Chapter 13.3-The magical water

718 11 5
                                    

LUHAN's POV:

Wala akong magawa kaya nagbasa nalang ako ng mga libro..Kahit na pinagbabawalan na kami ni Kris magbasa.. Hindi ko kasi matawagan si Clarisse kaya wala naman akong dahilan para lumabas ng bahay.. Mas gugustuhin ko pang magkulong nalang dito sa loob ng kwarto ko..

Habang nagbabasa ako,may biglang kumatok..Tinago ko agad yung librong binabasa ko sa ilalim ng unan ko..

"Pasok.."

Bumukas ang pinto at pumasok si Kris..Minsan tinatawag ko siyang kuya,minsan naman hindi.. Hindi naman big deal samin yung edad..

"Bakit??"

"Hinahanap ka nila Sam sa labas..Hindi ka ba lalabas??"-kris

"Hayaan mo na sila dun..Hindi ko kayang makipagsabayan sa mga kalokohan nila.."

"Yan ang gusto ko sayo Luhan..Masyado kang dedikado sa mga bagay na sinasabi ko..Sana hindi yan magbago at balang-araw,gawin mo din yung dapat mong gawin sa pillar.."-kris

Hindi ako kumibo..

Alam ko naman kasing hindi ko magagawa ang gusto niyang mangyari..Hindi ko kayang patayin si Aliyah..

"Sige..Mauna na ko..May pupuntahan pa ko.."-kris

"Sige.."

Lumabas na si Kris sa kwarto ko at kinuha ko yung librong tinago ko kanina..Alam ko malapit na ko sa hinahanap ko..Makikita ko din yun..Iyon ang kasagutan sa mga nais ko..

"Luhan!!!Lumabas ka na kasi diyan!!",narinig kong sigaw ni Sam mula sa sala..

Kahit ayoko lalabas nadin ako..Uupo lang ako sa isang sulok at hindi makikigulo sakanila..Hindi ko kasi talaga kayang sakyan masyado yung mga kalokohan nila..Sobrang kakasat kasi nila..

Nilapag ko yung libro sa lamesa ko pero biglang lumakas ang hangin at nabuklat nanaman yung libro.. Nilapitan ko ito para isara pero napahinto ako sa nakita ko..

Ito ang hinahanap ko..

Ang mahiwagang tubig..Ang tubig na sa labas lang ng palasyo makikita..Ang tubig na makakatulong sakin para maging tao ako..

Binuksan ko ang cabinet ko at kinuha ang bag na matagal ko ng hinanda..Ito na talaga ang balak ko kaya bumalik ako sa school ng mga wolf para makapagbasa ng marami pang libro at mahanap ang tungkol sa mahiwagang tubig at kung saan ito makikita..

Ngayong alam ko na kung nasan ito,kahit na alam kong mapanganib at maaari kong ikamatay ang pagpunta dun,gagawin ko padin para lang makuha ang gusto ko..

Ni-lock ko yung pinto ng kwarto ko at binuksan ang bintana para doon ako tumalon.. Pagkatalon ko,mabilis akong tumakbo para makalayo sa bahay at hindi nila malaman na umalis ako.. Gagawin ko ang lahat,para lang makasama si Aliyah..Hanggang ngayon hindi padin ako nawawalan ng pag-asa na pagdating ng araw,kapag natanggap na niyang hindi talaga sila pwede ni Kai,mamahalin niya din ako..

CLARISSE's POV:

Wala akong magawa sa bahay dahil bakasyon na...Nakakaboring din minsan kapag walang pasok.. Bumili nalang ako ng cotton candy at pupunta sa bahay nila para may pang-uto nanaman ako sa lalaking yun..

Habang naglalakad ako sa daan,,bigla akong napahinto..

Napahinto din siya nung nakita niya ko..Tatawagan ko nalang sana si Luhan para palabasin ng bahay nila dahil alam kong makikita ko lang siya sa loob..

"Clarisse.."

"Ah..Uhm.."

"Alam kong nandito ka para kay Luhan..Pero hindi namin alam kung nasan siya...Baka naman nasabi niya kung san siya pupunta.."-lay

"Ah..Uh..W-wala siya diyan??Akala ko kasi nasa bahay siya kaya pumunta ako..Wala naman siyang nabanggit na aalis siya..."

"Ganun ba.."-lay

"Sige,mauna na ko.."

"Teka lang..",sabi niya sabay hinawakan yung braso ko para pigilan akong umalis..

Pero tinanggal ko yung kamay niya.."Ah..Susubukan ko ding hanapin si Luhan..Sige aalis na ko.."

Umalis na ko at buti nalang hindi na niya ko hinabol pa..Nasan na ba kasi si Luhan?? Siya lang ang pwedeng magtanggal ng ilang sa pagitan naming dalawa ni Lay...

Habang naglalakad ako,nakita ko si Luhan..Tatawagin ko sana siya pero parang may pupuntahan ata siya..May dala siyang bag..San kaya siya pupuntahan???Parang magtatagal ata siya..

Sinundan ko siya pero sobrang bilis niyang maglaka kaya tumatakbo na ko..Sobrang layo na niya sakin..

Sinundan ko lang siya ng sinundan hanggang sa hindi ko na alam kung nasan na kami..Parang ngayon ko lang din ata nakita tong lugar na to..

Huminto siya kaya nagka-chance akong lumapit sakanya..Pero hindi pa ko nakakalapit ay may dumaan pana sa harap ko kaya napaatras at napasigaw ako..Nakita ko namang napalingon si Luhan pero nagulat nalang ako ng bigla ko nalang siyang nakita sa harapan ko.. Pano siya nakapunta dito ng ganun kabilis??

"Anong ginagawa mo dito???!!!",tanong niya sakin habang pulang-pula yung mukha niya..

"Ah..Nakita kasi kita kanina..Sinundan kita kaso ang bilis mong maglakad kaya hindi kita matawag.."

"Alam mo bang hindi ka dapat sumunod sakin dito???Mapanganib dito!!!"-luhan

"Ang totoo,sa kakasunod ko sayo,hindi ko namalayan na hindi ko na pala alam yung dinadaanan natin..Pero ano ba talagang meron dito???Bakit may pumana bigla??"

"Wag mo ng intindihin yan ngayon..Basta ang gawin mo lang,,wag kang lalayo sakin,,at wag mong bibitawan ang kamay ko.."-luhan

Hinawakan niya yung kamay ko at saka siya naglakad...Sumunod nalang ako dahil alam ko namang hindi ako pababayaan ni Luhan..

Sa gitna ng paglalakad namin,huminto siya at tumingin sakin..Halatang napakaseryoso ng tingin niya sakin..Napalunok nalang tuloy ako..Ngayon ko lang napansin na ganito pala talaga kagwapo si Luhan..

"Clarisse...Kung sakali mang may malaman ka ngayon na kahit ano tungkol sakin,,ipangako mong hindi mo ko lalayuan at ako lang ang paniniwalaan mo.."-luhan

"Oo naman..",nag-aalangan kong sagot..

Ngumiti siya at hinigpitan ang kapit sa kamay ko...Hindi ko alam kung anong katotohanan ang pwede kong matuklasan tungkol sakanya...Pero kung malaman ko nga yun,magagawa ko parin kaya siyang paniwalaan??

Wolf and Beauty:The PillarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon