Shana's POV.
Ang sakit ng buong katawan ko di ko alam kung bakit. Para akong pagod na pagod na parang wala naman akong ginagawa.
I slightly open my eyes. T-teka? Hindi ganito kulay ng kisame ng kwarto ko?! Bakit kulay puti? Inilibot ang paningin ko sa buong lugar. Huhu, puro puti. Nasa langit na ata ako, makakasama ko na ba sila Jin at Jensen?
"How are you?" her voice. Parang pamilyar. Nakatalikod siya sa akin habang abala sa paghahanda ng pagkain ko.
"I'm fine..." mahina kong sabi. I can't speak too much di ko alam bakit.
"Good, do you remember everything?" sabi niya.
Napakunot bigla ang noo ko. Remember everything? Pinikit ko ang mata ko at pinilit alalahanin ang dapat kong maalala.
"I think you don't remember everything. Wag mo na lang ipilit Shana, let's eat para makainom ka na ng gamot."
Narinig ko ang paglapag ng tray sa side table at tunog ng mga kubyertos kaya dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko.
Hindi naman siguro ako nananaginip dahil nakikita ko siya ng harapan at masaya ako dahil nandito siya.
"Jin, ano ba ang nangyari? Bakit mo tinatanong kung nakaalala na ako?" tanong ko.
"For you to remember the past memories. Makakatulong 'yan sa sitwasyon mo ngayon. Ang kaso di mo pa rin naaalala ang past memories mo but I'm hoping na bumalik siya kaagad." nakangiting sabi niya. Ang weird niya sobrang weird, 'yung tipong di mo siya maintindihan sa mga pinagsasabi-sabi niya.
"You're weird..." mahina kong saad.
Ngumiti lang siya lang at kinuha ang breakfast table, inilapag niya yon sa kama.
"You should eat first and stop talking. Kailangan mong uminom ng medicine."
Grabe, walang kupas talaga ang kasungitan niya. No choice, kailangan kong kumain para uminom ng gamot. Di ko alam kung ilang araw na ako nandito eh basta alam ko bawing-bawi ako sa tulog, ilang araw ba naman akong puyat kakaisip sa walang kwentang bagay.
Kinuha ko ang kubyertos, nagsimula akong kumain ng paunti-unti para kasing pagod na pagod ako kaya di ako makakain ng maayos.
May naalala pala ako, bakit nandito si Jin? Patay na siya hindi ba? Di kaya nasa langit kaming dalawa? Multo na ako?
"Jin, bakit ka pala nandito? Di ba patay ka na?" tanong ko.
"Kung patay na ako ibig sabihin patay ka na rin. Of course buhay pa ako, matagal mamatay ang masamang damo Shana."
"Bakit mo ginawa 'yon?" garagal kong tanong. Bakit ako nakakaramdam ng sakit?
"Ang alin?" nagtatakang tanong ni Jin.
BINABASA MO ANG
The Devil's Kiss (Bitchers Series #1) ✔
Mystery / ThrillerShana Elykah Illustre, the angel incarnate and very opposite version of her dearest best friend Kassandra Styte, faces difficulties in overcoming her unknown sickness na pilit itinitago ng kanyang kambal na si Shaun Illustre. The sickness which make...