13
Ginugol ko lahat ng oras ko sa community service namin. Instead na maglugmok, inenjoy ko ang lahat ng pwede kong magawang magpapasaya sa akin.
After a month lumipat na kami sa ibang place, this time four hours away nalang kami sa UI. Anytime pwede na akong umuwi at makipagkita kay Camilla. Nagdududa narin ako bakit minsan nalang sya nagpaparamdam.
May ibang kutob na naglalaro sa isipan ko, pero ayaw kong sakyan ito lalo na’t walang maling akala sa mundong ito.
Ako:
Cam kita tayo sa Hans mall, just wana see u sis. Miss u.Naisip kong sa Hans kami magkita kasi yun ang pinakamalapit pareho sa amin. Three hours away sa akin, at almost two naman sa kanya.
Nag-overtime ako kagabi para mafree ako ngayon. Nagpaalam ako sa Professor ko na makikipagkita ako sa kapatid ko. Mabuti naman at pumayag sya na wala nang ibang sinabi sa akin.
Nakapolo shirt ako at blue skinny jeans. Gusto kong komportable ako sa byahe allao na’t mag-isa lang ako at dalawang bus ang sasakyan ko.
Pagdating ko roon, naabutan ko sila ni Klitz na nagkukwentuhan. Sa labas kami ng Mall sa open park nito. Ang alam ko pagmamay-ari ito ng pamilya nina Seigfred Han.
Napangiti ako nang makita silang masayang nag-uusap. Makikita sa mukha ni Camilla ang saya nya sa tuwing napapatitig sya kay Klitz. Siguro nga sya lang ay swerte sa pag-ibig.
Nakangiti akong umupo sa harapan nilang dalawa na kinagulat nila.
“Rosie!” masaya akong niyakap ni Camilla habang si Klitz naman ay napangiti lang.
Napatingin ako sa pagtaba ng balakang ni Camilla.“tumaba ka ata?” sabi ko na tipid nyang kinangiti agad.
“hindi naman, sakto lang” nakanguso nyang sagot.
Napaangat ako ng tingin kay Klitz na syang mabilis nya namang kinayuko. Unang besis ko syang makita ng ganito kalapit, tama nga ang sabi-sabi na kakaiba ang mga mata nya, na para syang greek god at napakaswerte ng kapatid ko sa kanya.
“Rose, may sasabihin ako sayo” kinakabahan nyang sabi.
Napapikit ako at napatango, hindi na sya nagsalita dahil siguro nababasa nya na ang naglalaro sa isipan ko. Buntis sya, sino pa naman ang hindi kung halos live in na sila ni Klitz. Partly my fault for allowing her to explore her own freedom.
“ilang months na?” nagulat silang dalawa sa tanong ko.
“paano mo nalaman?” nagtatakang tanong ni Klitz
“magiging doktor ako, diba?” nakangiti kong sabi sa kanilang dalawa.
“ikaw Camilla? When do you plan to bring this man to meet Tiya and Kuya?”
Napayuko sya, i know natatakot sya. I understand.
Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Tiya.
“anong ginagawa mo?” natatakot nyang tanong. Ngumiti ako at umiling.
“Tiya, magandang umaga!” bati ko.
[anak, kamusta?] mabait na boses ni Tiya. Mabait naman talaga si Tiya, understanding at napalambing pa.
“Tiya si Camilla, may problema” mahina kong sabi.
[naku, siguro tama ang kutob ko] natawa ako sa sinabi nya. Sinabi ko na kasi sa kanya na laging natutulog si Camilla sa boyfriend nito.
Pinagsabihan na sya pero matanda na si Camilla at ayaw ni Tiya na naramdaman naming mahiigpit sya lalo na’t naging masunurin naman kami sa kanya. Siguro nadala lang si Cam ng pag-ibig kaya sya maagang bumigay.
![](https://img.wattpad.com/cover/72312912-288-k54447.jpg)
BINABASA MO ANG
Elite 3: Mr. ABSolutely Makulit
Ficción GeneralNaging: #1 sweetheart Miller's try and try love story! "nandito ka na naman?" nagulat ako sa presensya ng lalaking ito. Matibay ang pagkamakulit. Kahit araw-araw mong pagtabuyan, maaga pa sa araw kung bumalik. "yeah! hanggang nandito ka pa baba...