DK #34

258 8 0
                                    

Shana's POV.


Nandito ako sa meeting place na napag-usapan namin ni Kevin, ang park na malapit sa tree house nila Jin at Jensen.

Nakaupo ako sa benches at tanaw ang mga batang masayang naglalaro sa park, ganito rin naman kami dati eh pero simula nang dumating ang pangyayaring iyon wala ng naglakas-loob na bumalik pa dito sa park.

"Nauna ka pa sa akin dito? Sorry if I'm late, nag-usap kasi kami ni Jin." Sabi ni Kevin at tumabi sa akin. Inabutan niya ako ng ice cream kaya tinanggap ko iyon.

"Malapit lang naman kasi ito sa mansion kaya nandito agad ako at isa pa ayoko ng mag-stay sa bahay." Sabi ko at nakatingin sa hawak-hawak kong ice cream.

"Di ko alam kung ano ang sasabihin ko, you're the one who approach me first. I'm so fluttered my love." Nakatingin si Kevin at ngumiti.

"Baliw!" nakangusong sabi ko. Ngayon ko lang naramdaman itong kilig factor sa kanya, talagang mahal na mahal ko nga si Kevin.

"I'm sorry for what happened to you not my intention my love. Di ko gustong mangyari sa iyo 'yon, gusto kitang lapitan, gusto kitang yakapin hindi ko magawa. Hinaharangan ako ni Shaun that punk!" gigil na sabi ni Kevin.

Natawa ako sa mga sinabi ni Kevin talaga bang may galit siya sa kambal ko? Bakit kaya?

"By the way, ano pala ang pag-uusapan natin?" nagtatakang tanong ni Kevin.

"Naalala ko na ang lahat..." sabi ko at nakatingin sa kanya. Nag-iba ang ekspresyon sa kanyang mukha dahil sa sinabi ko.

"W-what? N-naalala mo na ang lahat?"nauutal na tanong ni Kevin. Dahan-dahan akong tumango bilang sagot sa tanong niya.

"Ikaw ba talaga ang first love ko?" tanong ko sa kanya. Natahimik siya sa tanong ko, gusto ko lang maliwanagan 'yung tipong sa kanya mismo manggagaling 'yung sagot kasi simula nang malaman ko na si Kevin ang mahal ko matagal na.

"Shana... yes I 'am." Nakayukong sabi ni Kevin kaya niyakap ko siya. Di ko alam pero masaya ako kasi sa kanya mismo nanggaling ang totoo. Sa ngayon, wala na akong mapagkakatiwalaan kundi ang sarili ko na lamang.

"I'm sorry..."

"Hindi mo naman kailangan mag-sorry dahil kasalanan ko iyon Shana kasi hinayaan kong mahalin mo si Jeremy. Ginawa ko naman lahat para pigilan si Jeremy pero wala akong nagawa kasi akala ko, akala ko nahulog ka na sa kanya ng tuluyan," Nakayukong sabi ni Kevin.

"Simula kasi noong mawala ang mga alaala mo, akala ko babalik ka na sa akin kasi makakalimutan mo na si Jeremy pero nagkamali ako... kasi 'yung pagmamahal mo na dapat para sa akin napunta kay Jeremy,"

"Ako dapat iyon Shana, ako dapat ang nasa pwesto ni Jeremy. Ako dapat iyon..." Pumatak ang luhang kanina pa pinipigilan ni Kevin na bumagsak dagli ko itong pinunsan gamit ang mga palad ko.

Niyakap ko na lang si Kevin ng mahigpit, he scarified everything just for me. Sobrang swerte ko sa kanya, walong taon ginawa niya ang lahat mabawi niya lang ako sa pag-aakalang naghihiganti siya sa amin ng kambal ko.

"Wag ka mag-alala kasi nandito na ako, sorry kung late ko na naalala ang lahat." Malungkot na sabi ko at hinarap niya ako.

"Kasalanan namin nila Jensen kung bakit nawala ang alaala mo. Tinatakot ko lang naman si Jeremy para layuan ka. Para kay Jeremy iyon eh kaso nagkamali ako kasi nasa likod mo siya kaya nang ibato ko iyong hawak kong panaksak, sinalo ni Jensen..."

"Eh paano nabuhay si Jensen kung nasaksak siya sa puso? Kevin, kitang-kita ng dalawang mata ko na nakatarak sa puso niya." Turan ko na naguguluhan.

Natawa siya nang nakita niya ang naguguluhang ekspresyon ko. Napanguso ako dahil sa pagtawa niya kaya naman inakbayan niya ako.

"Gumawa si Jensen ng clone niya kasama niyang gumawa noon si Renz, hindi alam ni Jin ang tungkol doon. Alam ni Renz ang plano namin at isinikreto niya iyon sa inyo."

"Kaya pala galit na galit si Jin kay Zhello nung binisita niya ako sa hospital noon dahil kasabwat si Zhello sa pagkawala ni Jensen."

"Karapatan naman ni Jin iyon kasi hindi naman niya alam eh tapos kami pa ang may gawa ng planong palpak. Hindi naman para kay Jensen iyon eh, ipapatama ko lang 'yon sa puno sa likod ni Jeremy eh ang kaso umisod siya papunta sa likod mo nang ibato ko 'yung kutsilyo. Walang nagawa si Renz at Jensen kundi 'yung clone ang gamiting pansalo para di ka matamaan." sabi ni Kevin at humiga siya sa lap ko.

Hinaplos-haplos ko ang buhok niya, napatingala ako sa ganda ng langit.

"Magkakaayos pa kaya sila? Kasalanan ko kung bakit di pa rin matanggap ni Jin si Jared eh..."

"Not your fault my love. Walang may kasalanan sa nangyari sa kanilang dalawa and besides kung ako ang nasa sitwasyon ni Jin, hindi ganoon kadali magpatawad lalo na kung 8 years siyang pinaniwala na patay na si Jensen. Naiintidihan ko ang galit niya pero mawawala rin 'yan everyone knows how much she loves that dumbass." natatawang usal ni Kevin at hinawakan ako sa pisngi ng marahan.

"Kev..." mahinang anas ko sa kanya.

"Yes my love?" nagtatakang tanong ni Kevin.

"I love you..."

"Kinabahan naman ako, akala ko kung ano sasabihin mo but well, I love you more..." natatawang turan ni Kevin at ninakawan ako ng halik. Dahil sa gulat ko sa ginawa eh napalo ko siya ng malakas sa dibdib.

"Argh! My love, ang sakit 'nun ah! Muntik na akong di makahinga dun." nakangusong sabi ni Kevin.

"Ikaw ba naman kasing nakawan ako ng halik eh hindi pa naman tayo! Abuso ka ah!" inis na sabi ko.

"Hey, pangalawang beses pa lang kita nahahalikan, remember?" nakangising sabi niya kaya napasimangot ako bigla.

Di ko na lang pinansin ang sinabi niya, tinuloy ko na lang paghaplos sa buhok niya.

"Are we okay now?" nakatingalang tanong niya.

Bahagya akong napaisip at sinagot ko ang tanong niya.

"Are we?"

"I mean, okay na tayo?" takhang tanong niya.

Ngumiti ako at tinanguan siya. Yes, we're okay. Patuloy ako sa paghaplos ng malambot niyang buhok, buti hindi niya naisipan na ibahin ang style ng buhok niya feeling ko papangit siya kahit ang gwapo-gwapo niya.

"My love," agaw-atensyon niyang sabi.

"Hmm?"

"Can we start all over again? Magsimula ulit tayo kasi alam kong we started in a wrong foot. Ayokong madaliin lahat kahit na gustung-gusto ko ng tuparin 'yung mga pangako ko para sa'yo." sabi niya at mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko.

"Yes, we can..." nakangiting sabi ko at hinawakan ko ang pisngi niya. "Kailangan mo munang ligawan ang pamilya ko bago ako okay?" sabi ko at humagikhik.

"Mukhang mahihirapan ako sa pagsuyo sa kambal mo ah? Alam mo naman na galit na galit sa akin 'yon." sabi niya at napanguso.

"You can handle him, naging magkaibigan naman kayong dalawa di ba?" sabi ko sa kanya at pinaglaruan ko ang buhok niya.

"Your twin brother is an asshole my love," nakasimangot na sabi niya

"Parehas lang kayong dalawa eh." sabi ko at tinawanan ko na lang siya.

Para siyang bata kung umasta eh kinakaya niya ang kambal ko dati. Napapasunod niya nga si Shaun at Zhello eh. Hindi niya lang mapasunod si Jensen kasi kay Jin lang siya sumusunod.

"Sa tingin mo ba, matatanggap kaya nila ako?" nag-aalalang tanong ni Kevin.

"Oo naman kasi di ba tutuparin mo pa yung mga pangako mo." sabi ko at pinisil ko ang pisngi niya.

Bumangon siya at niyakap niya ako ng mahigpit sa gilid.

"Thank you for coming into my life, my love."

"Mas thankful ako na dumating ka sa buhay ko."

Sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya, siya naman nakayakap sa gilid ko.

"Hindi ka ba hahanapin sa inyo?" tanong niya.

"Para saan pa? Ayoko nang manatili doon kasi lahat ng desisyon ko pinapakialaman nila." inis kong sabi.

"Iuuwi na kita sa inyo, gabi na baka hanapin ka na sa inyo."

Wala akong nagawa kundi mapanguso na lamang. Siya rin naman ang masusunod kasi alam kong hahanapin ako ng kambal ko.

Tumayo si Kevin at inalalayan niya akong makatayo. Inakbayan niya ako at naglakad kami pauwi sa mansyon.

"Starting tomorrow, liligawan ko ang pamilya mo. Kahit na ipagtabuyan pa ako ng bwisit mong kambal, titiisin ko. Matutupad ko na rin ang mga pangako ko sa'yo, we only have to do is wait okay? I love you my love, didiretso na tayo ng simbahan pagkatapos ng lahat ng ito." 

The Devil's Kiss (Bitchers Series #1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon