Chapter 4.3-My heart needs a doctor

1.6K 20 1
                                    

"Kanina ka pa ata tulala diyan.."-kai

Bigla akong natauhan ng magsalita si Kai.. Tumingin ako sa kinakain ko.. Hindi ko pa nababawasan.. Tumingin ako kay Kai na kasalukuyang nakatingin sakin pero halatang may halong concern yung mata niya..

"Mamamayat ka lalo kung hindi ka kakain..Bilisan mo,baka ako ang kumain niyan..Chicken pa man din.. Tsk.."-kai

"Sige,kainin mo kung gusto mo..",sabi ko na parang lumilipad sa kalawakan ang utak

"Hindi ganyan ang pagpapakamatay..."-kai

Kinuha niya yung manok at pinag-piraso piraso tapos tinapat niya sakin yung unting piraso.. "Say Ah.."

Dahil bigla din akong nakaramdam ng gutom,kinain ko na din yung sinusubo niya sakin.. Ngumiti siya na parang bata pero dinilaan ko siya.. :P

Maya-maya unti unti narin akong kumain habang siya naman nakatingin sakin at nakapalumbaba..

"Hanggang kelan mo ko tititigan??Baka ma-inlove ka niyan sakin..",sabi ko sabay hawi ng buhok ko na parang nang-aakit..

Natawa siya ng unti,"Tinitignan ko lang mabuti baka kasi hindi ka kumakain at baka tinatapon mo lang yung pagkain sa lapag.."

"Hindi naman ako ganun no.. Mahirap naring magsayang ng pagkain.."-me

"Kaya dapat kumain ka.."-kai

"Oo nga po..Kaya nga po kumakain na po ko..",sabay ismid.

Nagsmirk siya.. Pero biglang may dalawang babaeng lumapit samin at parang nasubsob sa abo sa sobrang puti na halata namang foundation lang...

"Hi Kai!!"-girl 1

"Uh-hi din??",patanong na pagkakasabi ni kai..Tumingin siya sakin na parang nagtatanong kung anong nangyayari.. Pero umiling lang ako..

"Alam mo bang ang galing galing mo nung Feast Run!!"-girl 2

"Ah..Salamat.."-kai

"Suportado ka namin sa track and field mo!! Galingan mo ha.."-girl 1

"Ah..Oo..Salamat.."-kai

Umalis na yung dalawang babae na namumula ang magkabilang pisngi..Napayuko at napailing nalang ako.. Natatawa kasi ako..

"Bakit ka tumatawa??Anong nakakatawa??"-kai

"May fans ka na ha.."-me

"Ha??Fans??"-kai

"Hindi natin ka-year yung dalawang babaeng yun!!! Pero ikaw ang susuportahan nila.. Haha!! Sumisikat ka na ha.."-me

"Tsk..Ewan ko sayo.."-kai

"Arte..."-me

"Nga pala mamaya..Kung wala kang gagawin mamayang gabi,gusto mong sumama sakin??"-kai

"Ha??Saan??"-me

"Evening Picnic.."-kai

"Evening Picnic??Ano namang trip yan??"-me

"Picnic sa gabi.. Kasama yung mga kapatid ko.. Napansin ko kasi na wala kang kaibigan.. Maliban kay...Ah alam mo na..Pero madali naman kasing makisama sakanila kaya mabuti narin siguro kung makilala mo sila.. Kahit naman puro lalaki sila diba??"-kai

"Bakit ikaw hindi ba kita kaibigan??"-me

"Ah.. Pero mas maganda kung mas madami diba??"-kai

"Sige it-try ko.."-me

"Call.."-kai

Bumalik kami sa room at napatingin ako sa upuan ni Nina.. Hindi na siya pumasok.. Umupo na kami ng maayos ng sinabi ni Ma'am na may important announcement daw siya.. Yun pala sasabihin lang niya na nagdrop na si Nina at hindi na siya ulit makakapasok.. Tumingin naman sakin yung mga kaklase ko at sabay-sabay silang magtanong kung anong dahilan pero umiiling lang ako.. Tumayo naman si Kai para paupuin yung mga kaklase kong nakakumpol na sa harap ng desk ko..

Wolf and Beauty:The PillarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon