THIRD PERSON's POV:
Kai.
Dumating si Kai sa lugar na sinasabi sa text.. Kahit na kinakabahan siya,, pinilit niyang lakasan ang loob niya para kay Aliyah.. Hindi na niya nagawang tumawag pa ng ibang kasama dahil nang malaman niya lang na nasa masamang kalagayan na si Aliyah,nataranta na siya..
Papasok na sana siya ng makasalubong niya si Luhan.. Nagulat siya ng makita niya si Luhan pero hindi na niya tinanong kung anong ginagawa niya sa lugar na yun dahil ang gusto niyang mangyari ay maligtas agad si Aliyah..
Sabay pumasok si Kai at Luhan ng walang imikan... Pagbukas palang ng pinto, tumambad na agad sakanila si Aliyah na nakatayo sa gitna ng bakanteng pabrika at nakapiring ang mata.. Tatakbo na sana si Kai para iligtas si Aliyah pero hinawakan ni Luhan ang braso niya para pigilan dahil masama ang kutob ni Luhan.. Alam niyang hindi basta-basta nagpapakita sa kahit sinumang wolf ang mga black death at kapag nagpakita sila,siguradong may gagawin silang masama sayo..
Inisip ni Luhan na may mga nakabantay sa gilid ni Aliyah at kapag lumapit sila ay maaari na silang sugurin agad ng walang kalaban-laban..
"Bitiwan mo ko..Kailangan kong puntahan si Aliyah.."-me
"Mag-isip ka nga,nandiyan lang ang mga black death..Hindi nila basta basta ilalagay si Aliyah diyan kung wala silang masamang balak satin.."-luhan
"Kai..KAI TULUNGAN MO KO!!! KAI!!!!!!!!!!!"-aliyah
Napalunok nalang si Luhan..Masakit para sakanya na marinig na iba ang hinahanap ni Aliyah.. At hindi siya...
Humakbang si Kai para puntahan si Aliyah..Hindi niya matiis na makitang ganun si Aliyah.. Pero hindi pa siya nakakalayo,may biglang humagis na malaking bato.. Pero nagtaka si Kai kung bakit hindi siya tinamaan.. Nang mapatingin siya sa sahig,nakita niya si Luhan na dumudugo ang braso at nakaupo.. Niligtas ni Luhan si Kai sa malaking bato at binasag niya ito..
Napasigaw si Aliyah ng marinig niya ang paghampas ng malaking bato.. Wala naman siyang magawa dahil nakatali ang dalawang kamay niya at nakapiring pa siya..Hindi din niya alam kung sino yung tinamaan..Sinubukan niyang alisin yung tali sa kamay niya.. Nang maramdaman niyang maluwag na ito,unti unti na niyang tinanggal yung kamay niya sa tali at tinanggal niya yung piring niya.. Una niyang nakita si Luhan na duguan ang kamay pero hindi na niya napagilang hindi tumakbo nang makita niya si Kai..
Umiwas ng tingin si Luhan..Siya ang nasaktan pero kay Kai parin pumunta si Aliyah.. Napaisip tuloy siya kung anong meron kay Kai na wala siya.. Mas maraming naghahabol na babae sakanya pero yung taong gusto niya, hindi isa sakanila..
Niyakap ng mahigpit ni Kai si Aliyah..Sa oras na yun kinalimutan niya muna na si Aliyah ang pillar.. Para sakanya,hindi importante yun sa mga oras na ganto.. Mas importante si Aliyah para sakanya.. Nang maramdaman ni Aliyah ang yakap ni Kai,hindi na niya napigilang umiyak habang nakasubsob ang mukha niya sa dibdib ni Kai.. Isa-isa ng lumabas ang mga Black Death at naramdaman naman ni Kai ang panginginig ni Aliyah kaya hinalikan niya ito sa noo..
Kahit masakit kay Luhan ang nakikita niya, tumayo parin siya.. Para naman sakanya,mas gusto pa niyang mamatay nalang para iligtas si Aliyah at para hindi na niya ulit makita ang namamagitan kay Kai at Aliyah..
"Ano bang kailangan niyo sakin?? Kung sakin kayo may problema,ako nalang..Wag na si Aliyah.."-kai
Nangiti ang leader ng Black Death na si Yago.. Natutuwa siyang makitang mas malakas na ang loob ni Kai ngayon kumpara noon.. Sa tingin niya,mas magiging masaya ang pakikipaglaro nila kay Kai at Luhan..
"Hindi lang sayo..Kundi sainyong dalawa..Syempre kasama si Aliyah.....Dahil siya ang pillar..",sabi ni yago at ngumiti ng sarcastic.
Napatigil naman si Aliyah at tumingin kay Kai.. Pero hindi muna ito pinansin ni Kai..Mamaya nalang siya magpapaliwanag kay Aliyah..
![](https://img.wattpad.com/cover/6468863-288-k514179.jpg)
BINABASA MO ANG
Wolf and Beauty:The Pillar
Hombres LoboOne of the summoned wolves,Kai,was borned by the prophecy in which to kill the summoned pillar.. Staying with each other will invade the entire wolf and the life of the pillar.. A simple girl who fell inlove with a wolf... A wolf who fell inlove wit...