Epilogue

1.4K 27 6
                                    

AFTER 100 YEARS.



Pinagmasdan ko ang mga larawan sa pader.

Nandito na siya. Kasama narin ang litrato niya.


Matagal ng hindi ginagamit ang school na pinasukan namin nila Aliyah. Simula ng nawala si Mr. Park, sinarado narin ang school na ito. Ako nalang ang tanging nakakapasok dahil ako lang ang may pinupuntahan dito.


Ang library.


Ngayon, hindi na kulang ang tatlong larawang nawawala. Ang mga larawang ito ang nagsisilbing libingan namin, kapag nandito na ang litrato mo, ibig sabihin, wala narin sila sa mundong ito.


"Ἀβαδδών" [Abaddon]

O ang ibig sabihin ay "Ang Kasiraan" ang nakasulat sa baba ng larawan ni Aldrin. Siya ang sumira sa kanyang sariling dugo upang maging tao.

"Ὑπατος" [Hypatos]

Si Mr. Park.....na ang ibig sabihin at "Pinakamataas". Siya ang lalaki sa kwento na matagal ng ikinukwento saamin.

At ang huli, ay ang:

"Ἀδράστεια" [Adrasteia]

Na ang ibig sabihin ay "Hindi Tumatakbo" o hindi sumusuko sa kahit anong laban kahit na ang kapalit pa nito ay ang sarili niyang buhay.

Ito ang nakasulat na pangalan sa baba ng litrato ni Aliyah.

Ngunit may bagong frame sa baba ng larawan ni Aliyah na wala paring laman.

"Ἀγάπιος" [Agapios]

O ang ibig sabihin at "Wagas na pagmamahal"

Nangiti ako. Ang larawan ng mga asawa nila ay nasa baba nila. Sa baba ng kay Mr. Park ay ang nanay ni Aliyah, sa baba ni Aldrin ay ang larawan ni Nina. At sa baba naman ni Aliyah, ay isang bakanteng frame.

Hinawakan ko ang larawan ni Aliyah.

Pero nagulat ako sa nangyari.

Biglang nawala ang larawan ni Aliyah.


Hindi maaari. Imposible.


"Hanapin mo na siya."


Lumingon ako... Si Luhan..


"Dumating na ang panahon para siya'y mabuhay ulit.. Ang bagong Aliyah, ay nasa mundo na ulit natin.."-luhan


Reincarnation... Dumating na ang tamang panahon..


Lumapit si Luhan at inilagay sa kamay ko ang isang maliit na bote.


"Laman niyan ang tubig na galing sa kaharian.. Maaari mo na siyang magamit ngayon upang maging tao ka na.. Tapos na ang matagal na paghihintay mo Kai.. Tapos na.."-luhan


Pagkatapos nun at nawala na si Luhan.. Siya ay bumalik na sa lugar namin at marami narin siyang natutunan.. Natutunan narin niya ang iba pang kapangyarihan ng mga wolf at isa na siya sa pinakamalakas na wolf..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 29, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wolf and Beauty:The PillarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon