DK #26

166 11 0
                                    

Shana's POV.

"Shana, okay lang ako. Hindi mo naman kailangan na bantayan ako dito at isa pa, may klase kayo." turan ni Jed.

Oo, gising na si Jed last week ago. Nung nagising siya, si Jin ang laging bukambibig niya, syempre bestfriend niya 'yon at alam kong namimiss niya na si Jin.

"Pwede naman ako pumasok mamaya, Jed. Sa ngayon, ako muna magbabantay sa'yo habang wala pa si Jared."

"Kapag nandito si Jared paalisin ka rin niya agad, isa pa may magbabantay sa akin kaya pumasok ka na. Papunta na sila Jared dito." sabi ni Jed at ngumiti.

"Ok sige... basta mag-ingat ka ha? Kumain ka na rin at uminom ng gamot tapos i-text mo ko kapag may nagbabantay na sa'yo ha?" paalala ko.

"Yes, boss! Para ka talaga si Jin pero mas malala nga lang sa kanya. Sige, kailangan mo ng pumasok, I'm fine naman eh kaya don't worry I will text you..." nakangiting sabi niya. 

Nabanggit na naman niya si Jin pero ngayon walang bakas ng lungkot, bakit? Nagpaalam na ako kay Jed at tuluyang umalis ng hospital para pumasok sa school.


Tumingin ako sa oras, di pa naman ako late sana naman kasi di muna ako agad pumasok eh kaso mapilit talaga si Jed so anong magagawa ko?


Pagkarating ko ng school at biglang bumulaga sa akin ang bouquet ng paborito kong white tulips pero bumulaga rin sa akin ang lalaking labis kong kinasusuklaman.


"What the hell are you doing!?"


"Hmm, syempre nililigawan ka bawal ba iyon?"


Kinuyom ko ang kamao ko at tinulak ko siya palayo.


"Umalis ka sa dinaraanan ko, I'm late!" sabi ko at dire-diretso akong naglakad papuntang classroom.


Its been two weeks simula noong nangulit siya sa text. Nalaman kong ang hipag ko mismo ang nagbigay ng number ko sa kanya. Napakademonyita niya talaga hindi ko alam bakit pa pinakasalan 'yon ni Ckyle!


"Hey pansinin mo na ako. I'm sorry kung istorbo ako sa-"


"Oo istorbo ka! Kaya please lubayan mo na ako! Ayoko nga sa'yo eh! Ano ba sa sinabi ko ang hindi mo maintindihan? Bakit kinukulit mo ako? Sabi ko sayo na si Jeremy nga ang mahal ko hindi ikaw, get lost!" galit na turan ko.


Hanggang tumatagal lalo lang nag-iinit ulo ko sa tuwing nakikita ko siya. Di ko alam kung ano ang nakain niya at bakit ang lakas ng loob manligaw. Hindi ba siya natatakot kay Jared, sabagay wala naman takot yan dahil ibabagsak naman siya kung saan naman siya nanggaling eh.


Dire-diretso akong pumasok sa classroom. Simula nang mawala si Jin, bumalik si Jared, naospital si Jed, nacoma si Jeremy ay nagkandagulu-gulo ang buhay ko.


Di ko alam kung sinadya ba talaga ang mga nangyayari sa buhay ko.


Pagkarating ko sa classroom eh konti pa lang ang nandito. So meaning, I'm not late pero nakakainis dahil dapat nasa ospital pa ako at binabantayan si Jed pero itong Jed na 'to napakamapilit.

The Devil's Kiss (Bitchers Series #1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon