Chapter 8.2-Eclipse

1.2K 20 12
                                    

KAI's POV:

Pagkatapos ng klase,nagsunuran na yung mga kaklase namin kay Aliyah..Nagvolunteer kasi siyang maging leader ng mga grupo para lang hindi ako yung maging leader..Hindi kasi talaga ako pwedeng magpunta dun..Hindi ko kayang kontrolin ang sarili ko lalo na kapag kabilugan ng buwan at eclipse pa.. Baka may magawa pa kong bagay na hindi ko dapat magawa..

Hindi ko na tinanong pa si Aliyah kung sasabay pa siya sakin dahil halata namang hindi.. Sa dami ba naman ng nakasunod sakanya,malamang hindi na siya makakakaalis.. Naiwan pa sila sa room dahil nag-uusap usap sila kung ano ano ang dadalahin nila mamayang gabi.. Hindi na ko nagpaalam kay Aliyah kasi sobrang busy na siya sa pag-aasikaso..

Paglabas ko ng room,nakita ko si Janine.. Nginitian niya ko kaya nginitian ko nalang din siya... Agad naman siyang kumapit sa may braso ko.. Tinatanggal ko pero hindi ko talaga maalis dahil grabe siya makakapit..

"Samahan mo ko sa mall..May bibilhin ako..Please??"-janine

"Ha??Ano kasi.."-me

"Malapit na kasi ang pasko..Gusto ko sanang bumili ng mga gamit para sa mga bata sa orphanage.. Wala kasi akong mabatak na kasama eh.. Tsaka alam ko namang sasama ka dahil gusto mo din tumulong sa mga bata diba??Diba??"-janine

"Ah sige..Basta wag lang masyado ng gabi ha.."-me

"Okay!!"-janine

Agad agad niya kong kinaladkad palabas ng school at sinakay sa kotse niya.. Sinabi naman niya agad sa driver kung saan kami pupunta.. Kahit pala ganito si Janine,tumutulong padin siya sa mga batang nasa bahay ampunan..Pumasok kami sa Toy Kingdom at ang dami niyang binili.. May kasama pa siyang dalawang body guard para tigabit bit ng mga pinamili niya.. Pagkatapos nun, dumiretso na kami sa orphanage..

Ang daming batang sumalubong samin..Pagbaba ko palang sa kotse may tumakbo na agad na mga bata at yumakap sakin..Yung iba nakakapit pa sa may hita ko.. Nakakatuwa naman silang tingnan..Tinulungan ko si Janine na magpamigay ng mga regalo para sa mga bata..

"Wala sa itsura ko na tumutulong ako ng ganito no??Alam ko kasi ang pakiramdam ng nasa bahay ampunan.."-janine

Napatingin ako sakanya..

"Buti mayaman at mabait yung nakaampon sakin..Kaya swerte ako..."-janine

"Galing ka lang din sa bahay ampunan??"-me

"Oo..Bakit nagulat ka ba??Haha.."-janine

"Akala ko kasi.."-me

"Masungit at maarte talaga ako kahit ampon lang ako..Normal na sakin yun.."-janine

Sobrang tagal din namin dito sa bahay ampunan..Ayaw kasing tumigil ng mga bata sa kalalaro kanina..Nakaalis lang kami nung oras na ng tulog nila..

"Malapit na mag-eclipse...Ang galing nga eh..Saktong 12am yung eclipse.."-janine

"Malapit ng mag-eclipse??"-me

"Oo..11:30 na oh!!"-janine

Tinignan ko yung relo ko..11:30 na nga..Hindi ko na namalayan yung oras dahil sa pakikipaglaro sa mga bata kanina..Kailangan ko ng makaalis dito sa lalong madaling panahon.. Hindi nila pwedeng makita ang totoo kong anyo..

ALIYAH's POV:

Pagkatapos ng klase,sumunod sakin lahat ng kaklase ko..Ako nga kasi diba ung nagvolunteer na maging leader sa report.. Nakakainis lang dahil ayoko naman talang gawin to..Kaso para narin kay Kai.. Hindi nila pwedeng malaman ang totoong anyo niya dahil baka kung anong gawin sakanya ng mga tao..

Nasa helepad lang kami ng mga kaklase ko habang hinihintay namin yung eclipse.. Ewan ko ba kay Mr. Park at ang weird magpaproject..Nung nakaraan report about sa wolf.. Eh hindi pa nga tapos yun may bago nanaman..After pa ng christmas break yung report nmin..Speaking of christmas break... Lumiliwanag ang mundo ko kapag naririnig ko ang dalawang salitang yan!! Aminin niyo,kayo din diba?? XD

Nasan na kaya si Kai??Nakauwi na kaya siya ng bahay??Baka mamaya abutan yung ng alas dose sa labas ng bahay,baka kung ano pang mangyari dun.. Kinuha ko yung cellphone ko para icheck kung may text siya,pero wala naman..

Tumingin nalang ulit ako sa langit habang yung mga kaklase ko naman siniset-up yung camera para makuhanan nila nung eclipse.. Pero hindi padin ako mapakali.. Tumingin ulit ako sa cellphone pero wala pading kahti anong text galing kay Kai.. Hindi ko na talaga matiis yung sarili ko kaya tinawagan ko na siya..

Ilang ring lang sinagot nadin agad niya..Nakahinga ako ng maluwag..

"Kai??Nasan ka??"-me

"Nandito ako sa Angels' House...Yung bahay ampunan..Kasama ko si Janine.."-kai

"Bakit nandiyan ka pa??Alam mo ba kung anong oras na??Malapit ng mag-eclipse!!! Alam mo naman kung anong pwedeng mangyari kapag naabutan ka diyan.."-me

"Hindi ko kasi talaga alam kung pano ako aalis..Pero sinusubukan ko na.."-kai

"Bilisan mo..Malapit ng mag-12.."-me

"Delikado kapag eclipse...Kahit na anong mangyari Aliyah wag kang pupunta dito.. Hindi ko kontrolado ang sarili ko tuwing eclipse.."-kai

"Basta tumawag ka nalang kapag nakaalis ka na diyan.."-me

"Oo..Sasabihin ko agad sayo.."-kai

Binaba ko na yung telepono.. 11:45 na..Kapag after 5 minutes at hindi pa siya tumawag, hindi ko mapipigilan ang sarili kong puntahan siya dun..Pumikit ako at huminga ng malalim.. Sana walang mangyari.. Sana makaalis si Kai..

Dumilat ako at tinignan yung relo ko... 11:51 na..Hindi padin tumatawag si Kai o kahit ano.. Hindi ko alam kung anong sumapi sakin at bigla nalang akong tumakbo..Narinig ko yung pagtawag sakin nung mga groupmates ko pero ayokong bumalik.. May nagtutulak talaga sakin papunta kay Kai.. Nangharang ako agad ng tricycle para madala ako kagad sa bahay ampunan kung nasan sila Kai..

Pagdating ko dun,nakita ko agad sila Kai..Pero unti unti ng nag-iiba yung anyo ni Kai at si Janine naman,nakaupo na sa daan at halatang gulat na gulat sa mga nangyayari kay Kai.. Papalapit na sana si Kai kay Janine pero bigla akong tumakbo at niyakap si Kai.. Pumikit nalang ako kahit na hindi ko naman alam ang pwede susunod na mangyari..

Wala akong narinig na iba kundi ang pagtakbo ni Janine..Unti unti akong dumilat at nakita kong nawala na ang totoong anyo ni Kai..Bumalik na siya sa pagkatao niya..Humarap siya sakin..

"Kai..Si Janine.."-me

Hindi siya sumagot pero bigla niya akong niyakap.. Ramdam ko sa yakap niya na natatakot siyang malaman ng iba ang totoong anyo niya..Si Janine.............Alam na niya..Sana wala naman siyang pagsabihan nito..

ABANGAN SA SUSUNOD NA CHAPTER:

(SPOILER ALERT!! XD)

"Nangako akong maniniwala ako sa mga sinasabi mo.."-aliyah

"Pwede bang kahit ito nalang sasabihin ko,paniwalaan mo ulit ako??"-kai

"Ano ba yun??"-aliyah

"Alam kong mahirap..At hindi pwede...Pero hindi ko mapigilan ang tibok ng puso ko kapag nandiyan ka......

..........gusto kita Aliyah.."

Wolf and Beauty:The PillarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon