DK #25

214 9 2
                                    

Shana's POV.

Dito ako nagpalipas maghapon sa park malapit sa mansion. Hindi ko na inusisa si Zhello kasi balisa na at hindi na siya mapakali kaya hinayaan ko na lang na pumunta siya doon tingin ko kasi napakaimportante 'yon.

Nakaupo ako sa bench sa tapat ng seesaw at slide, naalala ko dito kami palagi ni Shaun naglalaro tuwing hapon kasama ng mga iba naming kaibigan.

"Kanina ka pa ba dito?"

"Ikaw na naman! Ano na naman ang ginagawa mo rito!" inis kong bulyaw sa kanya.

"Uh? Following you?"

"All day?! Okay ka lang?" inis kong tanong sa kanya.

"Its fine for me kasi lagi kitang nakikita at the same time nakakasama."

"Umalis ka na nga dito! Ilang beses ko ba sasabihin sa'yo na hindi nga kita gusto."

"Kahit ipagtabuyan mo pa ako, I will stay by your side. Kahit alam kong si Pimentel 'yung nasa puso mo nandito lang ako. Gusto kong bumawi sa mga kasalanang nagawa ko sa'yo."

"Kung gusto mong bumawi, lumayas ka sa paningin ko." Singhal ko.

Rinding-rindi na ako sa kanya. Magf-file talaga ako ng restriction order.

"Di kita pwedeng iwan ganitong wala si Pimentel para bantayan ka."

Napatingin ako sa kanya. Ano bang gusto niyang iparating?

"Ano bang gusto mong palabasin? Na hindi babalik si Jeremy? Nagkakamali ka doon." Sabi ko sa kanya. Babalik siya, nangako siya sakin.

"Babalik? Kailan? Mukhang matatagalan pa siguro ang pagbabalik niya Shana. Did he give you an assurance? Ano ang assurance niya sayo na babalik siya?" nakangisi niyang sabi.

Di ako makapagsalita sa mga sinabi niya. Parang may bumara sa puso dahil sa sinabi niya. Ano ngayon kung walang assurance pero alam kong babalikan niya ako at alam ko iyon. Babalik si Jeremy sakin kasi kami rin balang araw.

"Wala akong pakialam kung walang assurance kung babalik siya basta para sakin uuwi siya dahil kailangan ko siya!" singhal ko.

Nakita kong napakibit-balikat siya. Gustung-gusto ko siyang mawala dito. Bakit kasi nandito 'tong Fermosa na 'to?

"Wag ka ng umasa na babalik siya nandito naman ako eh. Maghihintay ako para sayo Shana kahit anuman ang mangyari. Sakin din ang bagsak mo."

"Naka-drugs ka ba? Alam mo umuwi ka na lang at matulog kasi mukhang di ka okay eh atsaka lumayas ka na sa paningin ko pwede? Ayoko kasing nakikita ang pagmumukha mo."

"Bakit gwapo ba?"

"Hindi eh. Mas gwapo pa rin si Jeremy eh kaya lumayas ka na dito."

Nagsimula akong mag-martsa paalis ng park. Uuwi na ako dahil panigurado hinahanap na ako ni Shaun, oa pa naman iyon kapag di pa ako nakakabalik sa mansion.

"Saan ka pupunta? Gusto mo hatid na kita?"

"No need baka sagabal lang ako. Umuwi ka na kaya ko na sarili ko." Sabi ko. Naiinis na talaga ako eh kung tawagan ko si Jared? One call away kaya 'yon?

Bahala siya basta ako uuwi ako at wala akong pakialam sa kanya, manigas siya di ko talaga siya papansinin.

"Bakit ngayon ka lang?" tanong ng kambal ko.

Di ko namalayan na nakarating na pala ako sa mansion.

"Naglakad-lakad lang ako sa park dyan lang. Teka, nakauwi na ba siya?" tanong ko sa kanya.

The Devil's Kiss (Bitchers Series #1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon