"Ano bang problema nun??Eh tinatanong lang naman natin kung sino yung babae!!! Hmmmp!!! Pag nakita ko talaga yung babaeng yun, naku!!"-janine
Nakita ko na yung babaeng yun nung nakaraan...Sino kaya siya at parang lagi nalang iniiwasan ni Kai ang mga tanong tungkol sakanya??
Hanggang sa uwian iyon parin ang iniisip ko...Hindi naman ako pinapansin ni Kai kaya hindi ko nalang siya kinulit...Baka kasi lalo pang mainis sakin...Paglabas ko ng gate,may mga nagtitilian nanamang babae.. Nakita ko si Luhan sa kumakaway sakin kaya naman pinuntahan ko agad siya... Naka-school uniform pa siya at halatang kagagaling lang sa school..
"Wala ka na bang klase??Napapadalas ata yung punta mo dito.."-me
"Wala namang pakelam yung school na yun kung pumasok ka o hindi.."-luhan
"Tsk..Ano bang klaseng school yan.."-me
"Syempre iba ang klase ng school namin sa school niyo.."-luhan
"Fine.."-me
"Ihahatid na kita pauwi.."-luhan
"Sige.."-me
Naglalakad lang kami at hindi nag-uusap... Well wala din naman kasi kaming maisip na pwedeng pag-usapan...Habang tumatagal medyo nagiging awkward kami...
"Ah..May gusto sana akong itanong kaso baka magalit ka.."-me
"Sige itanong mo..Ano ba yun??"-luhan
"Ah...Kasi ano...Magkakilala na ba kayo ni Kai dati??"-me
Napahinto siya...Hala wag naman sana siyang magalit..
Ngumisi siya,"Oo..Kaibigan ko siya dati.."
"D-dati??Bakit naman hindi na ngayon??"-me
"Dahil lang sa isang babae,nag-away kami.."-luhan
"B-babae??"-me
"Si Jewel..Kaibigan namin siya at lagi niya kaming inaalagaan..Namisunderstood ko yun at akala ko may gusto siya sakin... Pero nagkamali ako,si Kai pala ang gusto niya.. Ang pinaka-ayoko sa lahat ng nangyari...Ay nung nakipaghiwalay si Jewel sakin dahil si Kai daw talaga ang gusto niya.."-luhan
"Ibig sabihin...Ex mo si Jewel???"-me
Tumango siya..
"G-gusto din ba siya ni Kai??"-me
Tumango ulit siya at nagsimula na ulit maglakad..
"Siya siguro yung babaeng nasa picture dun sa wallet ni Kai.."-me
Nilabas ni Luhan yung wallet niya at pinakita sakin yung picture na nasa wallet niya..Parehas na parehas sa picture na nasa wallet ni Kai..
"Ganito din ba??"-luhan
"Oo.."-me
"Ang totoo matagal ng wala si Jewel dahil namatay siya sa pagliligtas saming dalawa ni Kai.. Pagkagising namin ni Kai,natatandaan padin namin si Jewel pero hindi na namin matandaan yung mukha niya...Kaya inabot samin ni Clarence yung picture ni Jewel para kahit papano daw, matandaan namin.."-luhan
"Mukhang hanggang ngayon gusto padin ni Kai si Jewel..Nakakainggit naman..."-me
"Nakakainggit??"-luhan
Huminga ako ng malalim,"Luhan...Sa tingin ko kasi...Gusto ko na si Kai.."-me
"A-ah..K-kung sakaling malaman mong nagmahal ka sa isang wolf...Anong gagawin mo??"-luhan
"Lalayuan ko siguro siya??Alam ko din naman kasing hindi kami magkakatuluyan.. Mas masasaktan lang ako kapag mas matagal kaming nagkasama.."-me
"Andito na pala tayo..."-luhan
Nandito na pala kami sa bahay..
"Sige,pumasok ka na..Aalis na ko.."-luhan
"Salamat sa paghatid.."-me
Pumasok na ko sa loob at umakyat sa taas..Humiga ako sa higaan ko..Hindi ko na kasi naliligpit to dahil palagi nalang akong nale-late magising sa umaga...Alam niyo na..Wala na kong tiga-gising..
Habang nakapikit ako at nakahiga,may bigla akong narinig na tumalon sa may veranda... Naisip ko na baka si Kai yun kaya binuksan ko agad yung pinto at lumabas... Pero hindi si Kai ang nakita ko... Kundi si Luhan...Si Luhan na hindi ko kilala at namumula ang mga mata.. Nakaramdam ako agad ng takot..Papasok na sana ako sa loob ng bahay pero biglang binatak ni Luhan yung braso ko at napasigaw ako sa sakit dahil bumaon sa braso ko yung mga kuko niya...
"LUHAN!!!!!!!!!!!!!!!!!"
Narinig naming may sumigaw mula sa baba..Nakita ko si Kai..Paano niya nalaman na si Luhan ang kaharap ko ngayon...
"LUHAN PLEASE NAKIKIUSAP AKO SAYO...WAG MONG GAWIN YAN..."-kai
"KAI WAG KANG PUPUNTA DITO!!!",sigaw ko ko kay Kai pero hinigpitan pa lalo ni Luhan yung pakakahawak sa braso ko kaya napasigaw ako sa sakit..
Tinignan ko lang si Kai na nakatayo dun at walang magawa... Pero nagulat ako ng biglang mag-iba yung kulay ng mata niya.. Naging kulay asul ito at unti unting humaba ang kuko niya sa kamay at nag-iba ang itsura niya... Siya ay naging isang wolf din.. Mabilis na inakyat ni Kai yung veranda at naglaban sila ni Luhan..
Ako naman hindi ko alam ang gagawin ko..Wala akong magawa..Hindi rin ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon... Paanong pati si Kai???Paano nangyari yun??
Hindi pa sila tapos maglaban ng biglang tumakbo si Luhan...Hahabulin sana siya ni Kai ng hindi sinasadyang nakapagsalita ako..
"Kai..."
Napatingin si Kai sakin... Pero iba ang aura niya.. Pakiramdam ko hindi niya ako nakikilala.. Lumapit siya sakin pero tinitigan ko lang yung mga asul niyang mata...
Itinaas niya yung kanang kamay niya at akmang sasaktan ako..Pero bago ang lahat,pumikit nalang ako..
"K-kai..A-ako to..S-si A-aliyah.."
Hinihintay ko lang siya na saktan ako.. Pero wala akong naramdaman...Unti-unti akong dumilat at nakita ko na nakatingin lang sakin si Kai habang unti unti siyang bumabalik sa pagiging tao.. Nung bumalik na siya sa pagkatao,nakatingin parin siya sakin at parang hindi makapaniwala sa mga nangyari..
"I-isa kading w-wolf??"-me
"Aliyah.."-kai
"Paanong..."-me
"Aliyah sorry sa nagawa ko kanina..Pero wala akong balak na saktan ka.."-kai
Napatingin siya sa braso ko na dumudugo dahil sa pagbaon ng mga kuko ni Luhan.. Hinawakan niya ito at kumuha ng panyo sa bulsa niya.. Tinalian niya yung braso ko na may kalmot para hindi tumulo yung dugo kung saan...
"Pano mo nagawang itago sakin yun??"-me
"Ayoko kasing matakot ka sakin..."-kai
"Kaya hindi mo sinabi sakin??"-me
"Aliyah...Sa tingin ko kasi hindi ko naman na dapat sabihin sayo..Natatakot kasi ako na baka layuan mo ko kapag nalaman mo kung ano ang totoo kong anyo.."-kai
"Sa tingin mo dapat pa kong maniwala sayo??"-me
Hindi ko talaga lubos maisip na nagawa niya itong itago sakin..
"Hindi na importante sakin kung maniniwala ka pa sa mga sasabihin ko sayo... Pero ito ang dapat mong tandaan.. Hindi kita sasaktan,,poprotektahan kita."
![](https://img.wattpad.com/cover/6468863-288-k514179.jpg)
BINABASA MO ANG
Wolf and Beauty:The Pillar
WerewolfOne of the summoned wolves,Kai,was borned by the prophecy in which to kill the summoned pillar.. Staying with each other will invade the entire wolf and the life of the pillar.. A simple girl who fell inlove with a wolf... A wolf who fell inlove wit...