u beh!

Napailing ako dahil halos ilang besis nya pang-isend ang mga text nya. Wala tuloy akong choice kung hindi imarked all nang read!

Tatayo na sana ko nang may humabol pang text, delay narin kasi may isang oras narin itong nakalipas.

MISBEH:
Hope to read your text after my practice. I miss you my behbeh girl.

Napangiti akong nagreply, napapikit pa ako nang biglang umiba ang kiliting nararamdaman ko sa loob ng tiyan ko.

Ako:
Just arrived! Im safe and sound. Tnx.

Hinayaan ko munang magchrage ito hanggang mafull, sumama ako sa mga kasama kong naghanap ng makakainan sa labas ng monasteryo.

Sa isang carenderia kami nakakain, balbakwa at nilagang baka ang specialty nila. Kaunti lang ang inorder ko lalo na't hindi naman kalakihan ang dala kong allowance. Nakaasa lang ako sa padala ng kuya ko at allowance galing sa scholarship ko.

"Rose libre na kita" nagulat ako sa sinabi ni Aaron.

"naku huwag na, nakabayad na ako. Salamat A" ngumiti ako sa kanya at tumabi na kay Bill, ayaw kong gumawa ng hakbang na pagmulan ng tuksuhan.

"Kami A, hindi mo ililibre?" si Miel.

Napatawa si Aaron at napakamot nang mabilis na pinalista nina Miel at Fe ang inorder nila.

"ang swerte talaga ni Rosie, my kagaya sya ni Aaron gwapo na, matalino pa at galante" si Fe.

Napangiti ako, "kaibigan natin sya lahat so lahat tayo may Aaron" at binalik agad ang atensyon sa pagkain ko.

"pero espesyal ang Aaron na para sayo" si Miel.

Napatawa ang mga kasama ko at napadaku ang mga mata ko kay Aaron na malapad ang ngiti. Kahit mabait sya at matalino, iba parin ang gusto ng puso ko.

"naku nandito tayo para sa community service ha, hindi para magka -iiiii - bigan" sabi ng guro namin. Napangiti ako at naunang tumango lalo na't nasa akin ang mga mata nya.

"Maam, pampagana lang" si Fe.

"oo nga Maam, boring kasi talaga ang buhay ni Rosie. Masyado na syang matalino para magbabad pa lalo sa pag-aaral" si Miel.

"hay naku, kung katulad nyong dalawa naman na halos gumagapang ang grades, mas gustuhin ko pang huwag pakialaman si Singson kesa matulad sya sa inyong tamad mag-aral" natawa si Bill sa sinabi ni Maam. Matandang dalaga kasi kaya ganyan makareact. Pakiramdam mo maaawa ka kasi lahat raw ng relasyon nya paasa ang mga nangyari.

"wagas ka naman maam makapagsalita, ayaw mo bang may magkatuluyan sa grupo mo?" si Fe.

"abay sinong papayag na mapahamak ang grupo dahil lang sa inyong dalawa?" mataray na sabi ni Maam na kinatawa namin lahat.

"tigilan nyo na nga yan Miel and Fe, isa lang ibig ipahiwatig ni maam sa inyong dalawa" napailing si Aaron. "hindi sya boto sa akin para kay Rosie" nagulat ako sinabi nya.

"Isa ka pa" tinuro sya ni Maam gamit ang tinidor nya, "nakakahiya lang na mas matalino ang babae kesa sayo" napailing ako.

Bumelat si Bill kay Aaron, may gusto sya kay Aaron matagal na. Manhid lang talaga siguro si A para hindi mapansin ito.

"Naku Rose, dapat katulad din ni Klitz Blake ang maging boyfriend mo para hindi ka malamangan ni Camilla" si Sam.

"dalawa nalang ang bakante sa kanila noh, si Smith at Kovda nalang, kung ako sayo huwag nalang silang dalawa sasakit lang ang ulo mo sa magiging bashers mo na fans nila" si Lea.

"oo nga, si Aaron nalang kasi, walang fans, wala kang bashers!" si Miel.

Napailing ako sa mga sinasabi nila, "wala pa talaga akong panahon para dyan" nagpatuloy ako sa pagkain. Pero sa isipan ko naglalaro ang mga sinabi ni Lea, maraming fans si Smith, imposibleng hindi sila gagawa ng paraan para guluhin ako.

"mukha at pera lang naman ang meron silang dalawa, bakit kung naging mahirap din sila katulad natin do you think ganyan pa kaya sila ka sikat?" si Jess.

"oo nga, tapos itong mga babaeng uto-uto naman kala mo sila lang ang gwapo sa campus" si Kurt.

"hoy, magdahan-dahan ka nga." saway ni maam. "Mautak ang mga iyon, laging nasa top 10 ang mga iyon sa exam. Knowing na more on math pa sila, eh kayo?" nagtaas sya ng kilay sa tatlong lalaking kasama namin. "mga pangit na nga, hindi ko rin alam kong may laman ang utak"

Natawa ang lahat sa sinabi ni Maam, kawawa tuloy ang mga kasama naming mga lalaki.

"alam nyo, hayaan nyo na sila kasi kahit di sila makatapos mamatay parin silang mayayaman, eh kayo? Kung hindi makapasa dito sa kangkongan ang bagsak nyo" inis na sabi ni Maam.

Hindi na natuloy ang tuksuhan dahil nagsimula nang magbigay ng instruction si Maam about sa duty hours at mga requirements.

Umuwi kami agad at matagal kaming tumambay sa terasa ng Lodging house, nagpaluto pa si Maam ng mga barbecue para sa amin sa ihawan nila. Nagbiro pa syang minsan naman daw ay maging pasaway para pagbigyan ang mga gustong lunukin ng lalamunan namin.

Matapos ang meeting, nahati agad kami, kami ni Bill ang magkasama sa kwarto. Napasilip agad ako sa phone ko kung may mensahe. Napangiti ako nang makita ang 78 missed calls, 18 messages. Napaangat ako ng tingin sa wall clock at nakitang alas aalauna na pala ng gabi.

MISBEH:
Beh?

MISBEH:
Yeah ur tired. Nyt2. Miss u beh!

MISBEH:
Just got home! Super tired!

MISBEH:
Can i call?

MISBEH:
Can we talk for a while?

MISBEH:
Still up?

MISBEH:
Miss u behbeh ko!

MISBEH:
I Love u beh

Napangiti ako. Kahit ideny ko man, kinikilig parin ako sa mga text na nababasa ko.

Ako:
Katatapos lang namin magmeeting. Sori. Take a rest Smith. Goodnight!

Binaba ko ang phone at napaangat ulit ng mata sa orasan, malapit na mag-ala una ng umaga, pero hindi pa man ako nakatayo tumunog na agad ito.

MISBEH Calling ~ ~ ~

Elite 3: Mr. ABSolutely MakulitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon