--
Jeremy Rafael Pimentel ♥
--
Shana's POV.
"Kumain ka dyan Shana kundi isusumbong talaga kita kay Mommy!" utos ni Shaun sakin.
Hanggang ngayon, di pa rin ako maka-recover sa nangyari. Ang sakit eh. Sa lahat ba naman ng mawawala, bakit iyong importanteng tao pa sa buhay ko di ba? Ang sakit lang! Para akong ginagago ng tadhana.
"Sa tingin mo ba makakakain pa ba ako sa lagay na 'to kung wala na 'yung tao na nagbigay ng saya sa buhay ko?" pabalang kong sabi sa kanya.
Di ko maiiwasan na maging bastos sa pananalita pero di kasi ako maka-get over. At eto pa, si Jed na coma at hindi ko alam kung bakit kasi ayaw ni Zhello mag-open up sa topic na 'yun. Naiinis na lang bigla tapos mag-w-walkout kala mo si Jin.
Nilapag ni Shaun 'yung kubyertos sa side table ng hospital bed. Nakita kong napabuntong-hininga siya at halatang pinipigilan niyang magalit sa akin.
"Shana, kung di ka aayos magagalit ako! Di lang ikaw ang nasaktan, ako rin! Nasasaktin din ako! Kaya wag mong isipin na ikaw lang yung nakakaramdam noon kasi ako, nagsisisi ako na hindi ko ginawa 'yung dapat kong gawin dahil huli na ang lahat. Huli na ang lahat." Nagulat ako dahil nakita ko ang pag-iyak ng kambal ko. Umiiyak ba siya dahil kay Jed o dahil kay Jeremy?
"Paanong huli na ang lahat? Ano bang ibig mong sabihin? Sino bang iniiyakan mo Shaun?" tanong ko.
"S-si Jin,"
"Oh, ano meron sa kanya? Di ba galit ka sa kanya?" sabi ko.
"Oo, galit ako sa kanya at nagagalit ako sa sarili ko kasi ang tanga ko! Napakalaki kong tanga! Wala man lang akong nagawa eh! Wala! Kasi patay na siya! Iniwan niya na ako! Iniwan niya na ako, iniwan niya na ako Shana." Napahagulgol si Shaun sa harap ko. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Patay na si Jin?
"'Yon ba 'yung dahilan kung bakit ayaw sabihin ni Jed sa akin ang napag-usapan nila kaya ba sa tuwing binabanggit ko ang pangalan ni Jin ay napapaiyak siya kasi patay na si Jin?" tanong ko.
Nakita ko ang dahan-dahan na pagtango ni Shaun kasabay ng pagbagsak ng kanyang luha mula sa kanyang mata.
BINABASA MO ANG
The Devil's Kiss (Bitchers Series #1) ✔
Mystery / ThrillerShana Elykah Illustre, the angel incarnate and very opposite version of her dearest best friend Kassandra Styte, faces difficulties in overcoming her unknown sickness na pilit itinitago ng kanyang kambal na si Shaun Illustre. The sickness which make...