"WHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"
Ang lakas namang makatawa ng babaeng to..Parang wala ng bukas....
"WHAAAAAAAAAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"
Halos maglumpasay na siya katatawa...
"HINDI AKO MAKAPANIWALANG TAKOT KA SA FIREWORKS!! WHAHAHAHAHA!! GRABE!!! WHAHAHAHA!!!!"-aliyah
Walang tigil parin siya sa pagtawa...Hindi naman kasi talaga ako takot sa fireworks..Pero kasi.. Nagugulat kasi ako kaya ano..Kaya kung maaari iniiwasan kong pumunta sa mga lugar na may fireworks.. Pero itong si Aliyah binatak parin ako at tinawanan pa ko.. Bakit naman kasi ang tagal tagal matapos ng fireworks na to eh... Pilit parin tuloy akong nagsisiksik sa isang sulok habang tinatakpan ko yung tenga ko..
"Oh??Anong ginagawa mo diyan Kai??"-sabi nung kaklase naming si Hanna
"Eh kasi...WHAHAHAHAHA!! TA-----", bago pa niya matapos yung sasabihin niya,tinakpan ko na agad yung bibig niya..Medyo nanlaki yung mata niya at umalis narin si Hanna... Pagkaalis niya, tinakpan ko ulit agad yung tenga ko at bumalik sa dating pwesto ko kanina..
"Tumayo ka nga diyan.."-aliyah
Umiling ako...Pero binatak niya ako at bigla akong napatayo..Bigla niyang tinanggal yung dalawang kamay ko sa tenga ko..Ibabalik ko sana bigla yung kamay ko ng may bigla siyang sinuot sa tenga ko.. Tinignan ko at para siyang headphone, pero hindi naman siya headphone,, pero wala talaga akong marinig... Ngumiti lang si Aliyah at nagthumbs-up tapos hinawakan niya ko sa braso at dinala niya ko sa place na tanaw na tanaw yung fireworks..
First time ko lang makatingin ng ganito sa fireworks.. Kadalasan kasi kapag may fireworks, lalo na kapag fiesta at nagkakasiyahan ang mga tao, nagtatago ako sa stock room ng bahay namin.. Pakiramdam ko, para akong bata na tuwang tuwa kasi nakakapaglakad na siya.. Hindi na masyadong matagal yung napanood ko kasi kanina pa naman nag-umpisa yung fireworks display pero at least may nakita ako.. Tumingin sakin si Aliyah at sumenyas siya na pwede ko ng tanggalin yung nilagay niya sa tenga ko..Tinanggal ko na at binalik ko sakanya..
"Yuck!!May tutuli!!"-aliyah
"Ha??"-me
"Joke lang..Maganda kasi kung mapanood mo yung fireworks kasi para sayo yun.. Kasi ikaw ang nanalo.. Kapag walang nanalo sa feast run,wala din fireworks.."-aliyah
"Para sakin??"-me
"Oo naman..."-sabi niya habang tumatango
"San mo nga pala nakuha yan.."-me
"Ah ito??",sabi niya sabay inaakat at pinakita ulit sakin yung headphone-like na hawak niya, "Ginawa to ni Papa..Actually,hindi ko talaga siya papa..Siya lang yung umampon at nag-alaga sakin ng ilang taon.. Takot kasi ako sa kulog at kidlat nung bata ako,kaya ginawa niya yan para sakin.. Para hindi ko na marinig yung kulog..Tinakpan niya din ng tela itim yung mga bintana sa kwarto para hindi pumasok yung ilaw ng kidlat..".
"Ang galing ng papa mo ha.."-me
"Oo nga eh..Alam mo ba,hinihiling ko lang talaga na sana siya nalang pala ang tatay ko.. Para at least, sobrang swerte ko na.."-aliyah
"Mukhang gustong gusto mo talaga yung nag-alaga sayo na yun ah.."-me
Tumango siya.."Halika na.. Matutulog na tayo...Pumasok na silang lahat sa loob.."-aliyah
Tumingin ako sa paligid at wala na ngang tao..Tumango ako at sabay na kaming pumasok sa loob ng school...
ALIYAH's POV:
BINABASA MO ANG
Wolf and Beauty:The Pillar
WerewolfOne of the summoned wolves,Kai,was borned by the prophecy in which to kill the summoned pillar.. Staying with each other will invade the entire wolf and the life of the pillar.. A simple girl who fell inlove with a wolf... A wolf who fell inlove wit...